set yourself free...

Saturday, June 30, 2007

events at the big dome

hay naku... big night na mamaya!!! excited na ako... actually, marami akong bagay na ika-excite ngayong week na ito eh. next saturday, opening game na ng UAAP season!!! UP vs DLSU... masaya ako kasi posibleng magkita kami ng aking bestfriend dun!!! yun nga lang, di pa namin alam saan uupo...:) magkaiba kasi kami ng school eh. gustuhin ko mang humiwalay at suportahan ang aking minamahal na up, ayaw ko namang mahiwalay sa kanya/kanila kasi minsan na nga lang kami magsama-sama, di pa namin lulubusin. so ayun nga... hehe... di naman cya big deal pero wala lang...:) ayun... again, big night na mamaya!!! woohoo!!! gusto kong manalo? si bea, then mickey, then gee-ann... c wendy? pwede bang wag na lang cyang isali dito, ayaw ko ng isipin eh...:)

wait may napansin lang akong pattern... yung 2 bagay na kinakaexcite ko, pareho silang gaganapin sa araneta coliseum!!!!!!!!!! haha!:)

Friday, June 29, 2007

a big boooooooooo to PBB!!

grabe!!! inis na inis talaga ako sa bigbrother!!! bakit natanggal si bodie... bodie my love bakit ka natanggal??? :( tapos natira sa loob ng haus si wendy the basgulera... kainis!!! tagal-tagal ko ng gustong tanggalin si wendy dyan... bakit kasi di na lang cya i-forced eviction due to horribly unpleasant behavior and character... ang dami namng ayaw sa kanya pero bakit may mga bumoboto pa rin sa kanya... feeling ko mga DOM nya yan eh. natanggal tuloy ang pinakamamahal kong si bodie!!! waaaah!!! BODIE!!!!! i know na hindi cya ang pinakadeserving na maging big winner pero at least man lang he really deserved to be a part of the big 4!!! but no... mas deserving pa daw yang si Wendy Valdez na yan!!! dont worry Bodie, nandito lang ako para sayo... i'll support you projects in the future... as for Wendy, sana langawin ang mga projects mo paglabas, or better yet, wala ka sanang maging projects paglabas... dahil sayo, di nasama si Bodie sa big 4!!! !@%$^&%@$%#%$%#%@$#$^

Wednesday, June 27, 2007

the calm after the storm

magulo ang mga pangyayari sa linggong ito. mahirap ipaliwanag kung anong klaseng kalungkutan ang naramdaman ko dis past days. nagkapatong-patong kasi yung mga kalungkutan sa akin eh. inilibing lolo ko nung sunday, tapos nag-away pa kami ng bestfriend ko tapos di pa na-evict si wendy sa pbb (ang babaw nung huling rason..)... alam nyo yung feeling na natutulala ka na lang kasi di mo na talaga alam kung anong gagawin. ayaw mong mag-isip kasi ang sakit na ng ulo mo pero di mo naman maiwasang mag-isip. di rin naman ako makaconcentrate sa pag-aaral kasi walang ibang pumapasok sa isip ko. kung makitawanan ako sa mga friends ko, mawawala din agad yung saya. basta sobrang bigat talaga ng damdamin ko that time. parang gusto ko na lang laging matulog para di ko na nararamdaman yung kalungkutan at pagtatampo. ngayon naman... okei na ang mga bagay-bagay. nakakaya ko ng ngumiti at tumawa at magpakasaya. nabunot na ang tinik sa aking damdamin. marami pang darating na mga problema sa buhay ko alam ko, pero dahil dito sa naranasan kong ito, alam kong makakaya kong lampasan lahat ng ito dahil may mga taong handang tumulong sa akin.:) hehe... at sana ma-evict na si wendy... at go gee-ann-bodie love team!!!:)

Friday, June 22, 2007

mga gumugulo sa utak ko

things are getting clear for me now. alam ko na kung anong mga bagay ba ang gusto kong pagtuunan ng pansin, pag-alayan ng effort. medyo mahirap ngang i-sacrifice ang ibang bagay pero eto naman ang mas makakabuti para sa akin. sa pagsasacrifice ko ng mga bagay na ito, mas maiiwasan ko ng masaktan muli. hindi na muli maghihirap ang aking kalooban at hindi na ako muling aasa pa sa isang bagay na kahit anong gawin ko ay hindi na ata posibleng makamit. mahirap talaga para sa akin ang gawin ito. ewan ko ba. napansin ko kasing marami akong mga bagay na pinagtuunan ng husto ng pansin pero sa huli ay wala namang pinatunguhan. ayaw ko na kasing ma-"divert" muli ang aking isipan. sa mga nakaraang taon, hindi masyadong maganda ang mga nangyayari sa buhay eskwela ko. lagi akong malungkot, lagi akong wala sa mundo. masaya at maganda na ang mga nangyayari sa semester na ito. ayaw ko na sanang sirain ang naumpisahan ko. napapansin ko kasi na bumabalik na naman yung masamang "bagay" na yun sa utak ko. yung "bagay" na yun ang nagdulot ng labis na kalungkutan at distraction sa aking buhay. ilang beses kong kinakausap ang aking sarili sa kung ano ba ang dapat kong gawin. ilang beses akong umiyak bago matulog dahil naiisip ko ang bagay na yun. gusto ko na talagang kalimutan ang bagay na yun sa aking utak, pero kasi... ironically, yun din ang nagdulot at patuloy na nagdudulot sa akin ng labis na kaligayahan. kaso nga lang, sa tuwing naiisip ko yung bagay na yun, naiisip ko rin ang posibilidad na maaaring mawala ito sa aking buhay. maaaring bigla na lang magbago ang mga bagay-bagay. ngayon tuloy, imbes na sumaya ako, lalo lang akong nalulungkot at natatakot. kung lagi na lang ganito ang mangyayari dahil lang sa bagay na yun, hindi ko na alam kung anong aking dapat gawin.

Wednesday, June 20, 2007

good vs bad, glad vs sad...

hay buhay... gumagawa na naman ng hw habang sinisingit ang ganitong mga bagay. so far, masaya naman para sa akin ang sem na ito. well... 2 weeks pa lang naman akong pumapasok kaya its too early to tell. medyo natutuwa ako sa mga nangyayari. may kakilala at makakausap sa lahat ng subjs, may 3 akong aircon na subjs, mukhang mababait mga nakuha kong prof (except pe, mukhang strict pero sabi naman nila magandang prof yun) pero gaya nga ng sabi ng aking kaibigan, di magandang maging sobrang saya na ngayon kasi baka mas maging malungkot ka lang sa future. hehe... di rin naman magandang maging pessimist kasi lalo kang madedpress(sorry friend...) dapat open ka lang sa bawat possibilities. in a bad situation, dapat open ka na its possible for the situation to get better. in a good situation naman, dapat open ka rin that its possible for the situation to get bad after some time. in a neutral situation naman, hope for the best but expect the worst. di naman pessimism ang pag-iisip na masama ang kalalabasan ng isang bagay eh. normal lang yun. magiging pessimism na lang yun if you refuse to look at the bright side na kasi all you see is the darher side of things.:) anyways... back to business na naman.

Tuesday, June 19, 2007

can i measure a person's sincerity?

alam nyo ba yung pakiramdaman ng gusto mo sanang maging close dun sa isang bagong kaibigan na yun pero parang cya naman yung ayaw? meron kasi akong friend na ganun. gusto ko cyang iclose kaso parang ayaw naman nya. the past sems mas okei naman kami pero ngayong sem na ito kung saan mas maraming opportunities na maging close, dun naman cya distant. di naman ako yung tipo ng taong ipipilit ang sarili sa isang tao eh. kung ayaw mo wag mo, pero ang diff nito ay medyo okei okei naman kasi cya sa akin. may mga times na nakikiclose cya, may mga times naman na parang ayaw nyang makipag-usap, may mga times din na cya pa yung nagsstart ng conversation at may mga times din na ako naman yung nagsstart. ewan ko ba... natatakot naman akong itrust na cya agad ng husto kasi di ko talaga alam kung mutual ba yung friendship eh. alam nyo yun, mahirap ng magbigay ng trust sa isang tao na hindi mo sure kung sincere ba cya sa friendship nyo. i felt for the past sems na sincere naman yung friendship nya sa akin eh pero this sem ako nakafeel na isang araw parang di cya interested then the next day, friendly na naman. actually nakakalito nga cya eh. super inconsistent as in. di ko naman nais o ineexpect na magiging super close kami eh na parang bestfriends or anything, gusto ko lang naman sana na na itrust namin ang isa't isa. ewan ko ba... kung ano ng will ni God, yun naman ang magpreprevail in the end eh... kung destined na maging close friends kami, edi maganda pero kung hindi naman, edi i'll move on... madali lang naman akong kausap eh. as of now, gusto ko lang talagang malaman kung sincere yung friendship na ipinapakita nya sa akin.

Sunday, June 17, 2007

a day of mourning

Happy father's day to your dads!!! anyways... masasabi kong dis past week ay yung week na pinakachallenging for me. super stressful and physically draining. lipat there, lipat here. yesterday, inisip ko rin yung mga bagay na ito, physically tiring nga cya pero at least emotionally and socially naman, i'm fine and happy. pero today lang, nabago na naman ang aking view. i am now both physically and emotionally down. super sad ako talaga today. fathers day na fathers day ay napakalungkot ng envt sa buhay at bahay namin. parang nobodys in the mood to be happy and nobody should be happy din kasi nga this is something that we shouldn't celebrate. talagang ang ganda ng timing ng destiny noh. kung kailan naman ako super pagod na sa mga school stuff, tsaka naman dadagdag ang ganito kalaking unos sa buhay ko!!! bwusit talaga!!! talagang alam ng kapalaran kung papaano ka talaga nito idodown ng husto noh?!!!

Wednesday, June 13, 2007

ilang mga katanungan

minsan sa buhay, hindi mo talaga maiiwasang magsakripisyo ng ilang mga bagay. minsan din, yung bagay pa na tunay na nagpapasaya sayo ang kailangan mong isuko para lang mas maging maayos at masaya ang ating buhay. minsan nga pakramdam mo ayaw mong isuko yung bagay na yun kahit pa mali yun dahil yung bagay na yun ang nagdudulot ng labis na kasiyahan sa iyong puso. ngunit, gaya nga ng sabi ko kanina, kailangan itong gawin para din sa ikabubuti mo. ngunit eto ang isang mahalagang katanungan dun. makakaya mo bang isakripisyo ang isang bagay na nagdudulot ng labis na kasiyahan sayo upang makamit ang "kaayusan" ng buhay mo? follow up question, paano mo malalaman kung makakamit mo nga ba ang kaayusan ng buhay matapos mong isakripisyo yung bagay na yun o baka mas maging magulo at malungkot lang ang buhay mo kapag wala na yung bagay na yun?

Tuesday, June 12, 2007

this is the moment: the later part of the day

i'm so haggard today!:( di ako nakapagprerog kasi di nag-attend ng class yung prof sa duckpin... waaah!!! may kakilala pa naman na ako sa subj na yun kaya sayang naman kung di ko i-continue pero i have no choice but to move on. nasayang lang yung hrs ko paghihintay. 11am wala na akong class pero hinintay ko pang mag1pm para lang magprerog tapos di naman pala cya darating!!! tapos ang init-init pa habang ako'y naglalakad sa walang kashade-shade from one place to another!!! tapos sa jeep kanina, naka-away ko pa yung driver kasi mahal cya maningil ng pamasahe!!! pero as i said in my earlier post, maganda naman for me ang araw na ito.:) puro mas upper class nga lang ang mga naging kakilala ko sa bawat subj (4th yr and 3rd yr) pero masaya naman.:) at least matrtry ko ng makipagfriends sa mga mas nakakatanda sa akin (as if naman, may mga friends naman na akong MAS MATATANDA kaysa sa akin eh... hehe... peace!)

this is the moment!!!

wala lang... nasa UP me ngaun. di dumating prof ko sa anthro kaya heto ako ngayon. magpreprerog ako mamaya sa duckpin eh. i'll try my luck na lang dun for the sake of awards.:) hay... nakakapagod ang araw na ito pero at least may kakilala na ako sa mga subjs na naattendan ko 2day (xcept anthro). sa thursday, ibang istorya na naman yun. hehe... masaya naman so far. strict yung prof ko sa natsci pero mukhang mabait naman yung sa psych.:) kinakabahan na ako sa prerog ko mamaya!!! ano kaya mangyayari? matatanggap kaya ako? sana lang please... anyways... di pa ako nakakapaglunch. wala na naman akong kasama kasi puro conflict ang breaks ng mga tao. hehe... may 1-2 hrs pa akong paghihintay bago yung pe-prerog ko. hehe... may mga nakita akong freshie na paulinians dito kanina. isa lang yung namumukaan ko eh, friend cya ng sister ng friend ko. hehe... freshmen orientation kasi today eh... nakakatuwa isipin na nagdaan din kami sa ganun dati. patambay-tambay sa tabi-tabi habang hinihintay yung sched nila na magorientation. ngayon ang tanda na namin!!! sophie na!!! hehe... at di na priority!!! huhu... so far to evaluate my day, maganda naman ang mga nangyayari.... kaso may isang tao pa akong gustong makita pero di ko parin siya nakikita sa araw na ito. sana classmates kami sa 110 sa thurs!!!!:)

Monday, June 11, 2007

the day before tomorrow

pasukan na tomorrow!!! my gosh!!! kinakabahan na ako... kainis nga eh... dahil pasukan na naman, mawawala na naman ang aking internet privileges pero not totally. cguro lagi na lang akong mag-iisip ng excuse na maginternet. hehe... hay... and kung magkaroon man ako ng privileges, i'll be too tired to surf the net...:( baka mamatay na naman ang aking neopet!!!!!!!!! waaaah!!!!:( ipagkakatiwala ko na lang sa iba:) hay naku.... hehe... kinakabahan talaga ako! sana wag naman umulan bukas... i mean pwede namang umulan pero sana nakauwi na ako. kelangang umalis ng 6am sa bahay para di traffic tapos pauwi naman, 1pm last class ko kaya no prob.:) haha!!! ano kayang mangyayari bukas?

Sunday, June 10, 2007

wala lang sessions

blah blah blah... what a life? may mga bagay na kung titignan mo sa malayo, parang ang babaw lang. pero once pinagtuunan mo na ito ng pansin, dun mo makikita na hindi lang pala yun ganun kadali. ang isang napakagandang bagay ay pwede pa lang magkaroon ng mga maliliit at malalaking tinik sa paligid nito na kapag hindi naagapan ay makakasakit sayo. minsan ang mga tinik na ito ay tinitake for granted lamang natin kasi iniiisip natin na wala lang naman ang mga ito. maaari namang iwasan o maaari namang gumamit ng panakip sa mg tinik na ito, pero paano na kung di mo ito naiwasan o kahit takpan mo man ay nandoon pa rin? matitinik ka at for sure masakit yun... at kung hinayaan mo pang lumago ang mga tinik na ito, baka hindi ka na lang matitinik sa susunod... mas magiging masakit pa ang mga susunod na posibleng mangyari at baka tuluyan mo ng hindi mapasayo yung magandang bagay na yun dahil sobrang lalaki na ang mga tinik na nakapaligid dito.

Saturday, June 09, 2007

the sana's of my life...

heto na... heto na... heto na... waaaaah!!! lapit na pasukan... sa tuesday na!! argh! konte lang naman subjs ko at super aga ng uwian... iniisip ko pa kung magpepe o hindi... super dami na namang tumatakbo sa utak ko, di pa man nagsisimula ang sem. sana maging maganda, makabuluhan at masaya ang sem na ito for me. wala lang... sana lang talaga... sana nga magawa ko yung mga pinangako ko sa sarili ko. sana maging US na ako please! sana rin kahit papaano ay magkaroon kami ng kahit isang full conversation. sana wag na akong masyadong umasa na maging friends pa kami ng crush ko. sana maging mabait mga classmates ko. sana magkaroon ako ng new friends. sana mamaintain ko mga old and older and oldest friends ko. sana makayanan ko ang hirap ng mga subjs ko. sana mas maging close na ako sa blockmates ko. sana wag akong magexpect ng malaki sa mga tao. sana mababait mga profs ko. sana makayanan ko ang hard works sa school at sana hindi na ako mapressure sa mga bagay-bagay sa paligid ko. ang daming sana noh? alin kaya sa mga ito ang talagang masusunod? by the end of the sem, i'll go back to this entry and ichecheck ko kung alin ba talaga sa mga sana's na ito ang nagawa ko. sana man lang kahit isa may magawa ako... hehe...

Thursday, June 07, 2007

what an experience...

napakahirap ng enrollment talaga!!! pila rito, pila doon... puro pila... 1 hr na pumila sa kuhanan ng reg matls, 2 hrs na pila sa bio, 2 hrs na pila sa art stud, 3 hrs na paghihintay, 1 hr na palipat-lipat sa bldgs at 1 hr na assesment at postadvising... ano ba ito??? 6:30am ako umalis sa bahay at 6:30pm na ako nakauwi sa bahay... commute!!! kainis!! super pawis to the max tapos umulan pa kaya nakakapanlagkit ng katawan!!! pero enjoy naman... at tska super experience cya... di ko makakalimutan yun... yung tipong tumatakbo talaga from one room to another nagtatanong kung may available slots pa ba... hahaha!!! pero fun naman cya kasi yun nga bonding times with friends, kwentuhan, kainan. tapos marunong ng magdrive friend ko kaya yun de-car na kami na palipat-lipat ng bldg!!! nangangantyaw nga kami na sa eastwood na lang magpalipas ng oras eh o kaya sa mall of asia, tapos yung tuition na lang namin ang gamiting panggasolina at pangshopping! haha!!! parang gusto ko tuloy din magdrive... well... ang masasabi ko lang: the day's all worth it naman!

Monday, June 04, 2007

argh! part2...

about my dilemma (refer to previous entry), medyo may nabasa akong medyo makakatulong. may nagsend sa aking friend dati ng text message na nagsasabing if you're faced daw with this problem, you should weigh if you have a better heart o a better mind. iniisip ko tuloy kung ano ba talaga ang better sa akin. i can say na i have a lousy heart. the last time na ang heart ko ang sinunod ko, nasaktan lang ako ng husto at pinagsisihan ko ng lubos ang aking ginawa. hindi ko pa naman alam kung better ba ang mind ko kasi di ko pa naman cya natry na sundin. pero i guess i'll just stick with my mind kasi at least ang mind ko ay hindi pa ako naipapahamak. ang heart ko naman ilang beses ng nagdulot ng pain. pero actually, di pa naman ako kailangang magdecide eh kasi wala pa naman ako sa tamang time para manghusga. cguro eevaluate ko muna lahat ng bagay from both parties para mas safe. baka by that time, mag-iba na ang mga bagay-bagay. baka once mare-evaluate ko na ang mga bagay-bagay ay mas maging clear na sa akin kung ano ba talaga ang aking susundin.

Saturday, June 02, 2007

argh!


na-experience nyo na ba yung iba yung dinidikta ng puso mo sa dinidikta ng utak mo? akala ko dati imposibleng mangyari yun eh kasi wala namang "will" ang puso, utak lang ang meron, pero well naexperience ko na cya nung isang araw lang. yung utak ko gusto si 1 pero pagnaaalala ko si 2, parang iba din yung nararamdaman ko. masaya din naman ako kapag naiisip ko si 1 pero masaya din naman ako kapag naiisip ko si 2. si 1 marami akong mga plano, marami akong gustong mangyar kasama cya parang lahat ng dream ng isang babae nararamdaman ko sa kanya. pero si 2 naman, parang napapasaya nya ako ng husto. hindi man nya masatisfy yung dreams ko (2), masaya naman ako. si 1 dictated ni mind, si 2 naman parang ni heart. ewan ko ba. si 1 gustong-gusto ng mind at medyo gusto ni heart. si 2 naman gustong-gusto ni heart pero pilit kinakalimutan ni mind. yung feelings ko kasi kay 1, yun yung mas tama kaysa yung feelings ko kay 2. may nabasa akong quote- sabi daw ni heart kay mind: ano ba, burahin mo na kasi cya sa isip mo. sabi naman daw ni mind kay heart: eh papaano ko gagawin yun kung sa tuwing ginagawa ko iyon ay nakikita kitang nagdurugo!!! well... parang ganun nga yung nararamdaman ko. kung ang buhay at katawan natin ay kontrolado lang ni mind, siguro di ako magkakadilemma dito pero hindi ganun ang sitwasyon. dapat nagkakaisa sina puso at isipan para maging mas kumpleto ka. hay buhay... parang life talaga!:)

Friday, June 01, 2007

ayaw kong magprerog!!!

sa tuesday enrollment na!!! kinakabahan ako... eto ang unang beses kong punta sa school after ng pasukan... alam kong mapapasabak na naman ako sa matinding pilahan at maraming takbuhan para lang makakuha ng subjects. dissolved ang fil40 ko... kainis talaga yun prof nun!!! tapos wala pa akong pe... ano ng gagawin ko? sabi ng mom ko kailangan nakapila na ako 7am pa lang kahit 8:30 talaga yung start... first time pa lang kasing enrollment ito na hindi ako freshie kaya parang nakakatakot. pagfreshie kasi mas madali ang buhay, priority ka eh. madaming slots, at mas konteng kaagaw. pero ngayon na upper class ka na, they expect you to be stronger na kaya mas papahirapan ka nila. survival of the fittest!!! start na ng prerog years, or minsan wala ka ng choice kundi magprerog... sana lang ang napasukan mong prof ay hindi ganun ka-sama na sisigawan ka nyang lumabas sa class nya!!! hehe... nakakaawa ang mga nagpreprerog eh... para silang mga nawawalang bata na palipat-lipat ng rooms nagtatanong kung sino ang pwedeng umampon sa kanila!!! haha!!! sana wag umabot sa situation na magpreprerog ako... kasi sa totoo lang, nakakatakot yun...