set yourself free...

Sunday, May 20, 2007

coming soon

malapit nang bumalik sa dati ang mga bagay-bagay. malapit ng matapos ang napakagandang panaginip na kinalulugaran ko ngayon. malapit na uli akong magising at harapin ang mga tunay na nangyayari. malapit ng dumating ang tunay na mundo: ang mundong puno ng pagsubok at pagbabago. marami man akong iiwang alaala ng kasiyahan at kalungkutan, kailangan paring harapin ang mga pagbabagong aking mararanasan. kailangang tanggapin na may mga bagay na panandalian lamang. gustuhin ko mang manatiling habang buhay na ganito, pero alam kong marami pa ring bagay ang mababago. malapit na... malapit na...

3 comments:

Anonymous said...

siguro ito yung mga pagdating ng pasukan na kung saan pinangako mo sa sarili mo na magbabagong buhay ka na... alam ko na may kaba pa rin ang iyong kalooban pero alam ko na kaya mo ang lahat... binigyan ka ng panahon para makapghanda ang iyong sarili sa nalalapit na pagbabalik... alam ko rin naman na handa ka na.. kung hindi man... may ilang linggo ka pa para makapag-isip ng mga bagay-bagay at sana kung ano mang masama ang nangyari noong nakaraang taon, sana yung mga natutunan mo dun ay nadala mo at sa tignin ko naman alam mo na ang gagawin mo... naniniwala ako sa iyong kakayahan... dito mo kasi matatanto na mahirap talaga ang tunay na mundo at dahil sa una ay medyo nahirapan ka at nadapa... sana ngayong taon ay maging makulay at makabuluhan sa iyo... lalong-lalo na yung mga karanasan mo sa buhay... makakatagpo ka rin ng mga tunay mong kaibigan at alam kong aalagaan mo sila gaya ng pag-alaga mo sa aming lahat... kayang-kaya mo yan!! malaking tiwala ko sa iyo!!

*fran_ces* said...

yeah kaya ko 'to... it's time for me to grow up! hay... personally, i think handa na ako. excited na nga ako actually eh. you're right, i'll use my experiences from the past year/s para ma-avoid ko na ang mga mistakes that i made before at para maretain ko rin yung mga characteristics ko na nakabuti sa akin sa mga times na yun. we learn from our mistakes ika nga. salamat sa lahat!:)

Anonymous said...

hehehe welcome :) time for you to grow up nga... :) kaya mo yan.. good luck and God bless sa iyong paglalakbay