set yourself free...

Tuesday, May 15, 2007

a video to remember...

ano na naman ilalagay dito? ewan... haha!!!! kanina back-to-the-future kami ng family ko. may nakita kasi akong lumang vhs tape sa may cabinet tapos natripan kong panuorin. videos namin na kinunan noong 1999-2000, new year's eve nung 2000, bday ng dad ko nung 2000, field demonstration nung gradeschool and many more. haha! nakakatuwa kasi ang babata pa talaga namin dun. grabe sa bata! yung brother ko parang maamong tupa pa noon tapos yung sister ko naman chubby pa na walang braces tapos ako naman ang hilig magpacute sa camera. kapag may time itratransfer ko sa cd yung vhs tapos ipopost ko sa blog!!! haha! napanuod ko rin yung field demo ko nung grade4... namiss ko tuloy mga gradeschool friends ko lalo na yung mga nasa videos na kasama kong sumasayaw (kash, rina, janina) mukha pa akong batang-bata na sumasayaw tapos eto namang sina janina at rina mukha ng dalaga kahit grade4 pa lang... si kash naman mukha pang nerd noon, kapal ng glasses tapos naka-headband na pink... haha! tapos dun ko lang din nakita na close pla kami talaga ni tintin grade4 pa lang pala... hay... namimiss ko na talaga sila, lalo na sila janina at rina, sila kasi yung mga naging best friends ko nung gradeschool eh... si kash naman kasama ko na sa up at ka-course ko pa kaya sawa na ako. joke lang!:) miss you guys!:) tapos yung sa brother ko naman, ang bait pa nya noon. ginagawa lahat ng iuutos sa kanya kahit sumayaw ng nakakatawang steps o kumanta ng out of tune. tapos di kami nag-aaway sa video habang sila ni cha, noon pa man nag-aaway na sila... haha! pero ngayon warfreak na ang bro ko, nakakapagsalita na nga minsan ng bad words eh at mahilig na sa rock songs.... haha! time goes by so fast talaga...

1 comment:

Anonymous said...

hehehe.. ganyan talaga anpu kapag naaalala mo yung mga past memories mo about yung grade school life mo... hehehe :) masaya nga sila... at least napapanood mo yung mga ganyang bagay ulit... hehehe :)