magulo na naman ang utak
nakakapagod na araw to... di ko alam. parang naubos talaga energy ko ngayon. may mga bagay kasi akong naisip eh... mga bagay na talagang tuwing naiisip ko, nauubos ang lakas ko sa isip, sa puso at sa katawan... bakit kasi may mga bagay ang walang kasiguraduhan? tapos yung ibang mga bagay naman, sigurado na ngang hindi mangyayari pero iniisip pa rin nating pwedeng mangyari... kaya nagiging hindi tuloy cya sigurado... magulo ang mundo eh... minsan di mo alam binibiyayaan ka na pala nya di mo lang nalaman na biyaya na pala yun, kelangan mo na lang abutin... minsan naman akala mo biyaya yun pero nung inabot mo, nahulog ka sa kinatatayuan mo kasi di naman pala ito talaga para sa iyo... anung dapat mo ngayong gawin? ano ang mas malala? tumulala sa isang bagay na yun pala'y isang biyaya o mahulog sa pag-abot ng isang bagay na akala mo'y isang biyaya?

3 comments:
maaayos din yan... walang permanente sa mundo anpu... nasa atin yun... may panahon na ang mga bagay na akala mong di sa iyo ay para sa iyo pala at vice versa...mas gusto ko yung una kasi di mo akalain... parang bigla kang matutuwa...
pano kung napalagpas mo ung opportunity na un? kung sa bagay... sana may milagrong mangyari
may milgaro yan anpu.... dumadating yan sa hindi mo inaasahan na pangyayari
Post a Comment