set yourself free...

Wednesday, May 30, 2007

uhmm...

may friend na nagtanong sa akin... paano mo daw ba malalaman kung yung dream mo na yun ay para talaga sayo? at pagnafail mo na itong dream na ito twice or thrice, paano mo malalaman na its time to give up on that dream na ba? actually, mahirap na tanong yan kasi wala talagang definite answer sa mga tanong na yun. cguro malalaman mo na lang na di talaga para sayo yung dream na yun kapag nawalan ka na ng ganang ipursue yun, kapag nakakita ka na ng isang bagay na mas gusto mo ng gawin. meron din akong dream na hindi ma-achieve achieve. ever since preschool, gusto ko ng magkaroon ng award pag grad. nung gradeschool di ako nagkaroon ng award kasi kinapos ng konte yung grade ko, nasa top11 ako... tapos nung hs naman, may below 85 ako. minsan iniisip ko, makakaya ko bang magka-award naman sa college grad? pero paano kung it is something na mahihirapan ka ng ulitin pa? like kunwari med school... if you failed it once, mahirap ng ulitin pa yun... eh paano kung you failed it for the 2nd time? mas mahirap pa yun! at those times, paano mo pa malalaman kung para sayo nga yun? what if you're meant to be a lawyer pala at hindi doctor? hay... mahirap na desisyon yun, diba?

Monday, May 28, 2007

sa thursday na!

darating na sa may31 ang dad ko... for sure, dami na namang magbabago sa bahay namin. mas gugulo na naman, mas madami na naman ang mga labas-labas, makakapagsimba na naman kami sa st. francis, makakapunta most of the time sa market market, mega, greenhills... basta, yung mga bagay na di namin na gagawa kapag wala cya ay magagawa na naman namin ngayon. at meron pa, sa pasukan kapag may gana cya sa araw na yun, pwede akong magpahatid sa school. kapag umuulan at nastranded ako somewhere (sa katips, sa jxn), meron akong back-up plan na tawagan ang dad ko para magpasundo!!! hahahaha!!! at pwede din akong sumali ng org dis sem para in case may late meetings kami, may sundo ako!!! wahaha!!! kaso di ko naman gagawin yun. abuso na yun eh. mahal na rin ang gasolina ngayon. basta naeexcite na ako sa mga mangyayari!!!

Sunday, May 27, 2007

a girl can dream

naramdaman nyo na ba yung feeling na gusto mong makilala pa ng lubusan ang isang tao? na parang hindi enough talaga yung kilala nyo lang by name ang isa't isa? nararamdaman ko kasi yun ngayon eh at hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot o matuwa. meron kasi akong isang taong nasaisip. para bang gustong-gusto ko cyang maging friend at maging kaclose. ewan ko nga bakit eh. di ko alam kung anung itatawag ko sa ganitong klaseng feeling. parang gusto mo lang kayong maging close friends pero di mo naman pinagpapantasyahang maging kayo. parang gusto mo lang talagang makilala ang tunay na katauhan nya. parang naghahanap ka lang ng mapagsasabihan ng mga bagay-bagay. sana lang talaga bigyan ako ng pagkakataon para makilala ko siya, hindi lang pangalan pero pati katauhan nya. gusto kong malaman kung gaano ba talaga cya kabait, mayabang ba cya, friendly ba cya, thoughtful ba cya, yung mga ganung bagay. gusto ko ring malaman kung totoo ba yung mga naririnig kong bali-balita tungkol sa kanya at gusto kong malaman kung ganun ba talaga cya. may mga personal observations din naman ako sa kanya kasi kahit papaano naman ay naging classmate ko na cya pero yun nga lang, kailangan ko pa cyang mas makilala para malaman ko kung ganun pa talaga cya lagi pati sa mga kaibigan nya. at cyempre, gusto ko rin namang makilala nya ako. gusto kong makilala nya kung ano ba talaga ang tunay kong pagkatao hindi lang yung nerd at shy girl na nakikita nya sa room.

Saturday, May 26, 2007

ang epekto ng inspirasyon...

ano ba naman ito? di pa man nagsisimula ang pasukan, napakadami ng stressors ang dumarating sa aking buhay. dati ang problema ko lang ay yung tungkol sa aking grades at sa mga ibang tao sa paaralan pero ngayon pati sa bahay meron na ring problema. di naman sila dapat serosohin ng isang batang tulad ko, pero cyempre, di ko naman maiwasang maisama ang mga bagay na ito sa aking pag-iisip. pero marahil napaka-inspired ko lang ngayong mga panahong ito dahil di naman ako gaanong nasstress. kung cguro nung mga panahong di ko pa naliliwanagan ang ilang issues sa aking buhay ko dumating ang mga stressors na ito, baka ngayon pa lang (kahit wala pang pasok) ay lagi na lang akong nakatulala, sumasakit na naman ang ulo at nadedepress. pero dahil medyo inspired nga ako at maraming reserved energy, hindi ako nagiging masyadong down. nakakayanan ko pa ring harapin ang mga unos na ito ng may ngiti sa aking mukha at hindi naiistress. malaki nga talaga ang epekto ng pagiging inspired sa performance ng isang tao. sana hindi ako maubusan ng inspiration sa pasukan. mas kakailanganin ko na ito pagdating ng panahong iyon. at kung anuman yung inspirasyong tinutukoy ko, sa akin na lang yun!:)

Thursday, May 24, 2007

yehey!:)

napakaweird talaga ng nararamdaman ko. for some unusual reason, naeexcite akong pumasok sa school pero at the same time kinakabahan. hay... di ko talaga maexplain. alam nyo yung feeling na di ka makatulog sa gabi kakaisip ng kung ano ba mga mangyayari sa semester na ito, tapos di ka mapapakali sa kung ano ang mga gagawin mo. di pa nga ako enrolled eh pero ganito na nararamdaman ko at di ko naman alam kung bakit ako naeexcite ng husto. wala namang nakakaexcite sa pagpasok, hws, paggising ng maaga, pagcommute araw-araw at paglalakad ng mahaba. pero parang may idea ako kung bakit naeexcite akong pumasok... cguro dahil ipinangako ko ngayon sa aking sarili na magbabagong buhay na talaga ako sa taong ito. naeexcite na akong maging mas masayahin at mas maging palakaibigan sa mga tao. naeexcite na rin akong mas maging seryoso sa aking pag-aaral at makakuha ng matataas na marka. bawat taon, may bagong pag-asa. hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago basta ba tungo sa mas nakakabuti.:)

http://crazy-gurl10.livejournal.com

Tuesday, May 22, 2007

home alone

nakakatamad talaga ang araw na ito... well... mag-isa lang ako sa bahay kaya yun aabusuhin ko na lahat ng resources dito. habang sila ay nagpapakasaya sa galle na nagshoshopping para sa school supplies and uniform at kumakain ng masarap na pagkain, ako naman ay nandidito sa tapat ng computer at di pa naglulunch. magdamag sa computer hanggang sila ay bumalik. kanina nanuod ako ng movie. mamaya siguro manunuod na naman ako ng dvd, ang aking House MD marathon. ako lang naman ang willing manuod ng marathon ng house kahit walang subtitle dito sa bahay eh. sinapsych ko rin kasi ang sarili ko na magtake up ng med kaya yan, pursigidong manuod ng house, grey's anatomy at ER. hehe... hay... nakaktamad talga. di pa ako naglulunch pero tinatamad akong magluto, kasi kelngan pang magsaing at magdefrost ng kakainin sa freezer. pero gutom na talaga ako eh... mukha tuloy akong bum dito sa bahay. wala ng ginawa... ang gulo pa ng bahay sa baba pero tinatamad talaga ako... hay...

Sunday, May 20, 2007

coming soon

malapit nang bumalik sa dati ang mga bagay-bagay. malapit ng matapos ang napakagandang panaginip na kinalulugaran ko ngayon. malapit na uli akong magising at harapin ang mga tunay na nangyayari. malapit ng dumating ang tunay na mundo: ang mundong puno ng pagsubok at pagbabago. marami man akong iiwang alaala ng kasiyahan at kalungkutan, kailangan paring harapin ang mga pagbabagong aking mararanasan. kailangang tanggapin na may mga bagay na panandalian lamang. gustuhin ko mang manatiling habang buhay na ganito, pero alam kong marami pa ring bagay ang mababago. malapit na... malapit na...

Saturday, May 19, 2007

my brother sucks!

my brother sucks! he's an ass! he doesn't care! he loves sour gummy worms but i don't want to give him any! he sucks! -pang-aasar na post, sana mabasa nya to... (please don't take this seriously, we are a wholesome, civilized, disciplined and kind-hearted family!)

Friday, May 18, 2007

may 14...

blah blah blah... sa aking pagpunta sa blog ng isa kong kaibigan, na-isip ko tuloy ang eleksyong nagaganap sa ating bansa. puro na lang pandaraya ang nagaganap lalo na sa maguindanao... posible ba namang maging 12-0 pabor sa team unity ang boto ng tao? kahit isang oposisyon wala man lang nanalo. napaka-obvious naman ng pandarayang ginagawa nila. sana sa susunod ay unahin na nila ang mga lugar sa mindanao na bilangin bago dito sa luzon dahil sila ang lubos na nadadaya. nakakains talaga! nung presidential election, sa mindanao din nakakuha si fpj ng zero votes laban kay gma (lanao del sur at samar), tapos ngayon ganun uli ang nangyayari. obvious naman sa ibang lugar dito sa Pilipinas na ayaw na ng tao sa administrasyong ito pero bakit tila ata walang tv o radyo sa mindanao para makita nila ang katotohanang ito kung totoo ngang 12-0 ang boto ng tao dito. siguro nga ay nadaya lang ang mga botante sa mga bayang naka12-0 ang team unity, nakakaawa naman sila. napaka-gulo talaga ng eleksyong ito. ang isa ko pang kinaiinisan ay yung mga namamatay o nasasaktan dahil lang sa eleksyon. yung gurong nadamay sa sunog, yung mga gurong inambush para maagaw ang mga balota, yung mga namatay na mayors, konsehal... tapos ang nakakainis pa ay yung mga milyong-milyong nagagastos ng mga politiko na yan sa kampanya na sigurado namang babawiin din nila pag sila ay nahalal na. at majority ng highest spenders ay galing pa sa team unity. saan kaya nila nakukuha ang pera nilang yun? si pichay na highest spender ay nangungulelat naman sa boto (so far...) hay naku... ang baba na ng exchange rate (kahapon 46.9) dahil napakarami ng perang lumalabas... pero after ng election, tataas na namang ang rate dahil madami na namang perang mawawala sa kaban ng gobyerno (saan kaya napupunta ang mga perang ito?) grabe! sana po magbago na ang gobyernong ito... sana umalis na sa pwesto si gma... sana po 2010 na at sana wag ng matuloy ang parliament govt na isinusulong nya... grabe! obvious ba kung kanino ako kampi?

Thursday, May 17, 2007

damn you crs!!!

gosh!!! kainis ang crs... di ko nakuha yung slots ko sa psych108 at pe!!!! argh! pinag-isipan ko pa naman ng husto yung sched kong yun... kainis! baka manual enlistment na naman ang bagsak ko nito sa pe... sa psych108 naman, sana makakuha ako dito sa crs para wala ng hirap ulit! asar talaga! ang ganda pa naman sana kaso asar talaga!!! argh!!! wala na akong maisip na ibang matinong pe aside from table tennis... pwedeng judo, scuba, bowling, badmin... nababaliw na ako!!! 2 sems na akong pinapahirapan ng crs na ito... waah... damn you crs, damn you!!!!

Tuesday, May 15, 2007

a video to remember...

ano na naman ilalagay dito? ewan... haha!!!! kanina back-to-the-future kami ng family ko. may nakita kasi akong lumang vhs tape sa may cabinet tapos natripan kong panuorin. videos namin na kinunan noong 1999-2000, new year's eve nung 2000, bday ng dad ko nung 2000, field demonstration nung gradeschool and many more. haha! nakakatuwa kasi ang babata pa talaga namin dun. grabe sa bata! yung brother ko parang maamong tupa pa noon tapos yung sister ko naman chubby pa na walang braces tapos ako naman ang hilig magpacute sa camera. kapag may time itratransfer ko sa cd yung vhs tapos ipopost ko sa blog!!! haha! napanuod ko rin yung field demo ko nung grade4... namiss ko tuloy mga gradeschool friends ko lalo na yung mga nasa videos na kasama kong sumasayaw (kash, rina, janina) mukha pa akong batang-bata na sumasayaw tapos eto namang sina janina at rina mukha ng dalaga kahit grade4 pa lang... si kash naman mukha pang nerd noon, kapal ng glasses tapos naka-headband na pink... haha! tapos dun ko lang din nakita na close pla kami talaga ni tintin grade4 pa lang pala... hay... namimiss ko na talaga sila, lalo na sila janina at rina, sila kasi yung mga naging best friends ko nung gradeschool eh... si kash naman kasama ko na sa up at ka-course ko pa kaya sawa na ako. joke lang!:) miss you guys!:) tapos yung sa brother ko naman, ang bait pa nya noon. ginagawa lahat ng iuutos sa kanya kahit sumayaw ng nakakatawang steps o kumanta ng out of tune. tapos di kami nag-aaway sa video habang sila ni cha, noon pa man nag-aaway na sila... haha! pero ngayon warfreak na ang bro ko, nakakapagsalita na nga minsan ng bad words eh at mahilig na sa rock songs.... haha! time goes by so fast talaga...

Saturday, May 12, 2007

Love So Sweet--- Arashi

hehe... total gayness of one of the arashi guys!!! (grey jacket with printed shirt, white pants, red belt. not jun!!!) ladladan na ito...

Friday, May 11, 2007

a different birthday



birthday ngayon ng dad ko... (may11) pero parang di ko masyadong na-feel siguro dahil wala cya. kanina nagluto ako ng spaghetti for lunch dahil diba tradition yun na kelangan kumain ng something long like pancit o spag for long life. dapat pancit eh, kaso dahil parang kanina lang namin na-realize na kelangan magluto, di kami nakapaghanda ng ingredients. anyways, di ko masyadong ramdam ngayon. di naman eto ang first time na wala dad ko sa bday nya eh pero noon kasi, pagbday nya, lumalabas kami. i mean, mall, kain sa pizza hut or any fancy resto, nuod sine basta nagcecelebrate outside the house. tapos pag nandito naman cya, party sa bahay. tapos ngayon parang wala lang. walang cake, walang masyadong preparations, walang labas. pero eto pa siguro ang nagpalala nito. in the past kasi, tumatawag o nagtetext yung dad ko on or days before his bday, pero ngayon, 1 month na namin cyang di nakaka-usap tapos ngayong bday nya, wala pa rin. parang alam nyo yung feeling na hindi mo maramdaman yung presence ng father mo sa mismong bday nya. parang pakiramdam ko tuloy nagcecelebrate kami pero kulang. pero kahit ganun, kelangan pa ring icelebrate ang kanyang bday. kahit walang cake, kahit wala cya, kelangan pa ring icelebrate ang day ng kanyang pagsilang dahil kung di dahil sa araw na ito, wala rin kami dito sa mundong ito. so to my dad, HAPPY BIRTHDAY!!!

Wednesday, May 09, 2007

what a weird dream...


i dreamt about my ex-crush one night... medyo weird nga eh kasi cya yung lumalapit. sabi nya, kung pwede daw bang magbalik sa dati ang mga bagay-bagay, you know, maging close uli kami. nagsorry cya sa mga ginawa nya, pinagsisisihan na daw nya yun. nanghinayang daw siya kung bakit nya ako pinakawalan as a friend at ngayon umaasa cya na bumalik yung closeness namin. at eto pa ang nagpa-creepy sa akin, tinanong nya daw ako kung gusto ko daw ba siyang maging-ANO!!! gets? creepy talaga... kaso sa panaginip ko, meron nang ibang nilalaman ang aking puso... pero cya medyo insistent, sinabi nya sa akin na kung pwede daw layuan ko yung special na taong yun at siya ang piliin ko... sa dream medyo nahirapan daw akong pumili kasi kahit papaano meron pa rin daw akong feelings sa kanya at matagal ko ng hinihintay-hintay na sabihin nya sa akin ang mga bagay na yun. di ko daw talaga alam ang gagawin ko. naka-upo pa cya sa tabi ko namukhang sising-sisi sa kanyang ginawa tapos hinahawakan nya yung kamay ko.... well... sa pagkaka-alala ko ang sinabi ko ata sa kanya dun ay "sorry pero meron na akong ibang gusto pero pwede naman tayong maging close friends eh". yung feeling ko all throughout the dream? parang happy na confused na sad na happy ulit... mixed emotions. happy kasi at least i heard the words na matagal ko ng gustong marinig, sad kasi its kinda too late and the damage was done, and confused whether i would give up my current "love" or not... grabe!!! weird talaga ng panaginip kong iyon. kung mangyari siguro yun sa totoong buhay, yun din siguro ang sasabihin ko at baka yun din ang maramdaman ko... pero baka in real life, hindi ko talaga igigive up ang present ko para lang sa past...:)

Tuesday, May 08, 2007

peace, prosperity and love for all mankind...

tagal na akong la entry dito... medyo masaya na ang buhay ko... learning to love what God gives me...:) accepting life's realities and accepting the truth about life. may pagka-abstract ang mga bagay na ito kung ating pakikinggan pero you can witness those things even in the simplest of things...:) don't want to go into specifics pero so far, i want to achieve those things... and ones i had achieved those, ayaw ko na sanang mawala yung feeling. may mga times kasing akala mo one day, you're so happy na, na you've found peace and inner acceptance, then paggising mo kinabukasan, wala na naman yung feeling. you've become less peaceful inside. ayaw ko ng ganun... gusto ko kahit ilang beses man ako gumising, kahit ilang araw man ang lumipas, kahit ilang pagsubok pa ang dumaan, ma-maintain pa rin yung peace sa aking kalooban.:) sana pwede yun noh?

Wednesday, May 02, 2007

i am a sophomore.... again?

is it ever too late to start a new life? i mean, do you think is it still possible for me to straighten up my college life? medyo i realized kasi na i wasted my freshmen year thinking about the what-could-have-been's in my life. i never actually paid much attention on the more important aspect of my life, the what-should-be's. i noticed that there were so many opportunities given to me to bond with other people, but for some reason, i didn't grab those opportunities. i took them for granted!! naiisip ko tuloy, is it too late? yung mga opportunities na yun, talaga bang di ko na sila pwedeng ma-grab o available pa rin sila? medyo nagstart na akong ayusin ang mga pagkakamali... i text my friends in college, text some of my blockmates, nagtrtry na rin akong magmake ng conversations with them (blockmates) kahit papaano, minsan sa ym minsan sa yg... pero cymepre dahil mahiyain ako, hindi pa in ganun ka tagal ang conversations... parang tipong, "musta grades?" o "ano bang magandang itake na ano" o kaya "wassup?" meron naman akong friends eh, kaya nga i'm tinetext or kinakausap ko din sila constantly. gusto ko maglast din friendships namin hindi lang one year or one sem kundi whole college life, blockmate ko man, ka-college ko man o hindi...:)haha! medyo na-iingit kasi ako sa iba kong HS friends pag nagkwekwento sila bout their blockmates or college barks. narerealize ko tuloy na i've missed so much, na napag-iiwanan na ako. ayaw ko ng ganun eh, at tsaka gusto ko rin namang magmove on with my life. promise!!! this year, magbabago na ako!
http://crazy-gurl10.livejournal.com/