thoughts 1
wat a day? actually... ordinary day lang ito for me. umm... nagquiz na kami kanina sa 140. kala ko mahirap. nagpapanic pa naman ako kahapon kasi di ako nag-aral nung weekend, kaya aral to the max (habang katxt ang aking namomoblemang kaibigang itago na lang natin sa pangalang anpu) nagpuyat pa nga ako eh. tapos sinisingit ko yung pag-aaral para sa LE ko sa stat sa thurs. tapos kanina nagquiz na nga kami. nagsisi ako at nag-aral pa ako!!!!:( 10-pt quiz lang cya tapos yun yung tipo pa ng mga tanong na kahit di ka na mag-aral, basta nakinig ka lang sa lecture nya eh mataas na makukuha mo!!!
pero may isang bagay na nagbobother sa akin. hindi kasi ako kinakabahan sa LE namin sa stat sa thursday. eh halos lahat ng classmates ko, kinakabahan. ako naman, wala lang. kinakabahan tuloy ako kasi di ako kinakabahan!!! (gulo noh?) kasi baka tama nga sila at mahirap nga... mag-aaral pa rin naman talaga ako eh. cyempre kahit papaano LONG at EXAM pa rin naman yun at tsaka MATH din yun kaya kailangan talga gamitan ng utak. mag-aaral ako pero yun nga lang, di ako pressured unlike my other classmates.
anyways... on more personal stuff. napaisip tuloy ako dun sa sinabi ng aking bestie (okei lang ba?) kasi cya may friend din cyang trintry nyang maging close pero parang yaw naman magopen up sa kanya. ganun din kasi yung nafeefeel ko towards one of my friend eh. we've been classnates for a year and a sem now. kung tutuusin nga isa na cya sa mga oldest friend na nakilala ko. classmates din kami ngayon in 2 subjs. pero kahit ganun na kami kadalas "pinagtatagpo ng tadhana", wala pa ring trust. weird nga eh. hanggang kwentuhan at tanungan tungkol sa subjs lang kami. meron naman akong friend na dis sem ko lang nakilala pero mas madamo pa akong naishashare na bagay sa kanya kaysa dun sa friend na tinutukoy ko kanina. weird noh? hindi kaya may mga specific na tao lang yung talagang mapagbibigyan mo ng trust at magiging comfortable ka with? i mean, hindi porke ang tagal nyo ng friends eh it would follow na magiging mas comfortable and trusting na kayo sa isa't isa? ang mahirap pa kasi minsan, sila/siya naman yung taong gusto mo maging kaclose pero kahit anong gawin mo, wala pa rin. na parang hanggang ganun na lang talaga ang friendship nyo... hay... napaisip tuloy ako.

1 comment:
di naman mali yung di ka kinakabahan... alam mo lang siguro yung lesson... dinamay mo ko ah... hehehe okie lang... :) weird lang talaga ang friendship anpu... di mo lang talaga minsan maisip na ganun.. kahit papaano naman mas nakakausap ko yung mga college friends ko kaysa sa kanya... :) pero okie lang talaga yun... hindi ko naman talaga pinipilit yung sarili ko na maging close sa kanya eh... alam mo naman yun eh... sana maintindihan mo na ako... :)
Post a Comment