set yourself free...

Friday, November 30, 2007

PRIDE! and prejudice...

Pride... sa 115 kasi, kelangan daw namin mamili ng isang psych term tapos kelangan magrelate kami ng iba pang psych terms dun sa psych term na yun tapos kelangan may sense yung kalalabasan nung relations namin.:D i chose pride. bakit? kasi eto yung naging dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking gap ang families namin...

pride kasi is determined by high self-respect... eh minsan dahil nga high ang self-respect mo, bumababa ang respeto mo sa ibang tao... ang sarap kasing pag-aralan kung paano ba nabubuo ang pride, paano ba ito lumalala, paano nasasabi na malala na o acceptable pa rin naman yung pride mo at kung ano bang mga epekto nito sa buhay mo at buhay ng ibang tao na nakapaligid sayo...

dahil kasi sa "fight" na nagaganap among our families nga ng mom and dad ko, parang nainis ako sa kanila...(sa other people) kasi sobrang mapride sila... pero as a psychologist, di dapat nagjujudge agad... bakit kaya sila ganun? anung mga factors ang pwedeng iconsider? oh well... di ko alam eh... kaya nga pag-aaralan diba?

Thursday, November 22, 2007

"I am now officially an Iska..."

Note: lahat ng nakasulat dito ay opinyon ko lamang... sana walang maooffend...

isip-isip ng mga bagay...

what makes my school different from other schools? bakit sinasabi nilang mahirap ang school ko kahit 4 days lang kaming may pasok at mahahaba ang mga breaks namin? bakit cya mahirap kung mukha namang mas busy pa ang mga students from other schools at mas marami silang ginagawa kaysa sa amin?

for me... cguro kasi dahil etong school kong ito, it has the power to make you feel dumb... oo totoo... dumb... bobo... walang alam... walang pinag-aralan... mahina ang utak... hindi deserving...

actually math17 at psychstat pa lang nafeel ko na cya pero ngayon ko lang talagang nafeel ng husto... example: nung HS kala ko ang galing ko sa math, well... medyo... basta... nung HS kala ko forte ko ang math, pero last semester, parang nagiba na ang ihip ng hangin... you'll meet people who are far greater, faster and more intelligent than you...

tapos ngayong orgchem, eto na talaga yung ultimate test sa aking confidence... i survived chem16 tapos okei naman yung performance ko nung HS chem, so i thought "hey... i think i can do this." but no... first quiz pa lang, bagsak na confidence level ko... i now fear na baka ibagsak ko ito... tinatanong ko sa aking sarili kung "talaga bang mahirap ito o sadyang mahina lang talaga utak ko?" hindi... mahina lang talaga utak ko...

and cyempre nandyan na rin yung pressure to be strong... kasi kung di ka strong at heart, kung napakaemotional mo pa rin, baka magbreakdown ka sa pressure... for some reason kasi, if you're an Isko or iska, people expect you to be tough, confident, strong... lumalaban, matatapang, walang takot... pero di naman ako ganun dati eh... kaya iniisip ko na naman na ako'y isang loser... 2 years na ako dito pero di pa rin ako confident, di pa rin ako strong... hopeless na ba ako?

i cried a lot of times dahil di ko na makayanan yung mga sabay-sabay na pressure... i guess nobody could understand my situation naman aside from my schoolmates na, i guess, feel the same thing...

yan ang power ng school na ito... promise...ngayon ganap ko ng naiintindihan kung bakit sinasabi nilang mahirap dito... aside from mental assaults, inaatake din nya yung emotional and psychological aspects of your life... it turns your strengths into weaknesses, and turns your weaknesses into hopeless situations...


Sunday, November 18, 2007

GS or HS?

may gradeschool reunion kami sa jan4... sa makati... hehe:D tagal ko na rin di nakikita mga GS classmates ko...:D hehe. tentatively 7pm-12am daw cya:D wahaha!!!:D kaso dahil nga di naman ako pwedeng magpagabi, hanggang 10pm lang ako.:) hay... medyo excited na nga me eh. kaso dilemma nga lang ng konte... kasi jan5 naman debut ng sis ng bestie ko... so... iniisip ko kung pupuntahan ko ba both o isa lang, and kung isa lang, ano isasacrifice ko? oh well... i can go to both naman eh... pero marami pang ibang complications...

Saturday, November 17, 2007

my sched... sophie 2nd semester!!!

Monday

Tuesday

Wednesday

Thursday

Friday

7:00-8:30

--------------------

Chem lec

Ph 1201

No classes

--------------------

Chem lec

Ph 1201

8:30-10:00

Camping

Vrooftop

Chem. Lab

Ph 2207-2209

Camping

Vrooftop

Chem Lab

Ph 2207-2209

10:00-11:30

Comm 3

Ph 116-118

Comm3

Ph 116-118

11:30-1:00

Psych 108

Phan 205

--------------------

Psych 108

Phan 205

--------------------

1:00-2:30

--------------------

Psych 115

Phan 313

--------------------

Psych 115

Phan 313

2:30-4:00

4:00-5:30

life is all about decision making

dami na namang events na nangyari sa akin dis past week... pero yaw ko ng isa-isahin kasi madami at mahaba talaga.

napaisip lang ako... may nagsabi kasi sa akin na ung mga ginagawa o ikinikilos "ko" ay namimisinterpret na... cyempre yaw ko namang mamisinterpret un diba, pero kasi in order to remove that misinterpretation, kelangan may masacrifice na naman... eh ayaw ko namang isacrifice ung isang bagay na yun just to save face diba? lam kong di na naman naiintindihan ang mga pinagsasabi ko... hehe... cyempre im not mentioning any relevant details naman dito eh. hehe:D pero un nga... if the misinterpretations continue, baka maging irreversible na ung effect nya... pero if i stop it now, masasacrifice ung isang impt bagay na un sa akin... waah!

i'll just pray to God... gagabayan nya ako i know... sana lang, may maisuggests cyang solution for me na hindi magiging irreversible ang effect and at the same time di naman kelangan magsacrifice...

Tuesday, November 13, 2007

after the storm...

what a day?! at least tapos na ang unos na ito... (i hope...) yaw ko ng imention ung unos na un kasi talagang kalunos-lunos ang mga pangyayari noon...

nagmeet kami sa camping nung monday... di ko matatawag na meet un kasi di naman dumating ung prof ko dun... sabi sabi dun, magastos daw ang camping na pe kasi may 2 reqd outdoor trip daw...

then comm3... weird nun... may weird hw kami... we have to introduce our partner next week... public speaking agad. kelangan maintroduce ko daw cya ng hindi lang basic infos... tapos kelangan ko pa cyang icompare sa isang bagay... ung prof namin sa comm3 parang si Ms Zuela/ Ms Miraflor... wahaha!!! laging nagpapaypay...

tapos psych 108 na... nalate akong pumasok... tapos pagpasok ko sa room, madaming tao... kala ko wrong room ako... nakita ko kasi dun ung mga friends kong nasa 2:30-4pm na class kaya kala ko somethings going on, un pala magpreprerog sila... may paper kaagad kami. cguro tama nga ang sinasabi nila na mahirap si sir yacat... biruin mo, introduce yourself and ur exoectations sa course kelangan mo ng gawan ng 3-page paper!!! wahaha!!!:D tapos magiinterview pa! pero mukha namang masaya...:D i hope...

chem lec... la pa rin akong kilala pero accdg to pipol, ung prof daw namin (ma'am arco) ay magaling magturo... next meeting (thursday, nov15) may quiz na kami... review ng chem 16 namin... tapos may textbook na ako for chem31... "Kemistri ng Carbon" as the title suggests, tagalog cya!!! hybridisasyon... wahaha!!!

chem lab... mukhang mabait naman ung prof namin... si ma'am gillian macusi... 1st time daw nyang magturo ng orgchemlab... and meron na akong lab partner, kinapalan ko na ung mukha ko para lang magkalab partner ako... okei naman... mukha namang mabait cya... kaso di pa nga lang kami naguusap masyado... ngayon lang kami nagkakilala eh, malamang diba?! langan namang close kagad kami... kami nga ng lab partner ko nung chem16 medyo matagal-tagal din bago kami naging ganito kaclose eh...

psych115... ang 4 na oras na klase... sir yacat na naman... majority ng class kilala ko na kaya medyo masaya cya...:D kaso may problema, ung mga readings namin, kelangan pa naming iresearch sa internet kasi di daw cya magbibigay ng copy... musta naman un diba?! hehe... wahaha!!! tapos un... nagdiagnostic test kami kanina, 17/22 nakuha ko... dnt know kung okei lang ba un pero sobrang la na akong maalala sa iba... hula-hula lang...

hay... lagi ko na lang nakikita sina siomai at smiley... natutuwa nga ako eh (overwhelmed dw pala)... ang saya nga eh. parang gusto ko na lang matunaw tuwing nakikita ko sila... wala lang (landi daw pala!)

Sunday, November 11, 2007

@#W%$^U%*^&*%^#%@$@#^*^&%^$%$@# hurt... hurt... bleeding inside... suffering...when will this end... the pain...

Thursday, November 08, 2007

2nd sem starts tomorrow!

enrollment kanina... di ko cya matatawag na enrollment (aside from the fact na maaga kami natapos kaya dumiretso na lang ng sm north) kasi di naman kami nakapagbayad ng tuition namin. hehe. mamaya pang 9pm mafifinalize ung subjects ko at hopefully bukas ay makakabayad na ako ng tuition.:D

nalaman ko lang kanina na magiging classmate pala namin si ex-crush sa115 (exppsych). hay... 4 na oras ko cyang makikita every TF. pero sawa na ako sa kanya eh... feeling ko hanggang acquaintance na lang talaga ang relasyon namin (relasyon?). mas gusto ko pa sana na si Siomai na lang ang classmate ko sa 115 (at sa chem 31 na rin, at sa pe at sa 108 at sa ges... in short, classmate ko sana cya sa lahat ng subjs ko)

may pasok na bukas... judgement day na!!! bukas ko na malalaman ang mga magiging classmates ko for the whole 2nd sem... ang mga makakaramay at makakaaway ko.:D ang mga makakatunggali sa grades... at higit sa lahat, ang mga posibleng maging bagong kaibigan ko.:D

im a yacat baby next sem!!!:D as in araw-araw kong makikita si sir jay yacat... apat na oras every TF at 1 1/2 hr every MTh... im proud to be a soon-to-be yacat baby!:D kasi kung di ko naman mapasa si sir jay, edi la akong karapatan para tawagin ang sarili ko bilang baby nya diba? wahaha!!!

ninenerbyos na ako!!! waah!!!

Wednesday, November 07, 2007

other disturbing thoughts

worry worry worry... pero happy naman. dami kong iniisip today. hmm... sa tingin nyo ba, is it all right to invest on things na risky? yun bang di mo alam kung magiging success ba o disaster... kasi ngayon thinking kung iinvest ko ba everything sa isang bagay na slim lang ang chance na maging happy ending... pero kasi i feel very happy everytime nagdedeposit ako dun sa bagay na un... pero un nga, once naging failure to o di nagworkout as wanted to in the end, magiging super painful to for me... hay... wahaha!!!:D thoughts lang...:D

ang curriculum na di nasusunod...

napapaisip lang ako...

di ko na sinunod ung curriculum namin... ewan.. parang lumulutang na yung mga subjs ko sa kawalan... natripan ko lang ipost ang curri namin kahit lam ko namang di naiintindhan kasi puro numbers lang... wahaha!

First Year

GE
GE
GE
Math 17 (a)
Language Elective*

3
3
3
5
3
(17)

GE
GE

Psychology 101
Chemistry 16
GE

3
3
3
5
3
(17)

Second Year

Psychology 108*
GE
Psychology 110
Free Elective
GE

3
3
5
3
3
(17)


GE
GE
Psychology 115
Math 100 (b)
GE

3
3
5
4
3
(18)

Third Year

Psychology 118
Psychology 150
Language Elective*
Biology 11*
GE

5
3
3
5
3
(19)


Psychology 155
Psychology 162
Biology 12
Psychology 140
Science Elective (c)

3
4
5
3
3
(18)

Fourth Year

GE
Psychology 145
Psychology 160
P.I. 100
Biology

3
3
4
3
5
(18)


Psychology 135
Psychology 171
Psychology 180
Science Elective (c)
Science Elective (c)

4
3
3
3
3
(16)



di ako nakakuha ng math100 dis sem kaya 16 units lang ako... natatakot akong baka sa 3rd yr 1st sem, dun matambak ang work ko. start na ng bio series by that time and dapat hopefully makuha ko na rin ang calculus. pero kung tatanggalin ko ung isang GE sa 3rd yr, at papalitan ko ng math100, edi 20 units ako!!! hay... heavy load naman. light load ako ngayong sem na ito pero heavy load naman next year.

at may di pa ako gets... nakalagay kasi sa curri namin na ung 3 naming science electives dapat 3 units each lang sila... pero ung una kong science elective na chem31 ay 5 units na!!!! tapos ung isa ko pang science elective na physics 71 ay 4 units naman!!! kung kukunin mo ung sum ng units, tama na (9) pero ano ba ang impt, ung sum o ung number ng science electives taken?

tapos ung mga psych subjs na dapat 3rd yr ko pa itatake (140), natake ko na cya dis year... tapos iba ding subjs like science elective na dapat 3rd yr/4th yr namin itatake, nagtake na rin ako dis year... tapos ung mga subjs naman na dapat itatake ko dis year, di ko nakuha!!! ano ba yan?! wahaha!!!

Tuesday, November 06, 2007

lets talk life and death

two conflicting events this day: life and death...

life: birthday ng bestie ko today!!!:D cyempre masaya ako for her kasi at last 19 na cya!!! (tanda na noh?) lam kong matagal nyang hinintay ang day na to and finally its here na...:D sayang at di kami nagkita pero at least nagkausap naman kami at naggreet ko cya.:D hehe... magkikita naman kami some other day eh kaya excited na ako.

death: our dog died... ang pinakamabait naming aso at ang pinakatapat at pinakauna... nakakaiyak nga eh. pero kelangang magmove on... nasa dog heaven na cya ngayon sa dami ng kabutihang nagawa nya for our family... sa dami ng masasamang taong natahulan nya... sana payapa na cya sa langit!:D

eto na... hehe... hanggang dito na lang muna!:D

Monday, November 05, 2007

pros and cons of this sem

lapit na naman first day of classes... hay...

actually ang malaking problem na isa pa ay yung enrollment... 3 units short pa ako para pwedeng magenroll. hay... sa nov8 ko pa proproblemahin un... sabi nga namin ng blockmate ko, wala na kaming pakialam kung mahirap ba yung subject o mahirap yung prof, ang mahalaga ay mapunuan yung kulang naming units... hay... feeling ko i'll go to my first class ng di pa enrolled (di lng feeling... certainly!) kasi morning pa ng nov9 nila ipopost kung wat subjs na nakuha mo tapos mga 10am onwards open ang cashier, eh 7am first class ko... oh well...

so un... kinakabahan na ako sa first day of classes. actually di lang pala sa first day, kundi sa buong semester na ito... mahirap kasi the subjects eh tapos yung time pa nila di ideal. 7am start, 5:30 end... so alis sa bahay ng 5:45am tapos makakarating sa bahay ng mga 7pm... at commuter lang ako take note. how?! how will i survive?! im very sure na drain ako after this sem!!! sure ako!!!

tapos eto pa... pe ko ay camping... sabi nila may fieldtrip daw un outside school at magcacamping kami somewhere para iapply ang aming mga natutunan... tapos sa sikolohiyang filipino naman, may 15 hours community service dun! ung friends kong nag108 dun sila sa Timog ave hospital na comserve last sem (tama ba ung name ng hospi?)

tapos ung prof ko sa 108 (sikfil), cya rin ung prof ko sa 115 (exppsych)... ang exppsych ay 4 hours na every TF tapos ang 108 naman ay 1 1/2 hrs every MTh... a total of 11hrs a week!!! eh sabi pa naman nila na ung prof na yun ay strict at maraming reqts na hinihingi... tapos eto ako, 2 subjs nya ay tinake ko sa isang sem... wahaha!!! God bless sa akin, diba?!

tapos did i mention na may chem ako ngayon? 7-8:30 ang lec, immediately followed by 8:30-11:30 na lab!!! wahaha!!! aside from walang break in between the lec and the lab, matutunaw na rin ung breakfast ko... last sem dun sa natsci1 na chem part, nagtake up na kami parang intro to orgchem... intro pa lang, di ko na nagustuhan eh... puro -ane, -kane, -kyne, -hyde, -aldehyde, ang dinidiscuss!!! tapos dyang part ng exam pa ako mababa nung binalik ung results!!!! wahaha!!! ngingitian ko na lang siguro prof ko dun...:D hehe... chem once again... the horror of chem! iginapang ko ng husto ang chem16, tapos eto na naman si chem31!!! halos doble ng numero pa nga eh, 16-31!!!! wahaha!!!

ano pa ba?! hmm... may mga bagay naman akong niloolookforward...:D sa pe, kahit mukhang mahirap cya, mukha naman cyang exciting. nung HS ko pa gusto magcamping eh (kasi sabi sa akin ng isa kong hs friend, every 4th yr daw nagkakaroon ng camping, pero nung nag4th yr kami, wala naman!!!) sa 108 naman, kahit may comserve dun, at least may friend na akong classmate. sa 115 naman, may mga friends din akong classmates at mukhang masaya yun kasi yung pinsan kong freshie ang bibiktimahin (o guinea pig) naming mga upperclassmen sa aming experiment!!!:D pipilitin ko cyang magsign up sa experiment namin!!! wahahaha!!!

at eto na naman ay isang pagkakataon, bagong pag-asa na maging classmate ko cya o kahit makita ko lang cya dis sem... di ko lam kung psych cya pero i'm hoping na sana kahit sa pe o sa ge o better sa chem ko cya maging classmate!!!:D wahaha!!! para sa mga taong may idea kung sinong tinutukoy ko dito, manahimik na lang, okei?!:D

Sunday, November 04, 2007

ONE PERSON IN MIND SURVEY

note: actually 2 tao ang nasa isip ko pero i stick to this person kasi mas kilala ko cya eh. (as in super mas kilala ko cya kaysa sa isa!!! promise!!!)

ONE PERSON IN MIND SURVEY..

Isip ka ng ISANG tao. i-base mo sa kanya ang mga isasagot mo. WALANG ibahan ng naisip.
1.)friend mo ba siya sa friendster? nope, wala cyang friendster eh
2.) Bakit siya napili mo sa survey na ito? kasi... kasi... mahalaga cya sa akin at feeling ko marami akong masasagot:D
3.) anong lugar ang naaalala mo sa kanya? past school, MEGAMALL!!!!
4.)anong song ang naaalala mo sa kanya? many... Wherever you will go at marami pang iba...:D
5.) bakit? kc naalala ko ung last day of school nung HS kami
6.) okay ba ang height? mas matangkad ng konte (peace!) actually medyo malayo ng konte height namin
7.)magaling ba kumanta? NOPE!!!! (peace!)
8.)eh sumayaw? umm... dunno... oo?
9.)May kamukha ba siyang artista/singer?? wala i think
10.)close ba kayo?? dunno... cguro... wahaha!!!!:D super!!!
11.)nakita mo na siyang magalit? yun magalit? oo naman noh... duh!
12.)eh ngumiti? yun ngumiti... lagi nga eh
13.) eh umiyak? yeah... many times... narinig ko na rin umiyak, many times
14.)ano fave food nya? madami eh... dnt know kung what specifically
15.)pinaiyak ka ba niya? wahaha!!! wat a question?! lagi nya akong pinapaiyak!!! as in super!!! (peace!)
16.) pinaiyak mo ba siya?wahaha!!! wat a question again?! very very gulity... kahit nga masaya kwinekwento ko dati, umiiyak pa eh
17.) anong fave niyang sport? chess and badminton
18.) anong fave niyang song? I have a dream at famous last words
19.) anong tawagan niyo? wahaha!!! lam na nya yun... starts with "a"...
20.) message mo sa kanya? miss you na mehn!!!:D love ya!!!:D bff!!!:D *hugs*

Friday, November 02, 2007

positive reinforcements

minsan talaga, kung gusto mong mapasaya ang ibang tao, kelngan mong maghirap... wahaha!!!:D weird noh? bakit kaya ganun ang buhay? para makapagpasaya ka, kelangan ikaw ang makaramdam ng hirap, pagod, pasakit at kung anu-ano pa... hay... cguro kasi yung fact pa lang na pinaghirapan mo yun, dapat maging masaya ka na diba? kahit di mo pa nakikita yung reaction nung ibang tao, masaya ka na dapat kasi alam mong ginawa mo ang lahat ng iyong makakakaya para mapasaya siya! minsa nga lang, may mga taong walang utang na loob, manhid o talagang walang puso na hindi man lang i-aappreciate yung ginawa mo para sa kanila... hehe... may mga tao na rin akong naencounter na di marunong magappreciate... para sa akin naman, kung di mo ma-appreciate yung ginawa ko, di na ako mageeffort sa susunod, diba? wahaha!!! ganyan lang yan... kung ayaw mo, wag mo... pero cyempre may mga tao din namang nakikita mong appreciated ang ginawa mo, at makikita/ mararamdaman mo rin naman na nagpapakahirap din sila para pasayahin ka... yung mga tao na yun ang masarap/ maganda ang pakiramdam na gawan ng kabutihan.:D kumbaga, narereinforce kasi yung action mo eh. hehe...:D lagi kong naiisip yan. kaya nga yun ang nagiinspire sa aking ginagawa eh. kasi may mga tao na talagang deserving sa paghihirap mo...:D