what are friends for ba talaga?
nilalabas ko muna lahat ng nasa isip ko para mamaya makakapag-aral na ako ng husto.
napaisip na naman ako tungkol dun sa huling text ng bestie ko sa akin. may part dun na parang tinanung nya kung "what are friends for ba talaga?" gusto ko sana cyang replyan kaso paubos na ang load ko kagabi.
mahirap talaga sabihin kung para saan ba ang mga kaibigan. actually... wala namang use ang kaibigan eh. pamparami lang sila ng tao sa buhay mo. pamparami ng numbers sa phonebook. pamparami ng matatanggap na regalo sa pasko. pamparami ng pangalan na kailangan mong kabisaduhin. pandagdag stress pagnag-away kayo. pandagdag gastos pag reregaluhan mo... and the list goes on.
pero imagine yourself without your friends? ang lungkot cguro nun noh?
ang sagot ko sa katanungang "what are friends for ba talaga?"... as a friend, I make sure na laging masaya yung friend ko. I see to it din na kapag kelangan nya ng help ko, ay nandyan lang ako para sa kanya lagi. Kahit may ginagawa ako like nag-aaral for a quiz tomorrow, kung may problema yung friend ko, eh I'll find time to comfort her and at the same time, not neglecting my studies. Makikinig din ako sa mga kwento at problema nya kahit sobrang haba at sasabihan ko rin cya ng mga problema ko. Hindi ko cya huhusgahan kahit nakikita ko ang mga imperfections nya. And most improtantly, I will love her/him as a friend. so kayo na lang bahala maganalyze kung ano ba sa mga sinabi ko ang tunay na sagot ko sa tanong na yun...:)

1 comment:
malungkot naman talaga kapag wala kang kaibigan.. yung sinabi ko sa huling text ko sa iyo ay "what are friends for di ba?" totoo naman yung sinabi mo tungkol sa sagot mo sa aking tanong... bakit pala? may hindi ka bang sinabing totoo dun? ganyan din naman sagot ko eh kung ako yung tatanungin... pero salamat sa pagsagot sa aking katanungan... para sa akin.. ang isang kaibigan ay isang taong lagi mong maaasahan sa lahat at yung tatanggapin ka kahit sino ka man... siya yung tipong tao na handang magbigay ng kanyang oras sa lahat at yung tao na nagpapakita ng kanyang buong katauhan kahit ano pa man yun...
Post a Comment