set yourself free...

Saturday, July 14, 2007

things again

hay... heto na naman ako... nagsusulat ng kung anu-ano. lately napansin ko parang gusto ko na laging nagsusulat. hindi ng tula, sulat o nobela. wala lang. free writing. parang dun ko kasi nailalabas yung mga nararamdaman ko eh. madami kasing mga bagay ang nasa utak ko. nanadodoon yung, ano ba talagang itinadhanang mangyari ni God for me? talaga bang gusto nya akong magdoctor, magmasteral ng psych o magshift ng ibang course? nalaman ko sa pinsan ko nung ilang linggo ng nakakalipas na 1.75 na lang daw yung reqt para magshift sa BAA (Businness Ad and Accountancy). napaisip tuloy ako. pagnaggrad kasi ako ng BAA at mapasa yung CPA test, maganda kaagad job ko in the future. pero 3rd yr na ako next year, madedelay ako ng 2 yrs pag nagshift pa ako... so erase na yung option na yun. problem now? magmemed ba ako? my parents, they want me to go to med school pero di naman nila ako prinepressure. pero naprepressure ako... prinepressure ko sarili ko. nalilito na ako!!! basta pagnagbio na kami next year, dun ko makikita kung med's for me. next year then I need to prepare na for NMAT!!! to pass for UP, kelangan 95th percentile o 98th!!! waah!! gusto ko UP pa rin if ever! next options: UST or ADMU... gusto ko ADMU kasi partner hospital nila ang Medical City eh: my dream workplace. waaah!!! hirap!!! pressure to kasi kung anuman ang magiging decision ko, yun na ang future ko... dami tanong sa aking utak... kaya ko ba med school? mamememorize ko ba mga dapat imemorize? will I be a good doctor in case? saang skul ako papasok? kaya ko bang tanggapin if something goes wrong with a patient? waaah!!! basta, pagnagbio na ako... pag natapos ko ang bio series ko (11, 12, 102) at maganda ang grades at nasiyahan ako sa experience, i'll go for it. pero kung di naman... ewan...

2 comments:

Anonymous said...

hehehe :) kaya mo yan... depende iyon sa iyo anpu... pag-isipan mo ng maigi... :)

Anonymous said...

yeah... dapat pinagiisipan talaga ang mga bagay na ganyan!:)