mga bagay na kinaiinisan ko ngayon (ulan, driver, baha, jeep, private cars, rubber shoes)
hay naku... sa mga ganitong araw ko drinedread ang ulan. kanina habang ako'y nagcocommute pauwi, napansin ko na na medyo madilim ang langit. di pa naman umuulan nun sa quezon city. sumakay na ako ng cainta na jeep. nung kami ay nasa cainta na, biglang bumuhos ang malakas na ulan. habang umuulan, nasiraan ang jeep na sinasakyan namin, kaya pinalipat kami ng ibang jeep. okei pa rin naman. di naman ako masyadong nabasa nun. kaso paglagpas ng junction, pinalipat na naman ako ng jeep kasi nakita nung driver na traffic na. dito na nagsimula ang sunod-sunod na kamalasan. edi nung lilipat na ako, yung daan baha, mga 1 foot na baha (so bale, almost below the knee) malakas pa ang ulan pero walang choice na sumuong sa baha at ulan kung hindi, hindi na ako makakauwi. tapos yun, nakalipat na ako ng jeep. baba na sa subd, tapos may tricycle na, kaso back ride na lang yung natira. so wala na naman choice dahil gusto ko na talaga umuwi, nagbackride ako. so yun... baha sa ilang bahagi ng subd namin. tapos yung mga private cars, cyempre sila yung mas "hari" ng daan, nagssplash sila sa baha. baha na nga, ang bilis pa ng takbo!!! walang pakialam kung nababasa na nila yung mga taong nakasakay sa backride ng tricycle na gaya ko!!! so... nakauwi din sa bahay. basang-basa ang rubber shoes, medyas at pantalon ko... hay naku... sana wag nang umulan ng hapon!!! sana gabi na lang lagi ang ulan!!! magkakasakit na ako kung ganito ng ganito...
PS tandaan: wag magsuot ng rubbershoes kapag umuulan!!!

1 comment:
anpu... grabe naman yan kamalasan mo... nakakainis lang talaga yung mga ganyan.. mag-ingat ka ah... baka magkasakit ka... :)
Post a Comment