set yourself free...

Tuesday, July 31, 2007

On the difficulties of schoolworks

heto na naman... kakatapos lang din ng exam ko sa learning 140. medyo mahirap cya kasi kelangan mo talagang i-analyze bawat tanong. medyo trick kasi at may pagkavague yung questions eh, kaya kung di masyadong pinag-aralan yung details nung lesson, baka di masagutan yung exam. pero okei naman... yung learning proj ko due on friday na and may exam pa me sa anthro. kung titignan mo, parang ang dami kong dapat gawin, noh? pero di naman ako ganun kapressured... i know i can do it and i will definitely do it. siguro isa sa mga bagay na tumutulong sa aking makasurvive sa ganito ka hirap na buhay ay yung believe ko sa sarili ko na kaya kong malampasan ang mga pagsubok na ito. may mga times na nahihirapan talaga ako (kahapon nga lang dumadaing ako ng sobrang sakit ng ulo at kinailangan kong uminom ng 2 gamot para lang makapag-aral pa ako for my exam!!!) pero kinakaya naman. katulad ng learning proj ko, wala pa talaga akong hard copy outcome dun pero during breaks (or minsan during class time mismo) nag-iisip na ako ng mga ideas kung anung ilalagay at kung anong magiging concept nung proj kong iyon. tapos pag nasa com na ako, itytype ko na lang lahat ng ideas ko tapos edit-edit. yung ibang tao kasi, sa harap na ng com dun pa lang sila nag-iisip. dun naman sa mga exams, sila talaga yung major problems ko.... recently, napapansin ko sarili ko na medyo unfocused (meron bang ganung word?) parang kahit nagbabasa ako, walang pumapasok sa utak ko. parang maraming unnecessary things ang nagooccupy ng mind ko. di ko alam... sana maget over ko na yung mga "hadlang" sa aking utak. hay... ano ba to?!

Friday, July 27, 2007

mga bagay na kinaiinisan ko ngayon (ulan, driver, baha, jeep, private cars, rubber shoes)

hay naku... sa mga ganitong araw ko drinedread ang ulan. kanina habang ako'y nagcocommute pauwi, napansin ko na na medyo madilim ang langit. di pa naman umuulan nun sa quezon city. sumakay na ako ng cainta na jeep. nung kami ay nasa cainta na, biglang bumuhos ang malakas na ulan. habang umuulan, nasiraan ang jeep na sinasakyan namin, kaya pinalipat kami ng ibang jeep. okei pa rin naman. di naman ako masyadong nabasa nun. kaso paglagpas ng junction, pinalipat na naman ako ng jeep kasi nakita nung driver na traffic na. dito na nagsimula ang sunod-sunod na kamalasan. edi nung lilipat na ako, yung daan baha, mga 1 foot na baha (so bale, almost below the knee) malakas pa ang ulan pero walang choice na sumuong sa baha at ulan kung hindi, hindi na ako makakauwi. tapos yun, nakalipat na ako ng jeep. baba na sa subd, tapos may tricycle na, kaso back ride na lang yung natira. so wala na naman choice dahil gusto ko na talaga umuwi, nagbackride ako. so yun... baha sa ilang bahagi ng subd namin. tapos yung mga private cars, cyempre sila yung mas "hari" ng daan, nagssplash sila sa baha. baha na nga, ang bilis pa ng takbo!!! walang pakialam kung nababasa na nila yung mga taong nakasakay sa backride ng tricycle na gaya ko!!! so... nakauwi din sa bahay. basang-basa ang rubber shoes, medyas at pantalon ko... hay naku... sana wag nang umulan ng hapon!!! sana gabi na lang lagi ang ulan!!! magkakasakit na ako kung ganito ng ganito...

PS tandaan: wag magsuot ng rubbershoes kapag umuulan!!!

Monday, July 23, 2007

mga bagay-bagay (SONA, uselessness, hibernation, UPCAT)

hay... wala kaming pasok today. feeling ko, kami lang ata yung school na walang pasok ngayon SONA day eh. sa forever SONA na lang... wala din naman akong magawa. triny ko ult magresearch for our reporting sa art stud, pero wala talaga. kakatapos lang ng exams ko sa stat at natsci (physics part) kaya medyo light load ako ngayon. exam ko sa learning 140 next week pero medyo alam ko naman na lessons namin dun... hay... bum na lang talaga ako sa bahay!!!

ayaw ko nga ng walang ginagawa... gaya nga ng sabi ko sa aking friend na kachat ko ngayon " I feel useless kasi halos lahat ng tao busy... ako naman eto nagmumultiply lang" halos lahat nga ng tao busy eh!!! pansin ko lang... mapa-UP o DLSU o UST o ADMU, busy ngayon... pero bakit ako? why am i the missing link?

actually, last week naman yung busy week ko. kaya magrerecover muna ako dis week. next week naman kasi busy week ko uli (2papers and 3 exams and out ng exam results) kaya parang rest week ko ngayong week.:) magiipon muna ako ng energy and inspiration and knowledge para next week, ready na ako!!! haha...

next week... i'll hibernate na naman from the real world!!! di ko alam kung makakausap pa ako ng mga tao... cguro naman makakausap pa ako, pero medyo malabo na nga lang akong kausap sa dami ng bagay sa aking utak. sa dami ng papers and exams. lapit na kasi midterm namin eh... aug8 kaya dumarami na rin yung exams and requirements. pero kaya to!!!:)

nga pala, maguUPCAT na sister ko!!!! Aug 5 (sunday) 12:30pm... Palma Hall... di ko maimagine kung saan sa Palma Hall cla mageexam. ang liliit ng rooms dun tapos majority pa ng rooms walang aircon. wawang kapatid!!! buti pa ako noon sa Econ audi, malamig at bagong-bago. eh ang AS o PH, mainit at lumang-luma na!!!

Sunday, July 22, 2007

our first home-made indie film...

indie film...:) gawa namin. sister ko nagvideo, kami ng mom ko yung "actresses" my mom was singing an ilocano song. basta may special participation ako sa vid na yan:) panuorin nyo na lang:) comment din please...

Friday, July 20, 2007

problemang puso ng isang kaibigan

may kwento ako: may friend ako. kwento nya sakin. kasi si *friend1(my friend) , meron daw gusto sa friend nya (*friend2). eh close daw sila ni friend2. kaso dahil nga close sila, ang tingin lang sa kanya ni friend2 ay close friends. dahil close friends sila, kwinekwentuhan ni friend2 si friend1 tungkol sa crushes nya. si friend1 naman cyempre hurt daw cya deep inside pero force pa rin cyang magact na okei lang sa kanya kasi nga ayaw nyang mahalata ni friend2 na nagseselos cya. kaso nga, habang tumatagal, lalong nafafall si friend1 kay 2. at habang tumatagal din, lalong mas nagiging masakit for friend1 kapag kwinekwentuhan ni friend2 cya ng crushes. so ano daw dapat nyang gawin??? sa totoo lang... di ko rin alam kung ano bang dapat nyang gawin.... haha! kaya ko nga pinost to eh.. baka sakaling may nakakaalam ng sagot.

*not their real names

movistar costume? paano yun?

waah!!! bukas na!!! pero wala pa rin akong movie star costume!!! yung friend ko cya na daw si tinkerbell... pero ako wala pa rin... binabalak kong magcostume ng doctor sa Gray's anatomy o ER o House... sa din idea yung maging GI Jane... o kaya ay Naruto, Sasuke, Sakura o Ino... o kaya naman ay Minnie Mouse... o kaya si Wednesday o Morticia sa Adam's Family... sabi nga ng mom ko dapat yung costume ko na lang sa Breakfast at Tiffany's ang gamitin ko eh, kaso di naman ako masaya sa costume ko nun... hay... bukas kelangan na akong magdecide kasi bukas na yun!!! waaah... bahala na...

stranded

nakakapagod ang araw na ito (kelan ba hindi?) kanina dapat magpipicture kami ng friend/groupmate ko sa artstud ng mga sculptures sa up (specifically sa univ ave, main lib at vargas museum). so yun... napicturan namin yung sa vargas and lib pero inabot kami ng malakas (as in napakalakas) na ulan nung nasa vargas museum kami!!! wow!!! kala namin bagyo na yun... nastranded kami dun. kaming 2 lang ata ang students dun tapos yung iba ay mga manong o manang na nagbabantay dun... so yun... mga isang oras cguro kami dun. di naman ganun katagal... tapos sinugod ko na lang yung ulan (with my payong of course)... at ngayon, i'm safely home.:)

Tuesday, July 17, 2007

what are friends for ba talaga?

nilalabas ko muna lahat ng nasa isip ko para mamaya makakapag-aral na ako ng husto.

napaisip na naman ako tungkol dun sa huling text ng bestie ko sa akin. may part dun na parang tinanung nya kung "what are friends for ba talaga?" gusto ko sana cyang replyan kaso paubos na ang load ko kagabi.

mahirap talaga sabihin kung para saan ba ang mga kaibigan. actually... wala namang use ang kaibigan eh. pamparami lang sila ng tao sa buhay mo. pamparami ng numbers sa phonebook. pamparami ng matatanggap na regalo sa pasko. pamparami ng pangalan na kailangan mong kabisaduhin. pandagdag stress pagnag-away kayo. pandagdag gastos pag reregaluhan mo... and the list goes on.

pero imagine yourself without your friends? ang lungkot cguro nun noh?

ang sagot ko sa katanungang "what are friends for ba talaga?"... as a friend, I make sure na laging masaya yung friend ko. I see to it din na kapag kelangan nya ng help ko, ay nandyan lang ako para sa kanya lagi. Kahit may ginagawa ako like nag-aaral for a quiz tomorrow, kung may problema yung friend ko, eh I'll find time to comfort her and at the same time, not neglecting my studies. Makikinig din ako sa mga kwento at problema nya kahit sobrang haba at sasabihan ko rin cya ng mga problema ko. Hindi ko cya huhusgahan kahit nakikita ko ang mga imperfections nya. And most improtantly, I will love her/him as a friend. so kayo na lang bahala maganalyze kung ano ba sa mga sinabi ko ang tunay na sagot ko sa tanong na yun...:)

thoughts 1

wat a day? actually... ordinary day lang ito for me. umm... nagquiz na kami kanina sa 140. kala ko mahirap. nagpapanic pa naman ako kahapon kasi di ako nag-aral nung weekend, kaya aral to the max (habang katxt ang aking namomoblemang kaibigang itago na lang natin sa pangalang anpu) nagpuyat pa nga ako eh. tapos sinisingit ko yung pag-aaral para sa LE ko sa stat sa thurs. tapos kanina nagquiz na nga kami. nagsisi ako at nag-aral pa ako!!!!:( 10-pt quiz lang cya tapos yun yung tipo pa ng mga tanong na kahit di ka na mag-aral, basta nakinig ka lang sa lecture nya eh mataas na makukuha mo!!!

pero may isang bagay na nagbobother sa akin. hindi kasi ako kinakabahan sa LE namin sa stat sa thursday. eh halos lahat ng classmates ko, kinakabahan. ako naman, wala lang. kinakabahan tuloy ako kasi di ako kinakabahan!!! (gulo noh?) kasi baka tama nga sila at mahirap nga... mag-aaral pa rin naman talaga ako eh. cyempre kahit papaano LONG at EXAM pa rin naman yun at tsaka MATH din yun kaya kailangan talga gamitan ng utak. mag-aaral ako pero yun nga lang, di ako pressured unlike my other classmates.

anyways... on more personal stuff. napaisip tuloy ako dun sa sinabi ng aking bestie (okei lang ba?) kasi cya may friend din cyang trintry nyang maging close pero parang yaw naman magopen up sa kanya. ganun din kasi yung nafeefeel ko towards one of my friend eh. we've been classnates for a year and a sem now. kung tutuusin nga isa na cya sa mga oldest friend na nakilala ko. classmates din kami ngayon in 2 subjs. pero kahit ganun na kami kadalas "pinagtatagpo ng tadhana", wala pa ring trust. weird nga eh. hanggang kwentuhan at tanungan tungkol sa subjs lang kami. meron naman akong friend na dis sem ko lang nakilala pero mas madamo pa akong naishashare na bagay sa kanya kaysa dun sa friend na tinutukoy ko kanina. weird noh? hindi kaya may mga specific na tao lang yung talagang mapagbibigyan mo ng trust at magiging comfortable ka with? i mean, hindi porke ang tagal nyo ng friends eh it would follow na magiging mas comfortable and trusting na kayo sa isa't isa? ang mahirap pa kasi minsan, sila/siya naman yung taong gusto mo maging kaclose pero kahit anong gawin mo, wala pa rin. na parang hanggang ganun na lang talaga ang friendship nyo... hay... napaisip tuloy ako.

Saturday, July 14, 2007

things again

hay... heto na naman ako... nagsusulat ng kung anu-ano. lately napansin ko parang gusto ko na laging nagsusulat. hindi ng tula, sulat o nobela. wala lang. free writing. parang dun ko kasi nailalabas yung mga nararamdaman ko eh. madami kasing mga bagay ang nasa utak ko. nanadodoon yung, ano ba talagang itinadhanang mangyari ni God for me? talaga bang gusto nya akong magdoctor, magmasteral ng psych o magshift ng ibang course? nalaman ko sa pinsan ko nung ilang linggo ng nakakalipas na 1.75 na lang daw yung reqt para magshift sa BAA (Businness Ad and Accountancy). napaisip tuloy ako. pagnaggrad kasi ako ng BAA at mapasa yung CPA test, maganda kaagad job ko in the future. pero 3rd yr na ako next year, madedelay ako ng 2 yrs pag nagshift pa ako... so erase na yung option na yun. problem now? magmemed ba ako? my parents, they want me to go to med school pero di naman nila ako prinepressure. pero naprepressure ako... prinepressure ko sarili ko. nalilito na ako!!! basta pagnagbio na kami next year, dun ko makikita kung med's for me. next year then I need to prepare na for NMAT!!! to pass for UP, kelangan 95th percentile o 98th!!! waah!! gusto ko UP pa rin if ever! next options: UST or ADMU... gusto ko ADMU kasi partner hospital nila ang Medical City eh: my dream workplace. waaah!!! hirap!!! pressure to kasi kung anuman ang magiging decision ko, yun na ang future ko... dami tanong sa aking utak... kaya ko ba med school? mamememorize ko ba mga dapat imemorize? will I be a good doctor in case? saang skul ako papasok? kaya ko bang tanggapin if something goes wrong with a patient? waaah!!! basta, pagnagbio na ako... pag natapos ko ang bio series ko (11, 12, 102) at maganda ang grades at nasiyahan ako sa experience, i'll go for it. pero kung di naman... ewan...

Friday, July 13, 2007

whats with me??!!

super pagod talaga ako ngayong araw na ito. ewan ko kung bakit. maganda naman ang mga nangyari sa araw na ito. ewan. parang drain ako. walang gana o anything. ewan talaga. kanina pa to sa 140 eh. 2 friends ko na ang nagtanong kung ano bang meron sakin ngayon pero di ko naman alam kung anung isasagot kasi miske ako di ko alam anong nangyayari sa akin. parang i have all the reasons to smile but I can't or my body doesn't want to. gusto lang nya na mag-isip ng kung anu-anong nakakabaliw na thoughts. shinishift ko nga ang isip ko sa happy thoughts pero bakit parang yung "unconscious" ko ayaw... ewan... whats with me today?

Thursday, July 12, 2007

a simple msg for a simpl friend

message ko lang ito para sa isang friend na mahalaga sa akin...:)

"When you walk awayI count the steps that you take
Do you see how much I need you right now?

When you're gone
The pieces of my heart are missing you
When you're gone
The face I came to know is missing too
When you're gone
The words I need to hear will always get me through the day
And make it ok
I miss you"

*cough cough sniff sniff*

*cough cough sniff sniff* di na talaga maganda ang pakiramdam ko. kanina pa itong ubo ko sa school eh. nahihiya na nga ako sa mga classmates at prof ko kasi kanina pa ako ubo ng ubo. ang sakit na rin ng lalamunan ko kasi nagagasgas na cya. sana lang wag na cyang lumala pa... ayaw kong magabsent o worse, magkalagnat!!! waah... *cough cough sniff sniff* nakakahiya na dito sa net cafe, nauubuan ko yung keyboard nila... ayaw ko na!!! *cough cough sniff sniff*

physics at duckpin...

bukas exam sa physics (nat sci1)... kaso nasa net cafe ako dahil sa isang nakakabaliw na rason (di ako makapasok sa sarili kong bahay, wala akong susi at umalis ang parents ko. di ko dala phone ko.)... sana lang pumasa ako. nag-aral naman na ako nung wednesday eh kaya i hope makakatulong na yun. relax-relax muna tapos mamaya na ako maglalamay!:) anyways... nagkaroon na kami ng trial game nung tuesday sa duckpin bowling. hehe...:) ang saya sobra!!!:) di ko nga akalain na makakatama ako ng mga pins eh at isa pa ako sa mga high scorers sa group namin.:) kala ko mauulit yung nangyari nung nagbowling kami ng friends ko dati sa mega. super, lagi na lang gutter yung ball ko. sana magbowling uli kami para matry ko kung kaya ko na ba ang tenpin:) hehe...

Sunday, July 08, 2007

talo UP!!! haha!!:) as if naman may pag-asa in the 1st place...

hello!!!:) haha! kakatapos lang ng opening game ng uaap yesterday... well... as expected, dlsu won. haha!:) medyo nakakalungkot kasi super lampaso ang up pero okei na rin. masaya namn day ko yesterday eh...:) buti na lang nasa dlsu side ako kay mas less humiliating. kunwari lasalista din ako at nakikihati sa glory nila!! haha! nagkita kami ng bestfriend ko!!!:) dlsu cya eh... medyo awkward nga lang sitwasyo ko kahapon kasi nagcheecheer cya for lasalle (of course) tapos ako naman nakaupo lang and nagtetext...(sorry na anpu!) actually, gusto ko talagang magcheer for dlsu kasi nga im in the dlsu side at di hamak naman na mas deserve nilang manalo. ilang beses kong triny magcheer pero parang may invisible force na pumipigil sa akin. cguro nga i'm so attached na sa up na pati konsensya ko ay di na ako pinatahimik kung icheecheer ko yung kalaban. so yun, nagmukha ako KJ sa side ng dlsu... haha!:) i hate you insible force!!! dapat na lang kasi wala ng conscience-conscience eh para nagcheer din ako for dlsu, pero hindi... haha!:) anyways... masaya naman yung game at maganda naman yung result!:) masaya din araw ko kasi super bonding moment with my dear bestfriend!:) haha...

Thursday, July 05, 2007

questions and answers

isang msg lang from friendster feeling ko kasi nakakaaliw cyng sagutin eh:
Rule #1: You can only say Yes or No
Rule #2: You are NOT ALLOWED toexplain ANYTHING unless someonemessages you and asks
Q: Kissedsomeone on your Friendster® list? A:no
Q: Had feelings for someone whodidn't have them back? A: YES
Q: Beenarrested? A: NO
Q: Kissed someone youdidn't like? A: YES
Q: Slept in until5 PM? A: YES
Q: Held a snake? A: NO
Q: Been suspended from school? A: NO
Q: Sang karaoke? A: YES
Q: Donesomething you told yourself youwouldn't? A: YES
Q: Laughed until youstarted crying? A: YES
Q: Kissed inthe rain? A: NO
Q: Sang in theshower? A: YES
Q: Sat on a roof top?A: YES
Q: Been pushed into a poolwith all your clothes on? A: NO
Q:Broken a bone? A: NO
Q: Shaved yourhead? A: NO
Q: Played a prank onsomeone? A: YES
Q: Felt like killingsomeone? A: YES
Q: Cried over someoneyou loved? A: YES
Q: Shot a gun? A:NO
Q: Donated Blood? A: NO
Q: Still love someone you shouldn't? A: YES .

L A S T S .
1. What did your lasttext message say? >> lam mo ba... di ako inadd nung friend mong si_____. buti pa si _____ inadd ako. nga pala, nakakuha ka na ba ng app form?
2. Personyou hung out with? >> kash
3. Rodein a car with? >> family
4. Went tothe movies with? >> Family
5. Went tothe mall with? >> family
6. You talkedon the phone with? >> barbara
7. Madeyou laugh? >> friends
8. Last personyou told and/or they told you theyloved you? >> ummm....meron ba?

I N . T H E . L A S T .48 H O U R S . H A V E . Y O U.
1.Kissed some one? >> NO
2. Beenhugged? >> NO
3. Felt stupid? >>YES
4. Missed someone? >> Yes
5.Danced Crazy? >>NO
6. Gotten yourhair cut? >> No
7. Cried? >> YES .

W O U L D . Y OU . R A T H E R.
1. pierce your noseor tongue? >> nose
Be serious or befunny? >> Funny
3. Drink whole orskim milk? >> whole
4. Die in a fire or get shot? >> Get shot
5. Spendtime with your parents or enemies? >>Parents

A N S W E R . T R U T H F UL L Y.
1. Do you love anyone? >> yup
2. Sun or moon? >> sun
3. Winteror Autumn? >>winter
4. left orright? >> right
5. 10 acquaintances ortwo best friends? >> 2 Bestfriends
6.Sunny or rainy? >> rainy

A B O U T .Y O U
1. Age: 17
2. First name? >>frances
3. Where do you live? >>cainta
4. How many kids do youWANT? >> 3
5. Do you want to getmarried? >> umm... yeah?
6. Do you twirlyour spaghetti or cut it? >> Twirl
7.Have you ever eaten spam? >> Yeah
8.How many kinds of cereal are in yourcabinet? >> 1
10. Do you cook? >>yup
11. Current mood? >>unknown...

Wednesday, July 04, 2007

heartbreak hotel...

i'm doing my brother's hw... nakakatamad na... oh well... lagi naman akong tinatamad eh. napag-isip-isip ko lang: bakit ba may mga bagay sa mundo na nangyayari kahit di naman pwede? gaya ng love... bakit ba nafafall ang isang tao for the wrong person? bakit di ba kasi pwedeng dun ka lang sa right person for you mafall in love? bakit may mga pampagulo pa? dahil nga posibleng mafall ka pa rin sa isang tao na di naman talaga para sayo, nasasaktan ka tuloy ng husto. heartbreak lang abot mo. kasi ur hoping na yung tao na yun yung right person pero yun naman pala, wala lang cya. hanggang friends o hanggang tingin ka na lang pala sa kanya. wala ding kwenta... wala lang din yung effort mo. you wasted your time and emotions on the wrong person. tapos nasayang na nga ang panahon mo, nasaktan ka pa. ano ba naman yun? minsan pinagdadasal mo na lang na sana mawala na yung feelings mo sa taong iyon kasi sure ka naman ng wala ding patutunguhan yun kasi may gusto na cyang iba. ayaw mo namang ipaalam sa kanya kasi natatakot ka na baka mag-iba yung pagtingin nya sayo. gusto mo ng kalimutan yung nararamdaman mo pero parang may humahadlang. hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa kasing hadlangan eh hindi naman yun yung tama. dapat nga nabubura kaagad ang maling feelings eh kasi in the first place, di naman na dapat nangyari yun. it's a mistake! but no, kung alin yung mali, kung alin yung hindi dapat, yun pa yung nagsstay. yun pa yung nagflouflourish. kainis talaga ang love noh?!

Tuesday, July 03, 2007

nakakapagod ang araw na ito

hay... nasa school pa ako ngayon. may class pa ako mamayang 2pm, pe. 1:30 pa lang...nakapaglunch na ako kanina kaya eto, internet muna... ang sakit-sakit talaga ng ulo ko ngayon tapos parang wala pa akong sa mood ngayon. ang weird nga eh... pag-alis ko ng bahay kanina okei pa naman ako. tapos nagstart sumakit ang ulo ko nung nasa jeep!!! tapos nung natsci1, muntik na akong makatulog kaso di pwede kasi namamahiya yung prof namin dun. ang lamig-lamig pati sa natsci kanina, nakafull ata yung aircon!!!! tapos la prof ko sa 140... tapos sa anthro, muntik na naman akong makatulog!!! tapos ngayon... parang gusto ko ng icut yung pe at umuwi kasi gusto ko na talaga matulog... pinagkukunan ko na nga lang ng lakas yung uaap game sa sat, pero mukhang kulang pa ang powers nito at inaantok pa rin ako!!! hay naku... sana makayanan ko pang umattend ng pe at sana di ako makatulog sa jeep mamaya!!!:(

Monday, July 02, 2007

i'm happy today... bow...

ang saya-saya ko today!!! bakit kaya? well... wala kaming art stud class knina (1-2:30) pero di pa agad kami umalis... nakipagkwentuhan at get to know pa kami nung ibang mga classmates dun... may nameet pa nga akong classmate ko na paulinian din eh, si burn... so yun, kahit maaga na dapat dismisal ko, 2:30 pa rin kami umalis... haha!:) wala lang...anyways... basta masaya ako ngayong araw na ito. nung umaga na lang eh sa 110 ko kanina. kahit nagsosolve na ng mga mean, median, mode na yan at naggragraph ng mga frequency polygons, di pa rin maalis ang ngiti sa aking mukha... cguro masyado ko lang niloolook forward yung isang event na mangyayari sa saturday!!:)