set yourself free...

Friday, May 11, 2007

a different birthday



birthday ngayon ng dad ko... (may11) pero parang di ko masyadong na-feel siguro dahil wala cya. kanina nagluto ako ng spaghetti for lunch dahil diba tradition yun na kelangan kumain ng something long like pancit o spag for long life. dapat pancit eh, kaso dahil parang kanina lang namin na-realize na kelangan magluto, di kami nakapaghanda ng ingredients. anyways, di ko masyadong ramdam ngayon. di naman eto ang first time na wala dad ko sa bday nya eh pero noon kasi, pagbday nya, lumalabas kami. i mean, mall, kain sa pizza hut or any fancy resto, nuod sine basta nagcecelebrate outside the house. tapos pag nandito naman cya, party sa bahay. tapos ngayon parang wala lang. walang cake, walang masyadong preparations, walang labas. pero eto pa siguro ang nagpalala nito. in the past kasi, tumatawag o nagtetext yung dad ko on or days before his bday, pero ngayon, 1 month na namin cyang di nakaka-usap tapos ngayong bday nya, wala pa rin. parang alam nyo yung feeling na hindi mo maramdaman yung presence ng father mo sa mismong bday nya. parang pakiramdam ko tuloy nagcecelebrate kami pero kulang. pero kahit ganun, kelangan pa ring icelebrate ang kanyang bday. kahit walang cake, kahit wala cya, kelangan pa ring icelebrate ang day ng kanyang pagsilang dahil kung di dahil sa araw na ito, wala rin kami dito sa mundong ito. so to my dad, HAPPY BIRTHDAY!!!

1 comment:

Anonymous said...

anpu... nakakalungkot naman... pero i pary na sana yung dad mo ay nasa mabuting kalagayan ngayon... at least naalala mo yung birthday ng dad mo... isang bagay na rin iyon... hehehe :)