argh! part2...
about my dilemma (refer to previous entry), medyo may nabasa akong medyo makakatulong. may nagsend sa aking friend dati ng text message na nagsasabing if you're faced daw with this problem, you should weigh if you have a better heart o a better mind. iniisip ko tuloy kung ano ba talaga ang better sa akin. i can say na i have a lousy heart. the last time na ang heart ko ang sinunod ko, nasaktan lang ako ng husto at pinagsisihan ko ng lubos ang aking ginawa. hindi ko pa naman alam kung better ba ang mind ko kasi di ko pa naman cya natry na sundin. pero i guess i'll just stick with my mind kasi at least ang mind ko ay hindi pa ako naipapahamak. ang heart ko naman ilang beses ng nagdulot ng pain. pero actually, di pa naman ako kailangang magdecide eh kasi wala pa naman ako sa tamang time para manghusga. cguro eevaluate ko muna lahat ng bagay from both parties para mas safe. baka by that time, mag-iba na ang mga bagay-bagay. baka once mare-evaluate ko na ang mga bagay-bagay ay mas maging clear na sa akin kung ano ba talaga ang aking susundin.

1 comment:
tama ka dun anpu.. hindi mo naman kailangan magdesisyon kaagad kasi wala ka pa sa tamang oras... siguro kung kailan mo nang magdesisyon eh dun mo na lang pag-isipan... sana isipin mo na tama yung desisyon mo... siguro nga tama din na mas safe yung mind.. at least nasa kondisyon ang iyong utak... hindi naaapektuhan ng emosyon at ng pakiramdam sa tao... :) ingat ka lang :)
Post a Comment