set yourself free...

Friday, May 18, 2007

may 14...

blah blah blah... sa aking pagpunta sa blog ng isa kong kaibigan, na-isip ko tuloy ang eleksyong nagaganap sa ating bansa. puro na lang pandaraya ang nagaganap lalo na sa maguindanao... posible ba namang maging 12-0 pabor sa team unity ang boto ng tao? kahit isang oposisyon wala man lang nanalo. napaka-obvious naman ng pandarayang ginagawa nila. sana sa susunod ay unahin na nila ang mga lugar sa mindanao na bilangin bago dito sa luzon dahil sila ang lubos na nadadaya. nakakains talaga! nung presidential election, sa mindanao din nakakuha si fpj ng zero votes laban kay gma (lanao del sur at samar), tapos ngayon ganun uli ang nangyayari. obvious naman sa ibang lugar dito sa Pilipinas na ayaw na ng tao sa administrasyong ito pero bakit tila ata walang tv o radyo sa mindanao para makita nila ang katotohanang ito kung totoo ngang 12-0 ang boto ng tao dito. siguro nga ay nadaya lang ang mga botante sa mga bayang naka12-0 ang team unity, nakakaawa naman sila. napaka-gulo talaga ng eleksyong ito. ang isa ko pang kinaiinisan ay yung mga namamatay o nasasaktan dahil lang sa eleksyon. yung gurong nadamay sa sunog, yung mga gurong inambush para maagaw ang mga balota, yung mga namatay na mayors, konsehal... tapos ang nakakainis pa ay yung mga milyong-milyong nagagastos ng mga politiko na yan sa kampanya na sigurado namang babawiin din nila pag sila ay nahalal na. at majority ng highest spenders ay galing pa sa team unity. saan kaya nila nakukuha ang pera nilang yun? si pichay na highest spender ay nangungulelat naman sa boto (so far...) hay naku... ang baba na ng exchange rate (kahapon 46.9) dahil napakarami ng perang lumalabas... pero after ng election, tataas na namang ang rate dahil madami na namang perang mawawala sa kaban ng gobyerno (saan kaya napupunta ang mga perang ito?) grabe! sana po magbago na ang gobyernong ito... sana umalis na sa pwesto si gma... sana po 2010 na at sana wag ng matuloy ang parliament govt na isinusulong nya... grabe! obvious ba kung kanino ako kampi?

3 comments:

Anonymous said...

um... blog ko ba yan anpu? hehehe :) oo nga eh... nagulat nga ako dun sa maguindanao... masyadong dinaya talaga... bakit walang ebidensya na nagpapatunay dito na 12-0 nga ang team unity dun? ang daya talaga... tapos may patayan pa... lalo na sa lalawigan ng abra... para naman ang eleksyon ay isang malaking bagay sa kanila... parang ang eleksyon ay siyang buhay nila... weird nga eh... dadamayin pa yung mga inosenteng guro at pati na rin yung mga kalaban nila, kailangan pa nilang patayin... bakit hindi nahuhuli yung mga serial killers na yan? parang business na nila yung pagpatay ng mga politiko... highest spenders nga ay galing sa team unity pero hindi naman sila masyadong nananalo sa results... kasi alam na ng tao kung sino yung dapat nila bobotohin... kasi siguro akala ng team unity mananalo sila... ganyan talaga yung stock market natin... urong-sulong talaga... ewan ko ba kung bakit ganyan yung sistema dito sa bansa natin... sana nga mabago na yung gobyerno natin... gaya nga ng sinabi ni atty. oliver lozano sa programang "isang tanong": ang kailangan ay hindi charter change kundi character change... :) halata din kung sino kakampi ko...

Anonymous said...

haha! nanuod ka pala ng isang tanong sa gma... pero nakakatuwa eto... kasi diba si lozano crinicriticize nya si pepito cayetano na nuisance candidate daw cya pero pagdating sa bilangan ng boto, mas madami pang votes for pepeito cayetano kaysa kay lozano... wala lang... dun nga sa isang tanong parang pare-pareho lang mga sagot nila eh... ang nagenjoy lang akong pakinggan ay yung kay chiz...

Anonymous said...

yup.. yun yung maganda kasi.. ang galing niya talagang sumagot... :) hehehe.. nakakatuwa lang talaga... oo nga... nakakatawa lang talaga si lozano... hehehe... malay ba natin.. ano na kaya yung mangyayari?