set yourself free...

Friday, December 28, 2007

the rainbow... bow!

destressing lang... alam nyo, stressed na ako kahit di pa pasukan, pero masaya naman ako:) may mga bagay talaga na sadyang nakakapagpasaya sayo kahit di naman sinasadya. kumbaga parang nagiginginstinct mo na na kapag kausap mo cya, kahit anu pang pinaguusapan nyo at kahit anu pang state of mind mo, magiging masaya ka:) parang super powers:) hehe... sabi ko na nga ba eh, all those bad moments happened for a reason, and now i'm reaping the fruits of my endurance:) i'm really really happy right now!:D

Monday, December 24, 2007

MERRY CHRISTMAS!!!:D

enjoy the holidays!:D

Friday, December 21, 2007

questions that need to be answered...

1. ) Anong song ang pinapatugtog mo ngayon?
-- Hot by Avril L.

2 .) San ka galing kahapon?
-- Megamall

3.) Sinong huli mong nakausap sa phone?
-- si ate jam

4 .) Sinong iniisip mo ngayon?
-- ung girl sa america's next top model

5.) Happy ka ba ngayon?
-- yeah

6.) Kamusta naman ang life mo?
-- eto masaya

7 .) Mabilis ka bang magsawa?
-- depende kung sino... wahaha

8 .) Gusto mo bang makipag telebabad sa telephone?
-- yeah... pero depends sa kausap

9.) Sinu ksama mo ngayon?
-- family ko

10.) Pagod ka ba ngayon?
-- nope

11. ) Saan ka pupunta ngayon?
-- dunno... i'll find out later

12 .) Umiyak ka ba kanina?
-- nope... pero... basta...:D

13.) Mahilig ka ba sa surprises?
-- yeah... lagi nga akong sinusurprise eh

14. ) Anong gusto mong gawin ngayon?
-- magchat sana

1 5 .) Gano kahaba ang pinaka matagal na phone call mo?
-- ummm... di ko na cinocount eh... 4... 3 hours?

16. ) Umiinom ka ba ng mga alcoholic drinks
-- di naman

17. ) Anong mas gusto mo...makulit o pasaway?
-- makulit

18.) Malambing o mataray?
-- malambing... duh!

19 . ) Anong fave mong drink?
-- water!!!

20. ) Adik ka ba sa siopao?
-- wahahaa!!!!!!!! nice question!!!!!:D dati adik ako pero ngayon di na (ano o sinong siopao kayo un?)

21. ) Anong feeling mo pag may kausap ka sa phone?
-- sobrang saya!!!:D

22 .) Anong iniisip mo ngayon?
-- bakit kaya di nagtetext ang mga tao? panu na ung module 1 namin? ano kaya ung 2nd expt namin? may probset ba kami?

24. ) Anong feeling mo ngayong oras na to?
-- masaya

25.) Ano ang huling natanggap mong gift?
-- gift from ate jam... di ko pa nga lang nabubuksan

27 .) Kumain ka na ba ng dinner?
-- not yet

28.) Anong huli mong napanuod na movie?
-- sa bahay... 30 days of nyts; sa movie house, 30 days of nyts din... weird...

29 .) Bakit kelangan masaktan tuwing magmamahal?
-- kasi ganun talaga ang pagmamahal eh... u wouldn't know if u love a person unless naramdaman mo kung gaano ka nasasaktan kapag sinaktan ka nya...

Thursday, December 20, 2007

thanks for the wonderful day!:D

i'm just so happy ryt now!!!!:D hay... ewan ko ba... ilang beses naman na kaming nagkikita pero bakit ang saya ko talaga ngayon?:D

cguro dahil sobrang nagbond kami ng bestie ko ng husto ngayon... shopping for gifts, chatting, eating choco sundae, palitan ng gifts, mall hopping(?)... basta kakaiba lang talaga

eto lang din yung labas namin na nakapagkwentuhan kami ng husto... dati kasi parang magkasama, doing stuff together pero di naman masyadong nagkwekwentuhan... ano kayang nakain namin noh? (baka ung sundae?:D)

hinding-hindi talaga ako magsasawang maging bestfriend cya... kasi gaya nga ng sabi nya, wala namang ibang taong gumagawa sa akin ng ganito eh. :D sobrang saya lang talaga...

hay... sana maulit muli (?) wahaha!!! wala lang... ang mga bagay na ganun, dapat nauulit talaga eh diba?:D (uy anpu, dapat maulit to ah?! wahaha!!!:D demanding daw pala...:D)

salamat lang talaga!:D bestfriends forever ah?!:D i love you mehn!:D (parang ang bakla ng dating!:D wahaha!)

may hang-over pa ng ano...

click the pic for a better view

cge nga... ano sa tingin nyo ang gender ng taong ito??? wahaha!!!:D sobrang gwapo gwapo talaga nya!!!! as in!!!! ano ba naman yan?! nagwagwapuhan talaga ako sa kanya...

ano nahulaan nyo na? hehe... naiinis ako sa sarili ko. i promised myself to turn a new leaf pero kung makakita ka ba naman ng ganito kagwapong babae, na mas gwapo pa sa ilang tunay na lalaki dyan, ibang usapan na yan! aba aba... watch out boys!:D

sobra!!! sobra talaga!!! America's next top model cycle 5... super duper... parang ako, "what? babae yan? bakit ang gwapo? mas gwapo pa sa crush ko?"

wahaha!!! HS na naman ba ito o what?! kung saan nagsesettle ang mga tao for handsome females dahil walang lalaki... sa totoo lang, kung di ko lang napanuod itong cycle na ito, iisipin ko talaga lalaki cya... at gwapo pa (ilang beses ko na bang nasabing gwapo cya?) kaso nga lang, may girlfriend na cya (yes... gf... gay cya) tapos ang pangit ng girlfriend nya. di cya deserve ng gf nyang un!!! wahaha!!!

hay... makakakita o makakakilala kaya ako ng lalaking kasing gwapo nya? i like her... wahaha!!! uy malisya malisya... (parang di na sanay noh?)

click nyo ung pic at baka ma-amaze din kayo sa kagwapuhan nya

Monday, December 03, 2007

carpe diem

hehe... masarap maging masaya.:D masarap yung pakiramdam na alam mo na kung ano ba talaga ang mga gusto mong mangyari. minsan nga lang, pinipigilan mo itong pakiramdam na ito pero at least alam mo na kung anung gusto mo:D

ako ngayo'y malayang nakakangiti.:D (akala...) alam ko na ang aking gusto pero ang kakaiba dito ay, ayaw ko sanang lumalim pa ito. gusto ko mawala din ito balang-araw. pero as of now, ineenjoy ko muna. magiging masaya muna ako. kasi eto talaga yung nagpapasaya sa akin as of the moment eh. siguro balang-araw, magbabago din ito. siguro balang-araw hindi na ganito katindi. pero habang nandito pa, enjoyin na muna, diba?

may tiwala naman akong magbabago din naman ito someday. ayaw kong careerin pang habang buhay ang bagay na ito. hanggang ngayon lang. naniniwala pa rin ako na something better will come sooner or later. pero ngayon, embrace it muna. enjoyin muna. hayaang mamayani muna sa iyong puso. panandalian lang naman eh. seize the day!:D

Sunday, December 02, 2007

:)

masaya na naman ako ngayon.:D well... nagfamily reunion kami kanina dito sa bahay. medyo nagkakaroon na ng "reconciliation" ang mom ko at yung aunt and uncle ko kaya medyo masaya etong reunion na ito compared to previous reunions.:D hehe...

nag-iisip na naman ako... im letting my heart decide na talaga. kahit naman maginterfere ang mind ko, laging heart naman ang nasusunod eh.:D wahaha!:D pero dis tym, alam ko na yung hangganan ng dapat kong maramdaman (i hope...):D basta im doing something with myself na hindi napapansin ninoman:D wahahahahahahaha!!! evil daw pala!!!:D

wala lang... tagal ko ng di nakikita si siomai... hay... pero di naman ako ganun kasad... pake ko pa sa kanyan diba?:)

Friday, November 30, 2007

PRIDE! and prejudice...

Pride... sa 115 kasi, kelangan daw namin mamili ng isang psych term tapos kelangan magrelate kami ng iba pang psych terms dun sa psych term na yun tapos kelangan may sense yung kalalabasan nung relations namin.:D i chose pride. bakit? kasi eto yung naging dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking gap ang families namin...

pride kasi is determined by high self-respect... eh minsan dahil nga high ang self-respect mo, bumababa ang respeto mo sa ibang tao... ang sarap kasing pag-aralan kung paano ba nabubuo ang pride, paano ba ito lumalala, paano nasasabi na malala na o acceptable pa rin naman yung pride mo at kung ano bang mga epekto nito sa buhay mo at buhay ng ibang tao na nakapaligid sayo...

dahil kasi sa "fight" na nagaganap among our families nga ng mom and dad ko, parang nainis ako sa kanila...(sa other people) kasi sobrang mapride sila... pero as a psychologist, di dapat nagjujudge agad... bakit kaya sila ganun? anung mga factors ang pwedeng iconsider? oh well... di ko alam eh... kaya nga pag-aaralan diba?

Thursday, November 22, 2007

"I am now officially an Iska..."

Note: lahat ng nakasulat dito ay opinyon ko lamang... sana walang maooffend...

isip-isip ng mga bagay...

what makes my school different from other schools? bakit sinasabi nilang mahirap ang school ko kahit 4 days lang kaming may pasok at mahahaba ang mga breaks namin? bakit cya mahirap kung mukha namang mas busy pa ang mga students from other schools at mas marami silang ginagawa kaysa sa amin?

for me... cguro kasi dahil etong school kong ito, it has the power to make you feel dumb... oo totoo... dumb... bobo... walang alam... walang pinag-aralan... mahina ang utak... hindi deserving...

actually math17 at psychstat pa lang nafeel ko na cya pero ngayon ko lang talagang nafeel ng husto... example: nung HS kala ko ang galing ko sa math, well... medyo... basta... nung HS kala ko forte ko ang math, pero last semester, parang nagiba na ang ihip ng hangin... you'll meet people who are far greater, faster and more intelligent than you...

tapos ngayong orgchem, eto na talaga yung ultimate test sa aking confidence... i survived chem16 tapos okei naman yung performance ko nung HS chem, so i thought "hey... i think i can do this." but no... first quiz pa lang, bagsak na confidence level ko... i now fear na baka ibagsak ko ito... tinatanong ko sa aking sarili kung "talaga bang mahirap ito o sadyang mahina lang talaga utak ko?" hindi... mahina lang talaga utak ko...

and cyempre nandyan na rin yung pressure to be strong... kasi kung di ka strong at heart, kung napakaemotional mo pa rin, baka magbreakdown ka sa pressure... for some reason kasi, if you're an Isko or iska, people expect you to be tough, confident, strong... lumalaban, matatapang, walang takot... pero di naman ako ganun dati eh... kaya iniisip ko na naman na ako'y isang loser... 2 years na ako dito pero di pa rin ako confident, di pa rin ako strong... hopeless na ba ako?

i cried a lot of times dahil di ko na makayanan yung mga sabay-sabay na pressure... i guess nobody could understand my situation naman aside from my schoolmates na, i guess, feel the same thing...

yan ang power ng school na ito... promise...ngayon ganap ko ng naiintindihan kung bakit sinasabi nilang mahirap dito... aside from mental assaults, inaatake din nya yung emotional and psychological aspects of your life... it turns your strengths into weaknesses, and turns your weaknesses into hopeless situations...


Sunday, November 18, 2007

GS or HS?

may gradeschool reunion kami sa jan4... sa makati... hehe:D tagal ko na rin di nakikita mga GS classmates ko...:D hehe. tentatively 7pm-12am daw cya:D wahaha!!!:D kaso dahil nga di naman ako pwedeng magpagabi, hanggang 10pm lang ako.:) hay... medyo excited na nga me eh. kaso dilemma nga lang ng konte... kasi jan5 naman debut ng sis ng bestie ko... so... iniisip ko kung pupuntahan ko ba both o isa lang, and kung isa lang, ano isasacrifice ko? oh well... i can go to both naman eh... pero marami pang ibang complications...

Saturday, November 17, 2007

my sched... sophie 2nd semester!!!

Monday

Tuesday

Wednesday

Thursday

Friday

7:00-8:30

--------------------

Chem lec

Ph 1201

No classes

--------------------

Chem lec

Ph 1201

8:30-10:00

Camping

Vrooftop

Chem. Lab

Ph 2207-2209

Camping

Vrooftop

Chem Lab

Ph 2207-2209

10:00-11:30

Comm 3

Ph 116-118

Comm3

Ph 116-118

11:30-1:00

Psych 108

Phan 205

--------------------

Psych 108

Phan 205

--------------------

1:00-2:30

--------------------

Psych 115

Phan 313

--------------------

Psych 115

Phan 313

2:30-4:00

4:00-5:30

life is all about decision making

dami na namang events na nangyari sa akin dis past week... pero yaw ko ng isa-isahin kasi madami at mahaba talaga.

napaisip lang ako... may nagsabi kasi sa akin na ung mga ginagawa o ikinikilos "ko" ay namimisinterpret na... cyempre yaw ko namang mamisinterpret un diba, pero kasi in order to remove that misinterpretation, kelangan may masacrifice na naman... eh ayaw ko namang isacrifice ung isang bagay na yun just to save face diba? lam kong di na naman naiintindihan ang mga pinagsasabi ko... hehe... cyempre im not mentioning any relevant details naman dito eh. hehe:D pero un nga... if the misinterpretations continue, baka maging irreversible na ung effect nya... pero if i stop it now, masasacrifice ung isang impt bagay na un sa akin... waah!

i'll just pray to God... gagabayan nya ako i know... sana lang, may maisuggests cyang solution for me na hindi magiging irreversible ang effect and at the same time di naman kelangan magsacrifice...

Tuesday, November 13, 2007

after the storm...

what a day?! at least tapos na ang unos na ito... (i hope...) yaw ko ng imention ung unos na un kasi talagang kalunos-lunos ang mga pangyayari noon...

nagmeet kami sa camping nung monday... di ko matatawag na meet un kasi di naman dumating ung prof ko dun... sabi sabi dun, magastos daw ang camping na pe kasi may 2 reqd outdoor trip daw...

then comm3... weird nun... may weird hw kami... we have to introduce our partner next week... public speaking agad. kelangan maintroduce ko daw cya ng hindi lang basic infos... tapos kelangan ko pa cyang icompare sa isang bagay... ung prof namin sa comm3 parang si Ms Zuela/ Ms Miraflor... wahaha!!! laging nagpapaypay...

tapos psych 108 na... nalate akong pumasok... tapos pagpasok ko sa room, madaming tao... kala ko wrong room ako... nakita ko kasi dun ung mga friends kong nasa 2:30-4pm na class kaya kala ko somethings going on, un pala magpreprerog sila... may paper kaagad kami. cguro tama nga ang sinasabi nila na mahirap si sir yacat... biruin mo, introduce yourself and ur exoectations sa course kelangan mo ng gawan ng 3-page paper!!! wahaha!!!:D tapos magiinterview pa! pero mukha namang masaya...:D i hope...

chem lec... la pa rin akong kilala pero accdg to pipol, ung prof daw namin (ma'am arco) ay magaling magturo... next meeting (thursday, nov15) may quiz na kami... review ng chem 16 namin... tapos may textbook na ako for chem31... "Kemistri ng Carbon" as the title suggests, tagalog cya!!! hybridisasyon... wahaha!!!

chem lab... mukhang mabait naman ung prof namin... si ma'am gillian macusi... 1st time daw nyang magturo ng orgchemlab... and meron na akong lab partner, kinapalan ko na ung mukha ko para lang magkalab partner ako... okei naman... mukha namang mabait cya... kaso di pa nga lang kami naguusap masyado... ngayon lang kami nagkakilala eh, malamang diba?! langan namang close kagad kami... kami nga ng lab partner ko nung chem16 medyo matagal-tagal din bago kami naging ganito kaclose eh...

psych115... ang 4 na oras na klase... sir yacat na naman... majority ng class kilala ko na kaya medyo masaya cya...:D kaso may problema, ung mga readings namin, kelangan pa naming iresearch sa internet kasi di daw cya magbibigay ng copy... musta naman un diba?! hehe... wahaha!!! tapos un... nagdiagnostic test kami kanina, 17/22 nakuha ko... dnt know kung okei lang ba un pero sobrang la na akong maalala sa iba... hula-hula lang...

hay... lagi ko na lang nakikita sina siomai at smiley... natutuwa nga ako eh (overwhelmed dw pala)... ang saya nga eh. parang gusto ko na lang matunaw tuwing nakikita ko sila... wala lang (landi daw pala!)

Sunday, November 11, 2007

@#W%$^U%*^&*%^#%@$@#^*^&%^$%$@# hurt... hurt... bleeding inside... suffering...when will this end... the pain...

Thursday, November 08, 2007

2nd sem starts tomorrow!

enrollment kanina... di ko cya matatawag na enrollment (aside from the fact na maaga kami natapos kaya dumiretso na lang ng sm north) kasi di naman kami nakapagbayad ng tuition namin. hehe. mamaya pang 9pm mafifinalize ung subjects ko at hopefully bukas ay makakabayad na ako ng tuition.:D

nalaman ko lang kanina na magiging classmate pala namin si ex-crush sa115 (exppsych). hay... 4 na oras ko cyang makikita every TF. pero sawa na ako sa kanya eh... feeling ko hanggang acquaintance na lang talaga ang relasyon namin (relasyon?). mas gusto ko pa sana na si Siomai na lang ang classmate ko sa 115 (at sa chem 31 na rin, at sa pe at sa 108 at sa ges... in short, classmate ko sana cya sa lahat ng subjs ko)

may pasok na bukas... judgement day na!!! bukas ko na malalaman ang mga magiging classmates ko for the whole 2nd sem... ang mga makakaramay at makakaaway ko.:D ang mga makakatunggali sa grades... at higit sa lahat, ang mga posibleng maging bagong kaibigan ko.:D

im a yacat baby next sem!!!:D as in araw-araw kong makikita si sir jay yacat... apat na oras every TF at 1 1/2 hr every MTh... im proud to be a soon-to-be yacat baby!:D kasi kung di ko naman mapasa si sir jay, edi la akong karapatan para tawagin ang sarili ko bilang baby nya diba? wahaha!!!

ninenerbyos na ako!!! waah!!!

Wednesday, November 07, 2007

other disturbing thoughts

worry worry worry... pero happy naman. dami kong iniisip today. hmm... sa tingin nyo ba, is it all right to invest on things na risky? yun bang di mo alam kung magiging success ba o disaster... kasi ngayon thinking kung iinvest ko ba everything sa isang bagay na slim lang ang chance na maging happy ending... pero kasi i feel very happy everytime nagdedeposit ako dun sa bagay na un... pero un nga, once naging failure to o di nagworkout as wanted to in the end, magiging super painful to for me... hay... wahaha!!!:D thoughts lang...:D

ang curriculum na di nasusunod...

napapaisip lang ako...

di ko na sinunod ung curriculum namin... ewan.. parang lumulutang na yung mga subjs ko sa kawalan... natripan ko lang ipost ang curri namin kahit lam ko namang di naiintindhan kasi puro numbers lang... wahaha!

First Year

GE
GE
GE
Math 17 (a)
Language Elective*

3
3
3
5
3
(17)

GE
GE

Psychology 101
Chemistry 16
GE

3
3
3
5
3
(17)

Second Year

Psychology 108*
GE
Psychology 110
Free Elective
GE

3
3
5
3
3
(17)


GE
GE
Psychology 115
Math 100 (b)
GE

3
3
5
4
3
(18)

Third Year

Psychology 118
Psychology 150
Language Elective*
Biology 11*
GE

5
3
3
5
3
(19)


Psychology 155
Psychology 162
Biology 12
Psychology 140
Science Elective (c)

3
4
5
3
3
(18)

Fourth Year

GE
Psychology 145
Psychology 160
P.I. 100
Biology

3
3
4
3
5
(18)


Psychology 135
Psychology 171
Psychology 180
Science Elective (c)
Science Elective (c)

4
3
3
3
3
(16)



di ako nakakuha ng math100 dis sem kaya 16 units lang ako... natatakot akong baka sa 3rd yr 1st sem, dun matambak ang work ko. start na ng bio series by that time and dapat hopefully makuha ko na rin ang calculus. pero kung tatanggalin ko ung isang GE sa 3rd yr, at papalitan ko ng math100, edi 20 units ako!!! hay... heavy load naman. light load ako ngayong sem na ito pero heavy load naman next year.

at may di pa ako gets... nakalagay kasi sa curri namin na ung 3 naming science electives dapat 3 units each lang sila... pero ung una kong science elective na chem31 ay 5 units na!!!! tapos ung isa ko pang science elective na physics 71 ay 4 units naman!!! kung kukunin mo ung sum ng units, tama na (9) pero ano ba ang impt, ung sum o ung number ng science electives taken?

tapos ung mga psych subjs na dapat 3rd yr ko pa itatake (140), natake ko na cya dis year... tapos iba ding subjs like science elective na dapat 3rd yr/4th yr namin itatake, nagtake na rin ako dis year... tapos ung mga subjs naman na dapat itatake ko dis year, di ko nakuha!!! ano ba yan?! wahaha!!!

Tuesday, November 06, 2007

lets talk life and death

two conflicting events this day: life and death...

life: birthday ng bestie ko today!!!:D cyempre masaya ako for her kasi at last 19 na cya!!! (tanda na noh?) lam kong matagal nyang hinintay ang day na to and finally its here na...:D sayang at di kami nagkita pero at least nagkausap naman kami at naggreet ko cya.:D hehe... magkikita naman kami some other day eh kaya excited na ako.

death: our dog died... ang pinakamabait naming aso at ang pinakatapat at pinakauna... nakakaiyak nga eh. pero kelangang magmove on... nasa dog heaven na cya ngayon sa dami ng kabutihang nagawa nya for our family... sa dami ng masasamang taong natahulan nya... sana payapa na cya sa langit!:D

eto na... hehe... hanggang dito na lang muna!:D

Monday, November 05, 2007

pros and cons of this sem

lapit na naman first day of classes... hay...

actually ang malaking problem na isa pa ay yung enrollment... 3 units short pa ako para pwedeng magenroll. hay... sa nov8 ko pa proproblemahin un... sabi nga namin ng blockmate ko, wala na kaming pakialam kung mahirap ba yung subject o mahirap yung prof, ang mahalaga ay mapunuan yung kulang naming units... hay... feeling ko i'll go to my first class ng di pa enrolled (di lng feeling... certainly!) kasi morning pa ng nov9 nila ipopost kung wat subjs na nakuha mo tapos mga 10am onwards open ang cashier, eh 7am first class ko... oh well...

so un... kinakabahan na ako sa first day of classes. actually di lang pala sa first day, kundi sa buong semester na ito... mahirap kasi the subjects eh tapos yung time pa nila di ideal. 7am start, 5:30 end... so alis sa bahay ng 5:45am tapos makakarating sa bahay ng mga 7pm... at commuter lang ako take note. how?! how will i survive?! im very sure na drain ako after this sem!!! sure ako!!!

tapos eto pa... pe ko ay camping... sabi nila may fieldtrip daw un outside school at magcacamping kami somewhere para iapply ang aming mga natutunan... tapos sa sikolohiyang filipino naman, may 15 hours community service dun! ung friends kong nag108 dun sila sa Timog ave hospital na comserve last sem (tama ba ung name ng hospi?)

tapos ung prof ko sa 108 (sikfil), cya rin ung prof ko sa 115 (exppsych)... ang exppsych ay 4 hours na every TF tapos ang 108 naman ay 1 1/2 hrs every MTh... a total of 11hrs a week!!! eh sabi pa naman nila na ung prof na yun ay strict at maraming reqts na hinihingi... tapos eto ako, 2 subjs nya ay tinake ko sa isang sem... wahaha!!! God bless sa akin, diba?!

tapos did i mention na may chem ako ngayon? 7-8:30 ang lec, immediately followed by 8:30-11:30 na lab!!! wahaha!!! aside from walang break in between the lec and the lab, matutunaw na rin ung breakfast ko... last sem dun sa natsci1 na chem part, nagtake up na kami parang intro to orgchem... intro pa lang, di ko na nagustuhan eh... puro -ane, -kane, -kyne, -hyde, -aldehyde, ang dinidiscuss!!! tapos dyang part ng exam pa ako mababa nung binalik ung results!!!! wahaha!!! ngingitian ko na lang siguro prof ko dun...:D hehe... chem once again... the horror of chem! iginapang ko ng husto ang chem16, tapos eto na naman si chem31!!! halos doble ng numero pa nga eh, 16-31!!!! wahaha!!!

ano pa ba?! hmm... may mga bagay naman akong niloolookforward...:D sa pe, kahit mukhang mahirap cya, mukha naman cyang exciting. nung HS ko pa gusto magcamping eh (kasi sabi sa akin ng isa kong hs friend, every 4th yr daw nagkakaroon ng camping, pero nung nag4th yr kami, wala naman!!!) sa 108 naman, kahit may comserve dun, at least may friend na akong classmate. sa 115 naman, may mga friends din akong classmates at mukhang masaya yun kasi yung pinsan kong freshie ang bibiktimahin (o guinea pig) naming mga upperclassmen sa aming experiment!!!:D pipilitin ko cyang magsign up sa experiment namin!!! wahahaha!!!

at eto na naman ay isang pagkakataon, bagong pag-asa na maging classmate ko cya o kahit makita ko lang cya dis sem... di ko lam kung psych cya pero i'm hoping na sana kahit sa pe o sa ge o better sa chem ko cya maging classmate!!!:D wahaha!!! para sa mga taong may idea kung sinong tinutukoy ko dito, manahimik na lang, okei?!:D

Sunday, November 04, 2007

ONE PERSON IN MIND SURVEY

note: actually 2 tao ang nasa isip ko pero i stick to this person kasi mas kilala ko cya eh. (as in super mas kilala ko cya kaysa sa isa!!! promise!!!)

ONE PERSON IN MIND SURVEY..

Isip ka ng ISANG tao. i-base mo sa kanya ang mga isasagot mo. WALANG ibahan ng naisip.
1.)friend mo ba siya sa friendster? nope, wala cyang friendster eh
2.) Bakit siya napili mo sa survey na ito? kasi... kasi... mahalaga cya sa akin at feeling ko marami akong masasagot:D
3.) anong lugar ang naaalala mo sa kanya? past school, MEGAMALL!!!!
4.)anong song ang naaalala mo sa kanya? many... Wherever you will go at marami pang iba...:D
5.) bakit? kc naalala ko ung last day of school nung HS kami
6.) okay ba ang height? mas matangkad ng konte (peace!) actually medyo malayo ng konte height namin
7.)magaling ba kumanta? NOPE!!!! (peace!)
8.)eh sumayaw? umm... dunno... oo?
9.)May kamukha ba siyang artista/singer?? wala i think
10.)close ba kayo?? dunno... cguro... wahaha!!!!:D super!!!
11.)nakita mo na siyang magalit? yun magalit? oo naman noh... duh!
12.)eh ngumiti? yun ngumiti... lagi nga eh
13.) eh umiyak? yeah... many times... narinig ko na rin umiyak, many times
14.)ano fave food nya? madami eh... dnt know kung what specifically
15.)pinaiyak ka ba niya? wahaha!!! wat a question?! lagi nya akong pinapaiyak!!! as in super!!! (peace!)
16.) pinaiyak mo ba siya?wahaha!!! wat a question again?! very very gulity... kahit nga masaya kwinekwento ko dati, umiiyak pa eh
17.) anong fave niyang sport? chess and badminton
18.) anong fave niyang song? I have a dream at famous last words
19.) anong tawagan niyo? wahaha!!! lam na nya yun... starts with "a"...
20.) message mo sa kanya? miss you na mehn!!!:D love ya!!!:D bff!!!:D *hugs*

Friday, November 02, 2007

positive reinforcements

minsan talaga, kung gusto mong mapasaya ang ibang tao, kelngan mong maghirap... wahaha!!!:D weird noh? bakit kaya ganun ang buhay? para makapagpasaya ka, kelangan ikaw ang makaramdam ng hirap, pagod, pasakit at kung anu-ano pa... hay... cguro kasi yung fact pa lang na pinaghirapan mo yun, dapat maging masaya ka na diba? kahit di mo pa nakikita yung reaction nung ibang tao, masaya ka na dapat kasi alam mong ginawa mo ang lahat ng iyong makakakaya para mapasaya siya! minsa nga lang, may mga taong walang utang na loob, manhid o talagang walang puso na hindi man lang i-aappreciate yung ginawa mo para sa kanila... hehe... may mga tao na rin akong naencounter na di marunong magappreciate... para sa akin naman, kung di mo ma-appreciate yung ginawa ko, di na ako mageeffort sa susunod, diba? wahaha!!! ganyan lang yan... kung ayaw mo, wag mo... pero cyempre may mga tao din namang nakikita mong appreciated ang ginawa mo, at makikita/ mararamdaman mo rin naman na nagpapakahirap din sila para pasayahin ka... yung mga tao na yun ang masarap/ maganda ang pakiramdam na gawan ng kabutihan.:D kumbaga, narereinforce kasi yung action mo eh. hehe...:D lagi kong naiisip yan. kaya nga yun ang nagiinspire sa aking ginagawa eh. kasi may mga tao na talagang deserving sa paghihirap mo...:D

Wednesday, October 31, 2007

magulo na naman ang utak

nakakapagod na araw to... di ko alam. parang naubos talaga energy ko ngayon. may mga bagay kasi akong naisip eh... mga bagay na talagang tuwing naiisip ko, nauubos ang lakas ko sa isip, sa puso at sa katawan... bakit kasi may mga bagay ang walang kasiguraduhan? tapos yung ibang mga bagay naman, sigurado na ngang hindi mangyayari pero iniisip pa rin nating pwedeng mangyari... kaya nagiging hindi tuloy cya sigurado... magulo ang mundo eh... minsan di mo alam binibiyayaan ka na pala nya di mo lang nalaman na biyaya na pala yun, kelangan mo na lang abutin... minsan naman akala mo biyaya yun pero nung inabot mo, nahulog ka sa kinatatayuan mo kasi di naman pala ito talaga para sa iyo... anung dapat mo ngayong gawin? ano ang mas malala? tumulala sa isang bagay na yun pala'y isang biyaya o mahulog sa pag-abot ng isang bagay na akala mo'y isang biyaya?

Wednesday, October 24, 2007

my 18th birthday/s... wahaha!!

hay... so un... tapos na rin finally ang mga treat ko sa aking bday!:) wahaha!!! finally!!!:D

part1: cyempre nagstart ang aking bday treat nung pasukan pa lang... college friends ko, 2 batches. 1st batch: bowling buddies. 2nd batch: blockmates/friends/karamay sa 110... wahaha!!! chocolate kiss resto sa may Bahay ng alumni!!! first time kong makakain dun... at super busog and sarap!!!

part2: pumunta mga tita at lola ko sa house nung bday ko mismo... medyo short notice (anong medyo?) un... pizza, empanada, pancit malabon, 2 cake (isang dala nila choco marble cake, isang binili namin cappucino cake), lam ko meron pa eh pero di ko na maalala... hehe...:D masaya cya actually pero there are certain issues lang na nangyari...

part3: oct12 un... hehe:) lumabas kami ni marian (my dear bestie)... hehe... eat sa chicken bacolod, nuod ng sine (Retribution), ikot-ikot sa mall at nagcoffee (or in her case, hot choco) sa Starbucks... ang saya-saya talaga sobra!!!:D tapos binigay din nya me ng isang surprising gift!!! super super ganda nung gift!!!:D di bale, babawi ako sa bday nya!!! wahahaa!!!:)

anyways, sinearch ko ung Retribution sa Yahoo! kasi super di ko cya naintindihan nung pinanuod namin... aside from subtitled cya, mahina ulo ko pagdating sa pagaanalyze ng story... Japanese movie cya, at psychological thriller pala cya... story nya, yung lead star kasi detective cya tapos iniinvestigate niya yung death ng isang babae... yun pala, cya yung pumutay sa girl na un, nagkaroon cya ng parang amnesia due to guilt kaya nakalimutan nya ung event na un, nagising cya like nothing happened... pero may babaeng naghuhunt sa kanya at akala nya wala lang un kaso parang "ghost of his conscience" pala daw un... yan yung nakalagay dun sa nabasa kong plot ah... pero di ko lam kung nu ung relevance nung ibang moments and events dun sa movie...

part 4: at alex's place yesterday... wahaha!!! asteeg nun eh. aside from nakita namin ung bagong condo nila alex, nakaupo/higa din ako sa aking dream chair na lazyboy!!!:D kumain kami sa old spag house, tapos tour sa unit nila, watched movie (Gray Matters), eat Pizza Hut, take pictures at eat Dominoes Pizza... puro kain... tapos mukhang kinabagaan ako kagabi dahil tawa me ng tawa... hehe... tapos nung pag-uwi ang lakas ng ulan!!! nahirapan akong sumakay tapos agawan pa sa jeep!!! basang basa pants ko kasi lusong sa gutter deep na baha pero buti na lang at may jacket at payong ako... hehe:D

ung Gray Matters naman isa cyang interesting movie... hehe:D about cya sa homosexuality... kasi si Gray (lesbo cya) at yung brother nya nakatira sa isang house tapos they share everything (as in kung nasan ung si Gray nandun din bro nya, same apartment) eh may nameet si Gray na girl, at nainlove yung brother nya dun sa girl pero nainlove din si Gray dun sa girl na un... the night before her brother's wedding, nagkiss sila nung wife to be ng bro nya!!!! hahaha!!!:D basta about homosexuality cya: denial, coming out, acceptance and moving on... di sila nagkatuluyan ng wife ng brother nya (kasi straight ung wife at lasing naman ung wife nung bro nya nung nagkiss sila) nung una parang denial pa cya na gay cya pero inaccept na rin nya sa huli...:)

hay... at least tapos na rin itong celebration ko!!!:D wahaha!!! next year na lang ulit.... NOT!!!!:D

Monday, October 22, 2007

random thoughts...

hay... nalabas ko na lahat ng hinanakit, stressors, problems ko sa email ko sa isang kaibigan... sarap na ng feeling ngayon!:) mas magaan na kasi parang nahati na ung problema mo eh... ayaw ko naman cya cyempreng mamoblema din dahil sa problems ko pero at least nasabi ko na diba? at lam ko naman na tatanggapin pa rin nya ako no matter what (hopefully... hehe...)

bukas lalabas kami ng friends ko... hehe... gusto ko ng matapos tong bday celeb ko!:D ang tagal ng nadelay kaya gusto ko ng tapusin bago pa kami magpang-abot ng friend ko na magbibirthday sa nov6!:) hehe... kung tutuusin nga, mas malapit na tong date na to sa bday nya kaysa sa bday ko eh... hehe...:) i'll just be happy tomorrow!:) note: its there loss not mine!:D

next week pala pupunta kami ng mom ko sa san fernando, la union... hehe:) 1-2 nights cguro kami dun... magkikita na naman kami nina ate kringle at cian... lam ko sembreak na ata din nila eh. hehe:D

waah!!!:( may naiiisip akong problem... lapit na bday ng bestie ko pero la pa rin akong gift!!!!:( masyado kasing madaming ginagawang chores sa umaga kaya pagod na sa hapon... waah!!! kelangan makaisip na me ng gift!!! goal ko yan dis sembreak!!! the remaining sembreak...

Thursday, October 18, 2007

neopets!!!

so eto me ngayon... naglalaro ng neopets.:) wahaha! di cya laro actually pero parang nageexplore kung anu bang merong bago. matagal--tagal na rin kasi mula ng huli akong naglaro nun kaya medyo naninibago na ako. ung friend ko kasi kahapon eh... hehe. pinakain ko lang ung pet ko (jubjub!!!) tapos kumuha ng omelet at pumuntang coltzan's shrine... nag-add na rin ng mga tao as neopet tapos un na... wahaha!!! kasi kung gaya ng dati ung paglalaro ko ng neopets, di na ako makakablog at di na rin ako makakagawa ng iba pang bagay:) hehe... cge once in a while ichecheck ko na lang un para di naman kawawa... hehe...

Wednesday, October 17, 2007

life and death...

nung isang araw... napaisip ako about death. someday we're all gonna die naman diba? the thought of death really bothers me kasi. pagnaiiisip ko cya sa gabi, di na ako nakakakatulog... nagwoworry ako, natatakot ako, nalulungkot ako... pero meron naman akong naging counter for that, i said "We're all gonna die, that's what we all have in common what differs is the way we lived out our lives. Some people die sad but some people die happy too." naiisip ko na in order to take this worry about death (my death and death of loved ones), i'll make each moment worthwhile, i'll make myself happy and at the same time make my loved one's happy din...

kaya nga kahit i know its hard gagawin ko... lahat sa buhay one-shot lang... ayaw ko ng may mamimiss na opportunities.... hehe:) kaya rin i try to spend so much time na with people who make me happy eh... kahit malayo sila, kahit busy ako/sila, kakayanin ko kasi un ang magpapasaya sa akin ng husto eh!:) sa mga loved ones ko naman, i try my best to make them happy din:) i'll be there for them, tutulungan ko sila, susuportahan ko sila, lagi lang akong nandyan pagkailangan nila... lalo na sa parents ko, sa family ko, sa bestie ko at sa ibang friends ko... gagawin ko ang lahat para sumaya sila. kasi alam ko naman na cyempre, they also want to make their life happy naman diba?:)

and cyempre, once maging happy sila, happy na rin ako...:) it's fulfilling kasi to know na in your lifetime, you made your family and friends so happy... you became their source of happiness at some point in their lives...:) drama ba? haha!!!:) nu ba yan!!! di ata maganda ang sobrang dramang pinagsusulat ko dito?! wahaha!!!

Saturday, October 13, 2007

sasabog na ako sa saya!!!

ANG SAYA-SAYA KO TALAGA TODAY!!!!:) wala lang... lagi na lang nya talaga akong pinapasaya... kahit noong di pa nya nabibigay yung gift nya sa akin, masaya naman na ako kahit kausap at kasama ko lang cya eh. tapos ngayon, binigyan nya ako ng super duper gandang gift!!! yung gift nyang yun ang isa sa mga itretreasure ko ng husto... lam kong pinaghirapan nya talagang gawin yun para lang sa akin. sabi nya, ginawa daw nya yun para ipaalam kung gaano ako kaespesyal sa buhay nya bilang kaibigan... natouch ako ng husto dun eh... wala lang... sobrang thankful talaga ako... SALAMAT SALAMAT SALAMAT NG MARAMI!!!! di ko na nga lam paano ko cya papasayahin gaya ng pagpapasaya nya sa akin eh... hay... kung meron lang namamatay sa sobrang pagkatouch ng puso nya, marahil nasa langit na ako ngayon:) (wag naman, yaw ko pa mawala... sabay bawi noh? hehe) wala lang... salamat talaga friend!!!!:) love ya very much!!!:) *hugs*


(i wont mention the name of my friend. baka may away pang mangyari.:D)

Sunday, October 07, 2007

18 things I want to do after turning 18

18 na me:) wala lang... trip ko lang gumawa ng new year's resolution ko ngayon:

1. maging mas friendly sa mga tao
2. makipagkilala to as many blockmates as possible (saan ko ba sila makikita, aber?)
3. magjoin ng org (kahit sa 3rd year na...)
4. maging consistent cs or us (kahit mukhang sablay ako sa anthro ko ngayon)
5. makilala si mystery guy (ahem...)
6. matuto ng magdrive
7. magregister for the election
8. matapos ang ginagawa kong puzzle!:)
9. matapos ang year na ito!!! (pati years to come din)
10. magswimming sa summer with friends
11. matapos ang pe at nstp before mag3rd year (reqt for awardee, kahit magsummer pa ako!!!)
12. ma get over ang past crush (1st year crush)
13. maging masaya sa current status ng buhay ko (masaya naman na ako eh?)
14. imaintain ang friendship with 1st year and 2nd friends:)
15. imaintain ang friendship with HS friends
16. makagawa ng isang magandang regalo for my bestie's birthday (hehe... may idea na ako!:D)
17. di na ako mang-aaway ng tao (sorry sa mga nakaaway ko)
18. maging masaya lagi!:)

Friday, October 05, 2007

birthday part1

TAPOS NA ANG SEM!!!!! well... not actually tapos, pero ung lessons part tapos na!!! submit projects na lang at sana wala na akong exam pa!!! so un...

birthday ko na bukas!!! wahaha! 18 na ako!!! ayaw ko pa actually eh... parang masyado pang maaga para maging 18 ako... di ko pa masyadong naeenjoy ang 17 ko! haha!:D pero di na mapipigilan ang pagdating ng 18, diba?

nung tuesday, nagkita kami ni jamie nung lunch time kumain kami sa mcdo sa philcoa. very wrong move kasi ang lakas ng ulan at bumaha at nagtraffic sa may philcoa, yan tuloy nalate ako sa next class ko. cyempre masaya naman... for some reason, namiss kong kausapin si jamie. ganun pa rin naman cya, mahina ang boses pero kalog! haha!!

then nung hapon, trineat ko na ang aking bowling buddies sa chockiss!!! 1st time kong mapasok ung resto na un... cakes lang inorder namin kasi hapon naman na nung time na un... masarap cya!!! kahit mukhang maliliit ung cakes, nabusog kami ng husto!!! tapos sila nagorder pa ng bottomless iced tea. kala ko ordinary iced tea lang (nestea) un pala, tea cya talaga na malamig! tapos kelangan mong lagyan ng honey at calamansi para magkalasa... hehe... asteeg noh!!! p50 para sa iced tea pero masarap naman...

nung thurs naman, trineat ko ung blockmate friends ko sa chockiss again pero for lunch na... haha!!! super busog na busog kami!!! tapos un, american style of eating na naman ako, walang rice: chicken fillet and fries lang. tapos iced tea na naman... haha!!! di na kami nakapagdessert kasi kulang na nadala kong money eh... hehe...

sa bday ko mismo, lalabas kami ng mom ko... bili cake, bili gift at kain sa labas... may dlsucet kasi sister ko sa oct7 eh kaya di kami makakalabas as a family sa saturday at sunday... pero masya naman, my choice of cake... bday din ng bro ko nung oct4 (yesterday) unfortunately for him, ako ung mag18 kaya ako ung "center of the celebration" sa amin!!! haha!!

sa oct12, hopefully magkikita kami ng bestie ko (dapat kasi sa oct6 mismo pero mahabang istorya na un)... tapos sa oct13 naman, HS barks treat hopefully din... haha!!! nu kaya mangyayari? magiging masaya yun for sure!!!:)

Sunday, September 30, 2007

admu vs dlsu

hehe... admu vs dlsu final game kanina! dlsu won... (darn!) and ang weird ng mga pangyayari sa buhay ko during those times...

inabangan ko yung game na magstart... pinagtyagaan kong panuorin ung women's volleyball before the game para lang di ko talaga cya mamiss. then un na, start na, long intros then the real thing na... then half time. biruin mo ba naman!!!! nagbrownout bigla!!! kung di nga naman kamalasan ang nangyari diba? ilang months ng di nagbrobrownout sa amin pero ngayon pa nya napiling magbrownout?

so after that... i did something weirder. tinawagan ko ang aking bestie na isang lasalista para ikwento nya sa akin kung anung nangyayari sa game (last 2 quarters pa di ko talaga napanuod diba?) so habang kwinekwento nya ang series of unfortunate events na nangyayari sa game, ako'y naghihinagpis dahil, una natatalo na ang ateneo at ikalawa dahil di ko man lang napanuod ung last moments!!!

habang kami'y nag-uusap, di ko maiwasang makapagbitiw ng masasakit na salita laban sa kanyang school... dahil dun, ako'y humihingi ng tawad. cya na nga nagmagandang loob na ikwento sa akin ung buong 2 quarters eh tapos ganun pa ang gagawin/sasabihin ko... tsk tsk... bad me!!!

un... nanalo ang dlsu. everytime na lang di ako nanunuod, natatalo ang admu (pattern daw pala?) okei lang naman sa akin yun kasi in the first place di ko naman talaga school ang admu eh... escape ko lang cya from the real fate of my real school (boo UP!!!) haha!!!

Saturday, September 29, 2007

mga tanong

marami na namang mga bagay na iniisip. hay... bakit ba kasi kelangan ko pang isipin yun? bakit kasi gusto kong isipin ang bagay na yun?

oo ba o hindi? totoo ba o hindi? tama ba o mali? dapat ko bang paniwalaan o huwag?

dapat ko bang ituloy o hindi? dapat ba akong matuwa? dapat ba akong magpadala sa emosyon? kelan ba magiging malinaw ang mga bagay-bagay? kelan ko ba malalaman ang katotohanan? paano ko malalaman na yun ang katotohanan? ano kayang mangyayari makalipas ang ilang taon? may mababago ba o ganito pa rin ang buhay ko? lagi na lang bang ganito? ano na susunod kong gagawin? hahayaan ko na lang bang ganito? lalabanan ko ba o magpapadala ako? tama ba itong nararamdaman ko o namimisinterpret ko lang ang mga bagay-bagay?

ang daming tanong, pero walang tiyak na sagot... talagang magulo ang buhay. alam kong lahat tayo ay marami ring tanong sa buhay, pero madalas karamihan sa mga tanong na ito ay hindi masasagot.

Friday, September 21, 2007

nalalapit na pagtatapos ng sem and some other thoughts (sakayan ng jeep, discoveries)

so eto... wala lang... kakatapos lang ng aking "hectic" day, pero dami pa rin gagawin!!! creative output bout our ilocos trip...diorama!!!

wala lang... hay... namimiss ko na talaga cyang makita at makasabay... lagi na kasi akong late umaalis ng bagay eh, dati 7am ngayon 7:30 na, and by that time, i guess nakasakay na cya ng cubao na jeep. hay... bakit ba ganito ang aking nararamdaman? weird nga eh... di ko naman cya kilala, di naman kami nag-uusap pero lam kong schoolmates kami, pero pag di ko cya nakakasakay, parang may kulang sa 1 1/2 oras na byahe ko...

hay... other thoughts in my head. wala. masaya naman ako sa pangkalahatang contexto. hehe...:) nabanggit ko naman na diba ung mga reasons kung bakit ako masaya...:)

may napapansin lang ako, parang ngayon ko nakikita ung mga tunay na ugali ng mga tao. for some reason, kung kelan patapos na ang sem dun ko mas nakikilala ang mga tao/ classmates ko. dun ko nakikita o nadidiscover yung mga tunay nilang kulay. and minsan, yung mga tao pang least expected mo, sila yung mabait sayo. tapos yung iba naman na akala mo close na kayo, di pa pala kayo ganun kaclose. weird noh?

parang sa artstud... yung mga tao dun lalo na groupmates ko, close kami, pero yung iba sa kanila ngayon ko lang napansin o nafeel na medyo nakakairita din yung mga ugali nila. yung 2 parang kahit nagdidiscuss harutan ng harutan na parang walang pakialam na nahihirapan ng magsalita yung groupmate naming nagsusuggests. kaya nga nawalan ako ng gana kahapon eh habang nagmeemeeting kami. nung una, okei lang na magharutan sila, nakakatuwa pa ngang tignan eh pero nung sumosobra na, parang ang sarap sabihing "ano ba?! may balak ba kayong makinig o gusto nyong umalis na lang at ipagpatuloy ang harutan nyo?!"

meron din namang nareinforce yung pagtingin ko sa kanila. like dun sa friend ko sa 110, akala ko nung una parang mahihirapang maging close kami kasi well... masyadong maraming difference pero nagulat na lang ako nung bigla na lang cyang nagbibiro at nagiging friendly. tapos dun din sa pe ko naman, si "ate psych" di ko kasi lam name nya. narecongnize ko kasi cya dahil cya yung nagfacilitate ng exp na inattendan ko last year. kala ko nung una snob cya kasi medyo mataray ung itsura nya, pero nung nagkausap kami, okei naman pala cya, mabait naman.

tapos yun pang isa kong classmate sa pe din, sinamahan nya akong magmakeup class kahit kaming 2 na lang yung naiwan. accdg to him, gusto pa daw din kasi nya maglaro, pero pang 4th game na nya kasi yun kaya feeling ko (u know, pagod na cya) naawa na lang cya sa akin dahil wala akong kasama... hehe... pasaway na bata. :)

tapos yung mga groupmates ko sa pe, masya talaga silang kasama and nafeefeel mo yung respect (malamang, 5 kami sa group, 3 dun freshie, isang senior at isang sophie... kung di lang mapuno ng respeto talaga!) tapos dun din sa mga friends ko sa 110 (nakakasawa na nga eh!!! haha!! joke!!!:D ) tapos dun sa mga groupmates ko sa anthro, kahit short lnga yung moment na naging united kami as one group, kahit papaano masaya naman sila kausap eh ngayon ko lang nadiscover. haha!!!:D

basta... madami pa din namang magandang mga friendships ang nabuo dis sem eh. sana nga lang magkita-kita pa kami next sem (kahit malabong mangyari...) haha!!!:D

Thursday, September 20, 2007

stress blog

RELEASING STRESS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! STRESS STRESS STRESS STRESS STRESS STRESS... RELEASE STRESS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Saturday, September 15, 2007

5 bagay na nagpapasaya sa akin:)

hay... i'm happy ngayon. wala lang... kahit pagod masaya pa rin, marami namang bagay kasi akong dapat ikasaya eh.

1st: UAAP cheering competition!!! yeah i know, di na naman ako UP side pero okei lang un, yaw ko na ng gulo and i know naman na un ang gusto ng nakakarami eh (sana lang talaga manalo ang UP para di naman sayang ang pagsasakripisyo ko!!!:D hahaha!!!!)

2nd: busy na kasi ako!!! woohoo!!! parang ramdam na ramdam ko ang college spirit ngayon kung saan buong linggo kang walang pahinga...:D wala lang... mas gusto ko kasi ang ganito at least alam kong may pumapasok sa utak ko at may nagagawa akong productive sa aking oras. sabihin nyo ng weird ako pero ganun talaga. para kasing ang sarap-sarap ng maraming ginagawa (lam ko may friend din akong ganito ang thinking eh, parang ayaw naming mabakante ang oras).

3rd: inspired din ako para gawin ang mga bagay-bagay...:D nararamdaman ko kasi ung sense of security from the people around me eh.:D wala lang... parang i feel loved and cared for... hehe... lam nyo ung ganung feeling? diba masaya un at nakakamotivate? wala lang...:D sana lang talaga di magend ung "inspiration" kong iyon... (family, friends, profs)

4th: basta kasi we're in constant communication ng aking matalik na kaibigan (kahit malayo kami at kahit madaming ginagawa) wala lang... ang sarap ng feeling na alam mong nandyan lang cya na pwede mong sabihan at takbuhan (not literally) if ever may problems ka... parang ganun...:D kasi diba minsan kung di constant ung communication nyo, parang nawawala ung "momentum". di ka na magiging ganun kacomfortable magshare sa kanya the next time mag-usap kayo... pero dahil constant na, naprepreserve ung comfort at ung "momentum" nga... haha!!!:D in depth analysis na naman!!!

5th: new source of inspiration... basta applicable sa akin ngayon ung song ni Nikki Gil na "Sakayan ng Jeep"... hehe...:D
"May kung anong kilig na nadarama sa tuwing nakikitang nag-aabang"
pero ung last part ng song di applicable sa akin un!!! haha!!!:D

so un... 5 things na nagpapasaya sa akin ngayon!:D hehe... sana hindi mawala ang kahit isa sa 5 un kasi kelangan ko sila lahat para mabuo ang aking kasiyahan...:D salamat sa mga people na nabanggit ko (direct or implied man)!:D mahal ko kayong lahat!!!:D

Sunday, September 09, 2007

Answer this please...

galing sa multi ni alex... nakikigaya lang.:) hopefully may sumagot pero kung wala naman, okei lang... pero mas okei kung sasagutan:D

WHAT WOULD YOU DO IF:

1. I died:

2. I kissed you:

3. I lived next door to you:

4. I started smoking:

5. I stole something:

6. I was hospitalized:

7. I ran away from home:

8. I got into a fight and you weren't there:


WHAT DO YOU THINK ABOUT MY:

9. Personality:

10. Eyes:

11. Hair:

12. Family:


WOULD YOU:

13. Be my friend?

14. Keep a secret if I told you one?

15. Hold my hand?

16. Take a bullet for me?

17. Keep in touch?

18. Try and solve my problems?

19. Love me?

20. Date me?

21. Sing with me?


HAVE YOU EVER:

22. Lied to make me feel better?

23. Wanted to kiss me?

24. Wanted to kill me?

25. Broke my heart?

26. Kept something important from me?

27. Thought I was unbearably annoying?


MORE:

28. Who are you?

29. Are we friends?

30. When and how did we meet?

31. Describe me in one word:

32. What was your first impression?

33. Do you still think that way about me now?

34. What reminds you of me?

35. If you could give me anything what would it be?

36. How well do you know me?

37. When's the last time you saw me?

38. Ever wanted to tell me something but couldn't?

39. Are you gonna put this on yours to see what I say about you?

Thursday, September 06, 2007

puffy eyes again...

bakit lagi na lang akong ganito? iiyak sa gabi, puffy eyes sa umaga... i cried for almost an hour last night habang ginagawa ang aking stat hw. naiyakan ko pa ata ung yellow pad ko eh. umiiyak ako dahil sa ilang mga bagay na sinabi ko at sinabi ng ibang tao, dahil sa mga bagay na nagawa ko at nagawa ng ibang tao. ewan... sabi nya paulit-ulit ko na lang daw sinasabi un sa kanya mapa-sulat man o personal. nahiya ako sa kanya nung sinabi nya un sa akin, para kasing nakukulitan na cya dahil paulit-ulit na lang ako. kaya pinangako ko sa kanya na hindi ko na sasabihin yung muli... sana maging masaya na cya ngayon sa buhay nya. hindi ko na cya kukulitin pinapangako ko yun. hindi ko na cya pipiliting gawin o maramdaman ang mga bagay-bagay na taliwas naman sa kanyang gusto. cya na ang bahala kung anuman ang gusto nyang gawin o kung anung gusto nyang mangyari o kung ano ang kanyang pipiliin. hindi ko na cya pipilitin. rerespetuhin ko kung anuma ang desisyon nya kahit masaktan ako sa desisyon nyang yun.... basta kahit anuman ang maging pasya nya, nandito lang naman ako lagi eh. di naman ako nawala at lalong hindi hindi ko cya iiwan. sana maramdaman nya na nandito lang ako...

Tuesday, September 04, 2007

it's time for a change...

bakit ganun? kala ko pa naman may mafeefeel na akong difference pero bakit parang ganun pa rin naman? naweiweirdan na ako. bakit wala akong mafeel na kahit ano? hay... akala ko pa naman ano... wala lang. yan na naman kasi ako sa mga akal-akala na yan eh. ewan... bahala na nga cya. bahala na ang panahon. kapag iniisip ko un, naiinis lang ako ng konte. lagi naman cyang ganun eh anong magagawa ko, diba? inconsistent cya kasi eh. one time ganito cya, the next time complete opposite na. ano ba yun?! tapos... tapos ano pa... minsan tuloy dahil sa mga inconsistencies nya, di ko na tuloy alam kung anung dapat mafeel. magiging happy ako kunwari pero the next day naman parang wala na cyang pakialam, so magiging sad uli ako. para bang walang permanent feeling, wala cyang constant na ginagawa. minsan tuloy din, nahuhurt na ako sa ipinapakita nyang inconsistencies. minsan iniisip ko tuloy kung hahayaan ko pa ba uli na mafall ako dun sa mga pinapakita nya, maniniwala pa ba ako o hindi na, magiging masaya pa ba ako o wag na. kasi dahil din sa inconsistencies na yun, dinodoubt ko tuloy ung sincerity ng deeds and words nya. gusto ba talaga nya akong kausap o napipilitan lang cya for the sake na sabihing kinakausap nya ako? i know naman na sincere cya at di cya ganung klase ng tao pero kasi kung ganun na ka inconsistent ang isang tao, di mo na maiwasang magtaka eh. close friend ko cya pero eto lang kasi talaga ung isang bagay na pinaka-ayaw ko sa kanya eh. everytime na ginagawa nya to o nafeefeel ko ito sa kanya, parang feeling ko i was used, feeling ko parang pinaglaruan lang nya feelings ko. ung tipong dahil masaya cya one day, kinausap nya ako ng husto, nagsabi ng mga kung anu-ano tapos the next day nung parang wala na ung "moment" nya ay parang bula na biglang naglaho at di na nagpaparamdam. cyempre eto naman ako, slow makamove on sa mga bagay-bagay kaya the next day i still have that joyful mood tapos pagkakausapin ko cya, wala lang cya. kumbaga parang walang nangyari, magiging cold na naman cya. nakakaloka noh?! kasi mahirap ung masya ka na tapos the next day magiging sad ka uli kasi ur forced to be sad, tapos happy tapos sad. para ka ng baliw kung ganun!

sana magbago na cya... sana mas maging consistent na cya... hay... sana mafeel ko na ung dapat kong mafeel. sana mangyari na rin ung gusto ko sanang mangyari... now's the time na rin kasi eh pero hanggang ngayon wala pa. another inconsistency sa part nya... come to think of it, consistency un. consistent cya na wala cyang binabago kahit alam nyang may dapat ng baguhin. nice noh? ako naman naghihintay lang eh. ayaw ko ng mauna... sana marealize nyo un.

lapit na naman nga magend pero wala pa ring nababago...

Monday, September 03, 2007

the memorable ilocos trip

so tapos na ung fieldtrip namin... ang saya sobra!!! one of the happiest moments of my life...:) it was really different from my past experiences.:) kasi diba you're with friends, out of town, stay sa hotel, swim sa beach and you'll meet more friends din... cno ba namang mag-aakalang fieldtrip pala to diba? iisipin mo parang bakasyon lang o roadtrip (o soiree? haha!) basta it was so much fun. may mga moments na dull, lalo na pag nasa bus at mahaba ung trip, ung mga tao are either tulog o nakafocus sa tv... ung masasabi kong highlight nung trip ay ung sa pagudpod!!!:D and isa pang masayang part ay ung sa hotel room nung gabi... we played cards (kami nila caps and mitch) tapos ung dalawa naman (rachelle and karen) natulog!!!! ang saya nung game namin and for some reason, it was my lucky night, beginner's luck sa pusoy, luck din sa jack palo ba un.:) hehe... then the swimming nung night, wala masyadong nangyari dun eh kasi di sumama ung iba namin friends pero at least we got to know other people like ung blockmate and 110 classmate ko na kasama din pala sa trip and ung bio classmate ko last sem, the cheerleading people and si mark na makulit na classmate namin sa artstud. pauwi naman it was different sa papunta. parang magkakakilala na kasi kami and medyo sanay na sa presence ng isa't isa kaya medyo mas comfortable pauwi. comfortable not in the sense na masarap matulog (pamatay matulog sa bus!!!) kundi ung di ka na masyadong nahihiya... basta it was fun.:) i'll post the pics on my multi site pero not now. gamit kasi ng sis ko cam namin eh...

Sunday, August 26, 2007

usapang puso na naman

paano kung ipagpatuloy ko tong nararamdaman kong ito, kung hayaan ko na lang na maghari tong feelings na to at tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya, hindi kaya sa huli ako din ang magsisi kasi di naman posible na ako'y magustuhan nya? hindi naman nya mapapansin ang pagtingin ko sa kanya eh... iisipin nya na wala lang un, at ayaw ko namang ipakita/ipahalata man lang sa kanya na may feelings nga ako... minsan kasi kapag naiisip ko cya, naaalala ko kung gaano nya ako pinapasaya pagnakikita ko cya, pero un nga bigla na lang susulpot ung side na "forever lang akong aasa na wala naman akong mapapala" na hindi naman nya ako magugustuhan... tapos imbes na happy feeling ang mangibabaw sa akin, sadness and hopelessness na... kaso kasi sa case naman nya, ayaw kong umasa pero ayaw ko rin namang i-end ung feelings ko sa kanya... masaya lang kasi ako pagnakikita ko cya eh, minsan nga iniisip ko pa lang cya masaya na ako, basta different kind of happiness na kahit medyo boring ay ayaw kong matapos ung oras... minsan iniisip ko tuloy "paano kung iba ang naging tadhana namin? paano kung naging mas compatible kaming dalawa? paano kung hindi cya ganun at hindi ako ganito? paano kung naging talo kami? paano kung hindi ko cya ganun at hindi nya ako ganito? paano kung hindi cya ganun at hindi ako ganito? paano kung nagiba ang panahon at lugar at pagkakataon na nagkita at nagsama kami? ano kayang mangyayari?" kung nagiba siguro lahat ng mga sinabi ko, cguro hindi ako magiging ganito ngaun. cguro mas magiging masaya ako at mas makakaramdam ako ng pag-asa. cguro i won't feel bad na nararamdaman ko itong "different feeling" na sa kanya. ewan... ano bang aking gagawin?

Friday, August 24, 2007

mga bagay-bagay agen (stat, sched, bday, uaap, bestie, interview, hassle)

hay... nakita ko ung organizer ko kanina at super punong-puno na sched ko!!! sa monday pupunta ako sa bday ng friend ko, sa wednesday naman the same week baka magmeet kami ng anthro groupmates ko, tapos thursday long exam na sa stat!!!! crucial long exam... sa friday naman start na ng fieldtrip... pero di pa kami nakakabayad at di pa kami nangmemeet sa artstud bout it. ewan ko nga eh... parang tinamad na akong pumunta. then the week after that naman, kelangan makainterview na ako ng 3 people for our report pero di ko pa lam cno ung 2 people na interview ko (any volunteers?:D) hehe... tapos magmeet pa kami ng bestie ko wednesday nung week na un... tapos uaap cheering!!! feeling ko napakapabaya ko na kasi dami ko exams and projects and reports pero may time pa akong maggagala at maguaap!!! waaaah!!! ewan... pero ano naman kasi magagawa ko kung mas magiging masaya naman ako paglumabas at maguaap ako, diba? kelangan nga lang, double the effort na ako sa mga remaining days... hehe...:)

Thursday, August 23, 2007

the korean episode

may natulungan akong korean girl kanina.... di ko lam kung pwede ko bang isama sa learning project ko ung ginawa kong iyon. diba doctors are suppose to help people in need? oh yan nakatulong na ako... nawawala kasi si korean eh kaya to the rescue ako. binigyan pa ng nya ako ng tip na P50 dahil dun eh. immediate reinforcement!!!!:D parang feeling ko tuloy ang bait-bait ko today...

Tuesday, August 21, 2007

deal or no deal: real life edition

sa tingin nyo, dapat ko bang ipagpatuloy yung "dare" o "bet" na ginawa ko with myself?

here's the story:
dati kasi, parang pinangako ko sa sarili ko na if this certain "event" happens, may gagawin ako(o hindi gagawin). yung gagawin kong iyon, aaminin ko ay hindi maganda, hindi cya friendly deed. kaya ko pinangako yun dati kasi parang that time, i was down and parang gusto ko ng sumuko. and now, i can feel na yung "event" na yun ay malapit ng mangyari. natatakot ako ngayon kung gagawin ko ba. these days iniisip ko yun, what if mangyari nga talaga yung "event" na yun, itutuloy ko pa rin ba kahit mukhang hindi maganda? ayaw ko lang naman masaktan eh kaya gagawin ko yun, pero hindi kaya mas masasaktan ako kung ginawa ko nga yun?!

Sunday, August 19, 2007

eto, mahaba-habang survey

GRADESCHOOL
1. SINO ANG VALEDICTORIAN NUNGELEMENTARY KA?>> jen magno...:)
2. SINO ANG KATABE MO SA CLASS PICTURENUN ELEMENTARY?>> anung grade?
3. SINO ANG TINDERA SA CANTEEN NIO?>> si miss na masungit? ewan///
4. SINO ANG PRESIDENT NIO SA CLASSROOMNUNG GRADE 6 KA?>> c kash ata eh... o c jen uli... o c cy... ewan///
5. ANONG NAME NG CLASS ADVISER MO NUNGGRADE 6?>> mrs.... forgot!!!
6. BULLY KA BA NUNG ELEMENTARY?>> nah
7. SINO ANG CLASSMATE MONG IYAKIN?>> -c mikaela???
8. ANONG BAON MO SA SCHOOL? (FOOD)>>tocino, hotdog, ham, bacon... any of the above plus rice
9. MAGKANO ANG BAON MO NUNG GRADE 6?>> 50 ata
10. ANONG GRADUATION GIFT NA NATANGGAPMO NUNG GRADE 6?>> HArry Potter and the Prisoner of Azkaban book

HIGH SCHOOL

1. ANONG SECTION MO NUNG 4TH YEAR KA?>> 4-5
2. UMATTEND KA BA NG WORLD YOUTH DAY?>> nope
3. SINONG KABATCH MO ANG CAPTAIN BALLNG BASKETBALL?>> wala
4. SINO ANG BEST PLAYER NG VOLLEYBALLSA BOYS?>> walang boys eh
5. SINO ANG CRUSH NG BAYAN SA GIRLS?>> ako??? haha!!! yuck tibo!
6. UMATTEND KA NG JS PROM?>> nope
7. SINO ANG PARTNER MO?>> wala nga eh
8. SINONG ADVISER MO NUNG 2ND YEAR?>> ms tumibay
AT SINO NAMAN ANG CRUSH MO NA HIGHERYEAR SA YO?>> p_________ and a_________
10. NAGBEER KA NA BA NUNG HIGHSCHOOLKA?>>hehe...

COLLEGE
1. MAGKANO ANG BAON MO NUNG FRESHMANKA?>> P150
2. NAGBBYAHE KA LANG BA PAPASOK?>> yeah
3. ANONG SUBJECT ANG NAIBAGSAK MO?>>wala... and hopefully, wala ever
4. BEST PROFESSOR?>> sir ton! ma'am ong
5. SINO ANG CHEATMATE MO?>> i'm a good girl...:)
6. ANONG SUBJECT ANG MADALAS MONGABSENTAN?>> nung 1st yr, kasaysayan1
7. SINO'NG NAI-DATE MO NUNG COLLEGE NAPROUD NA PROUD KA?>> wala pa...:)
8. NA-SNATCH-AN KA BA, O NAHOLD-UP NUNGCOLLEGE?>> hindi!!! and sana never
9. PUMASOK KA NA BANG LASING SA KLASE?>> nope...

Saturday, August 18, 2007

4th year hoolahs

THINK BACK TO 4th year hs... Let's seehow much you remember and how much youregret...

What section were you?> 4-5
Who were your seatmates?> 1st quarter si czar, 3rd-4th ata, carmen gueco???
Still remember your english teacher?> yeah,.
What was your first class?> ummm.... ummm.... morning rites???
Who did you like?> ummm.... confidential!
Made friends to the lower years?> yes.
Had a boyfriend/girlfriend?> nope...
How was your class schedule?> better than now
Made any enemies?> ummm... di ko lam kung matatawag kong enemies but i had fights with some people and friends
Who was your favorite teacher?> MS. MARANAN--- MRS. i dunno na ngayon
What sport did you play?> ummm....
Did you buy your lunch?> yup... everyday!
Were you well known in your school?> nope
SKIP SCHOOl?> nope
Did you get suspended/expelled?> nope... kundi edi hindi ako college ngayon diba?
Can you sing the alma mater?> yeah... pero nakakalimutan ko na minsan yung ibang words
What was your favorite subject?> MATH!!! honestly...
What was your school's full name?> st.paul college of pasig.
Did you go to the dances?> nope
If you could go back in time and doit all over, would you?> sure sure!!! why not, diba???:)
What do you remember most about 4thyear?> bonding times with friends and barks... classmates ko yung 2 closest friends ko eh:D
Favorite memory in 4th year?> retreat and fieldtrip and...
Worst memory in 4th year?> cguro yung event sa A&D dati... hehe...:)
Where did you go most often forbreak?> sa canteen... may specific table pa!!!:D
What did you do on the last day ofschool?> wala... talk with friends sa swing tapos sa pagkaka-alala ko noon, nainis ba ako sa bestfriend ko nung time na yun eh... what a last day noh?:D
How was your graduation?> bitin at parang ang bilis... nothing much

mga bagay-bagay sa aking buhay (ulan, sweatshirt, make-up class, bday, gifts)

okei okei... walang pasok for 5 days dahil sa suspensions, sa monday may pasok ako kahit holiday, sa tuesday may pasok na talaga, then sa wednesday wala na namang classes kasi wala naman talagang class pagwednesday... tapos wala na namang pasok next monday (27) kasi holiday na naman ata yun... masaya cya kasi at least nakakapagpahinga, tapos yung mga bagyo ay nagdadala ng ulan at tubig sa mga dams... hindi na magkakaroon ng water shortage. nakasuot ako ngayon ng blue sweatshirt. feeling ko nasa america ako ngayon kasi malamig at feel na feel ko ang pagsuot ng blue sweatshirt na ito. (tanong lang: bakit sweatshirt ang tawag dito eh hindi naman cya sinusuot pagmainit? pangginaw nga cya eh at di naman ako pinagpapawisan.) so yun... bday nga pala ng kapatid ko sa wednesday (22). tumatanda na cya... 16 na cya!!! haha!!!:D bukas namin iceceleb bday nya, baka sa megamall lang kasi sabi nya gusto nya sa KFC kumain at mag punta ng powerbooks at comic alley... wala pa rin akong regalo sa kanya though. hehe...:) bigyan ko na lang cya pera... joke!!!:D baka pakiusapan ko na lang yung friend ko sa monday kung pwede ba nya akong samahang bumili ng gift somewhere... hehe..:) or pwede ding pera na lang talaga...

sana naman hindi na umulan sa monday... kasi wala ng suspension na i-aannounce in case eh kasi wala naman talagang pasok, diba? weird lang talaga...

Monday, August 13, 2007

DUI resulting to damage to property

I have many things to do pa pero gusto ko lang isulat tong napaka weird (and sort of frightening) experience namin kanina ng mom ko. Nangyari ito kaninang mga 6am habang nanunuod kami ng mom ko ng Unang Hirit at habang ako'y kumakain ng breakfast before going to school. May narinig kaming car na nagsskid, as in alam mo yung car na parang nawawalan ng preno. Tapos napansin namin bakit parang palakas ng palakas at parang palapit ng palapit yung sound. Then after ilang seconds, may narinig na lang kaming bumangga sa front yard namin, actually naramdaman nga namin yung impact eh kasi medyo nagvibrate ung floor namin. so syempre, takbo palabas and dun nga, nakita namin na may bumangga nga sa may flower bed/ pot namin!!! as in sira na talaga yung parang "mini" garden ng mom ko sa harap (outside the gate) buti na lang di tumama sa gate yung car. gusto ko ngang makita ung driver eh, kung buhay pa ba cya o wala ng malay o worst, dead kaso pinagising sa akin ng mom ko yung dad ko, weird nga dad ko eh di man lang nagising dun sa lakas ng tunog. tapos pagbaba namin, nakita na namin yung car, wala ng tao... umalis pala yung tao, tumakbo cya kasi malapit lang pala yung house nila sa amin. pagtingin ko sa car, bloody. maraming blood sa manibela at sa opening and handle nung door. grabe!!! grabe talaga!!! kapag nakikita ko nga ngayon ung flower bed namin, naaawa ako... naaawa ako sa flower bed!!! as in nagkalat na yung lupa at ilang mga bulaklak and dahon and parts nung pot sa streets... hanggang ngayon di pa rin nalilinis. hay... takot talaga kami nung unang rinig pa lang namin sa skids, kala namin papasok sa bahay at aararuhin kami gaya ng napanuod namin sa tv dati. buti nga rin di natamaan yung gate namin eh kundi mas malaking gastos pa yun... hay... wala lang. cge, gotta go!!! exams exams exams hws hws hws...

Saturday, August 11, 2007

paano ba?

from now on, magpapakatino na ako. meron kasi akong goal eh at nakakahiya naman kung di ko masunod yun. kelangan kong imonitor ang aking mga ginagawa at baguhin ang mga dapat baguhin. kelangan ay malaman ko na ang aking mga kalakasan at kahinaan para alam ko na kung ano bang aking dapat gawin. kelangan din ay malaman na kung ano ba talaga ang tunay na sanhi ng problema, para masolusyonan na. kelangan ng magbago... kelangan alisin ang katamaran. kelangan ko ng matuto ng time-management....

kaso gusto kong matulog... ayaw ko ng gumawa ng iba kundi matulog at magcomputer. hay... paano na yan? paano na yung pagbabagong gusto kong makamit? paano ko makakamit yun kung ni-umalis nga sa kinauupuan ko kinatatamaran ko pa? paano?!!! paano!!!

Thursday, August 09, 2007

ang aking pambawi...:)

hay... sa wakas at tapos na rin itong unos na dumaan. actually, dapat nung isang araw pa ito natapos eh kung hindi lang dahil sa akin na pinalaki ko na naman yung gulo.:) xenxa na po...

sa bawat away, may lesson na matututunan. pansin ko lang, lagi na lang kaming away ng away ng friend kong ito. bestfriends pa naman kami. weird nga eh! cguro within this semester lang ay meron na kaming 2-3 serious fights. hay... bawat away, nakakapagod, nakakadrain ng happiness. pero sa mga away naming yun, dun ko rin narerealize na strong pa rin talaga friendship namin. cguro dahil hindi namin pinapatagal ito at open naman kami sa isa't isa. kahit sabihin mo pang cya yung friend ko na maraming beses ko ng naka-away, nailang beses na akong pinapaiyak at pinapahirapan (peace!:D), cya pa rin ang pipiliin at gugustuhin kong maging matalik na kaibigan.:D

sorry po!!!!:)

Monday, August 06, 2007

important announcement

due to insistent public demand of my conscience, i deleted my previous entry. masyadong maselan ang mga nilalama nun kaya minabuti ko ng tanggalin sa pagkakapost. tinatanggal ko rin yun sa kadahilanang baka may ibang tao pang makabasa nun at madamay sa gulong aking pinasok, o kung di man madamay ay baka may bagong gulo pa siyang madulot sa aking buhay at sa buhay ng ibang taong nakatala sa entry kong iyon. salamat po!:D

Thursday, August 02, 2007

"ang buhay ay sadyang ganyan" -quoted from a friend of mine

hehe... isa lang class ko kanina (art stud). tinatamad na nga akong pumasok eh kasi parang 1 1/2 oras lang ako sa school pero kelangan. ako kasi magrereport sa group namin!!!:( so yun, pumasok ako, naglakad ng mga ilang daang metro under the noon sun, with my shades and my umbrella and pawis pawis all over. cyempre commute na naman... pagdating sa school, ready na sa mga sasabihin only to find out na naiwan ko yung usb ko sa bahay na naglalaman ng revised and magandang ppt presentation namin!!!:( buti na lang, nasave nung groupmate ko sa laptop nya yung "incomplete" ppt namin. huhu... yan tuloy nagsuffer yung ibang groupmates ko kasi binasa na lang nila yung parts nila from their paper. huhu... irresponsible. tapos yun umuwi na... nagmeet kami ng parents ko sa makro at nakalibre pa ako ng merienda. hay... tapo umulan na naman (bakit dito ulan ng ulan pero sa la union kung saan state-of-calamity na, walang ulan?) tapos eto nagsusulat na naman sa blog ko. lagi na lang ganito... nakakasawa na ang buhay... walang pasok bukas, wala ding pasok sa aug20 at 27, halfday na naman ako sa aug6 at 16... di ko nga lam kung dapat akong matuwa at laging walang klase eh. kasi alam kong bawat araw na nadedelay, mas lalong nagpipile up ang mga gawain at ang mga deadline. gaya ng exam namin sa anthro, dapat bukas na yun pero mamomove sa tuesday kasabay ng submission ng project namin... huhu... ganito lang ang buhay.

Tuesday, July 31, 2007

On the difficulties of schoolworks

heto na naman... kakatapos lang din ng exam ko sa learning 140. medyo mahirap cya kasi kelangan mo talagang i-analyze bawat tanong. medyo trick kasi at may pagkavague yung questions eh, kaya kung di masyadong pinag-aralan yung details nung lesson, baka di masagutan yung exam. pero okei naman... yung learning proj ko due on friday na and may exam pa me sa anthro. kung titignan mo, parang ang dami kong dapat gawin, noh? pero di naman ako ganun kapressured... i know i can do it and i will definitely do it. siguro isa sa mga bagay na tumutulong sa aking makasurvive sa ganito ka hirap na buhay ay yung believe ko sa sarili ko na kaya kong malampasan ang mga pagsubok na ito. may mga times na nahihirapan talaga ako (kahapon nga lang dumadaing ako ng sobrang sakit ng ulo at kinailangan kong uminom ng 2 gamot para lang makapag-aral pa ako for my exam!!!) pero kinakaya naman. katulad ng learning proj ko, wala pa talaga akong hard copy outcome dun pero during breaks (or minsan during class time mismo) nag-iisip na ako ng mga ideas kung anung ilalagay at kung anong magiging concept nung proj kong iyon. tapos pag nasa com na ako, itytype ko na lang lahat ng ideas ko tapos edit-edit. yung ibang tao kasi, sa harap na ng com dun pa lang sila nag-iisip. dun naman sa mga exams, sila talaga yung major problems ko.... recently, napapansin ko sarili ko na medyo unfocused (meron bang ganung word?) parang kahit nagbabasa ako, walang pumapasok sa utak ko. parang maraming unnecessary things ang nagooccupy ng mind ko. di ko alam... sana maget over ko na yung mga "hadlang" sa aking utak. hay... ano ba to?!

Friday, July 27, 2007

mga bagay na kinaiinisan ko ngayon (ulan, driver, baha, jeep, private cars, rubber shoes)

hay naku... sa mga ganitong araw ko drinedread ang ulan. kanina habang ako'y nagcocommute pauwi, napansin ko na na medyo madilim ang langit. di pa naman umuulan nun sa quezon city. sumakay na ako ng cainta na jeep. nung kami ay nasa cainta na, biglang bumuhos ang malakas na ulan. habang umuulan, nasiraan ang jeep na sinasakyan namin, kaya pinalipat kami ng ibang jeep. okei pa rin naman. di naman ako masyadong nabasa nun. kaso paglagpas ng junction, pinalipat na naman ako ng jeep kasi nakita nung driver na traffic na. dito na nagsimula ang sunod-sunod na kamalasan. edi nung lilipat na ako, yung daan baha, mga 1 foot na baha (so bale, almost below the knee) malakas pa ang ulan pero walang choice na sumuong sa baha at ulan kung hindi, hindi na ako makakauwi. tapos yun, nakalipat na ako ng jeep. baba na sa subd, tapos may tricycle na, kaso back ride na lang yung natira. so wala na naman choice dahil gusto ko na talaga umuwi, nagbackride ako. so yun... baha sa ilang bahagi ng subd namin. tapos yung mga private cars, cyempre sila yung mas "hari" ng daan, nagssplash sila sa baha. baha na nga, ang bilis pa ng takbo!!! walang pakialam kung nababasa na nila yung mga taong nakasakay sa backride ng tricycle na gaya ko!!! so... nakauwi din sa bahay. basang-basa ang rubber shoes, medyas at pantalon ko... hay naku... sana wag nang umulan ng hapon!!! sana gabi na lang lagi ang ulan!!! magkakasakit na ako kung ganito ng ganito...

PS tandaan: wag magsuot ng rubbershoes kapag umuulan!!!

Monday, July 23, 2007

mga bagay-bagay (SONA, uselessness, hibernation, UPCAT)

hay... wala kaming pasok today. feeling ko, kami lang ata yung school na walang pasok ngayon SONA day eh. sa forever SONA na lang... wala din naman akong magawa. triny ko ult magresearch for our reporting sa art stud, pero wala talaga. kakatapos lang ng exams ko sa stat at natsci (physics part) kaya medyo light load ako ngayon. exam ko sa learning 140 next week pero medyo alam ko naman na lessons namin dun... hay... bum na lang talaga ako sa bahay!!!

ayaw ko nga ng walang ginagawa... gaya nga ng sabi ko sa aking friend na kachat ko ngayon " I feel useless kasi halos lahat ng tao busy... ako naman eto nagmumultiply lang" halos lahat nga ng tao busy eh!!! pansin ko lang... mapa-UP o DLSU o UST o ADMU, busy ngayon... pero bakit ako? why am i the missing link?

actually, last week naman yung busy week ko. kaya magrerecover muna ako dis week. next week naman kasi busy week ko uli (2papers and 3 exams and out ng exam results) kaya parang rest week ko ngayong week.:) magiipon muna ako ng energy and inspiration and knowledge para next week, ready na ako!!! haha...

next week... i'll hibernate na naman from the real world!!! di ko alam kung makakausap pa ako ng mga tao... cguro naman makakausap pa ako, pero medyo malabo na nga lang akong kausap sa dami ng bagay sa aking utak. sa dami ng papers and exams. lapit na kasi midterm namin eh... aug8 kaya dumarami na rin yung exams and requirements. pero kaya to!!!:)

nga pala, maguUPCAT na sister ko!!!! Aug 5 (sunday) 12:30pm... Palma Hall... di ko maimagine kung saan sa Palma Hall cla mageexam. ang liliit ng rooms dun tapos majority pa ng rooms walang aircon. wawang kapatid!!! buti pa ako noon sa Econ audi, malamig at bagong-bago. eh ang AS o PH, mainit at lumang-luma na!!!

Sunday, July 22, 2007

our first home-made indie film...

indie film...:) gawa namin. sister ko nagvideo, kami ng mom ko yung "actresses" my mom was singing an ilocano song. basta may special participation ako sa vid na yan:) panuorin nyo na lang:) comment din please...

Friday, July 20, 2007

problemang puso ng isang kaibigan

may kwento ako: may friend ako. kwento nya sakin. kasi si *friend1(my friend) , meron daw gusto sa friend nya (*friend2). eh close daw sila ni friend2. kaso dahil nga close sila, ang tingin lang sa kanya ni friend2 ay close friends. dahil close friends sila, kwinekwentuhan ni friend2 si friend1 tungkol sa crushes nya. si friend1 naman cyempre hurt daw cya deep inside pero force pa rin cyang magact na okei lang sa kanya kasi nga ayaw nyang mahalata ni friend2 na nagseselos cya. kaso nga, habang tumatagal, lalong nafafall si friend1 kay 2. at habang tumatagal din, lalong mas nagiging masakit for friend1 kapag kwinekwentuhan ni friend2 cya ng crushes. so ano daw dapat nyang gawin??? sa totoo lang... di ko rin alam kung ano bang dapat nyang gawin.... haha! kaya ko nga pinost to eh.. baka sakaling may nakakaalam ng sagot.

*not their real names

movistar costume? paano yun?

waah!!! bukas na!!! pero wala pa rin akong movie star costume!!! yung friend ko cya na daw si tinkerbell... pero ako wala pa rin... binabalak kong magcostume ng doctor sa Gray's anatomy o ER o House... sa din idea yung maging GI Jane... o kaya ay Naruto, Sasuke, Sakura o Ino... o kaya naman ay Minnie Mouse... o kaya si Wednesday o Morticia sa Adam's Family... sabi nga ng mom ko dapat yung costume ko na lang sa Breakfast at Tiffany's ang gamitin ko eh, kaso di naman ako masaya sa costume ko nun... hay... bukas kelangan na akong magdecide kasi bukas na yun!!! waaah... bahala na...

stranded

nakakapagod ang araw na ito (kelan ba hindi?) kanina dapat magpipicture kami ng friend/groupmate ko sa artstud ng mga sculptures sa up (specifically sa univ ave, main lib at vargas museum). so yun... napicturan namin yung sa vargas and lib pero inabot kami ng malakas (as in napakalakas) na ulan nung nasa vargas museum kami!!! wow!!! kala namin bagyo na yun... nastranded kami dun. kaming 2 lang ata ang students dun tapos yung iba ay mga manong o manang na nagbabantay dun... so yun... mga isang oras cguro kami dun. di naman ganun katagal... tapos sinugod ko na lang yung ulan (with my payong of course)... at ngayon, i'm safely home.:)

Tuesday, July 17, 2007

what are friends for ba talaga?

nilalabas ko muna lahat ng nasa isip ko para mamaya makakapag-aral na ako ng husto.

napaisip na naman ako tungkol dun sa huling text ng bestie ko sa akin. may part dun na parang tinanung nya kung "what are friends for ba talaga?" gusto ko sana cyang replyan kaso paubos na ang load ko kagabi.

mahirap talaga sabihin kung para saan ba ang mga kaibigan. actually... wala namang use ang kaibigan eh. pamparami lang sila ng tao sa buhay mo. pamparami ng numbers sa phonebook. pamparami ng matatanggap na regalo sa pasko. pamparami ng pangalan na kailangan mong kabisaduhin. pandagdag stress pagnag-away kayo. pandagdag gastos pag reregaluhan mo... and the list goes on.

pero imagine yourself without your friends? ang lungkot cguro nun noh?

ang sagot ko sa katanungang "what are friends for ba talaga?"... as a friend, I make sure na laging masaya yung friend ko. I see to it din na kapag kelangan nya ng help ko, ay nandyan lang ako para sa kanya lagi. Kahit may ginagawa ako like nag-aaral for a quiz tomorrow, kung may problema yung friend ko, eh I'll find time to comfort her and at the same time, not neglecting my studies. Makikinig din ako sa mga kwento at problema nya kahit sobrang haba at sasabihan ko rin cya ng mga problema ko. Hindi ko cya huhusgahan kahit nakikita ko ang mga imperfections nya. And most improtantly, I will love her/him as a friend. so kayo na lang bahala maganalyze kung ano ba sa mga sinabi ko ang tunay na sagot ko sa tanong na yun...:)

thoughts 1

wat a day? actually... ordinary day lang ito for me. umm... nagquiz na kami kanina sa 140. kala ko mahirap. nagpapanic pa naman ako kahapon kasi di ako nag-aral nung weekend, kaya aral to the max (habang katxt ang aking namomoblemang kaibigang itago na lang natin sa pangalang anpu) nagpuyat pa nga ako eh. tapos sinisingit ko yung pag-aaral para sa LE ko sa stat sa thurs. tapos kanina nagquiz na nga kami. nagsisi ako at nag-aral pa ako!!!!:( 10-pt quiz lang cya tapos yun yung tipo pa ng mga tanong na kahit di ka na mag-aral, basta nakinig ka lang sa lecture nya eh mataas na makukuha mo!!!

pero may isang bagay na nagbobother sa akin. hindi kasi ako kinakabahan sa LE namin sa stat sa thursday. eh halos lahat ng classmates ko, kinakabahan. ako naman, wala lang. kinakabahan tuloy ako kasi di ako kinakabahan!!! (gulo noh?) kasi baka tama nga sila at mahirap nga... mag-aaral pa rin naman talaga ako eh. cyempre kahit papaano LONG at EXAM pa rin naman yun at tsaka MATH din yun kaya kailangan talga gamitan ng utak. mag-aaral ako pero yun nga lang, di ako pressured unlike my other classmates.

anyways... on more personal stuff. napaisip tuloy ako dun sa sinabi ng aking bestie (okei lang ba?) kasi cya may friend din cyang trintry nyang maging close pero parang yaw naman magopen up sa kanya. ganun din kasi yung nafeefeel ko towards one of my friend eh. we've been classnates for a year and a sem now. kung tutuusin nga isa na cya sa mga oldest friend na nakilala ko. classmates din kami ngayon in 2 subjs. pero kahit ganun na kami kadalas "pinagtatagpo ng tadhana", wala pa ring trust. weird nga eh. hanggang kwentuhan at tanungan tungkol sa subjs lang kami. meron naman akong friend na dis sem ko lang nakilala pero mas madamo pa akong naishashare na bagay sa kanya kaysa dun sa friend na tinutukoy ko kanina. weird noh? hindi kaya may mga specific na tao lang yung talagang mapagbibigyan mo ng trust at magiging comfortable ka with? i mean, hindi porke ang tagal nyo ng friends eh it would follow na magiging mas comfortable and trusting na kayo sa isa't isa? ang mahirap pa kasi minsan, sila/siya naman yung taong gusto mo maging kaclose pero kahit anong gawin mo, wala pa rin. na parang hanggang ganun na lang talaga ang friendship nyo... hay... napaisip tuloy ako.