stress... stress...
heto na naman ako...
ano ba nangyayari sa buhay ko? itong past weeks super down ako, as in eto na ata ang pinakadown sa buong buhay ko...
first, out na ang temporary class standing namin sa chem lec at out na rin for public viewing ang lab grades namin for the first 11 experiments... hindi maganda yung lab grades ko... 2 ang grade kong zero sa lab performance, expt 5 (redox) and 8 (calorimetry).. di ko nga alam kung bakit may ganun kaming grade ng partner ko eh... nagattend naman kami, nagpass naman kami ng prelabs at data sheet, nagperform naman kami ng experiment, di naman namin nasunog yung lab, kaya bakit zero kami? nag-aalangan tuloy ako... okey naman yung lec ko eh, no problem... kaso if i fail lab, kahit uno pa ako sa lec, wala din...
second, medyo nadedepress lang ako kasi nadidisappoint ako sa ibang tao... as i said nga, super down ako this past week pero parang yung mga tao na ineexpect kong susuporta at masasandalan ko ay parang wala naman dyan... salamat sa mga kaibigan kong nakatulong ng malaki at nandyan nung ako ay down (thnx barbs at km!:)) tapos yung lab partner ko rin kahit di naman nya mababasa ito, salamat din!:) (kaya natin to hazel!:)) basta... siguro isa na rin itong way ni God para ipakita sa akin kung sino talaga yung mga maaasahan ko pag sobrang extremes na ang situation...
