the calm after the storm
magulo ang mga pangyayari sa linggong ito. mahirap ipaliwanag kung anong klaseng kalungkutan ang naramdaman ko dis past days. nagkapatong-patong kasi yung mga kalungkutan sa akin eh. inilibing lolo ko nung sunday, tapos nag-away pa kami ng bestfriend ko tapos di pa na-evict si wendy sa pbb (ang babaw nung huling rason..)... alam nyo yung feeling na natutulala ka na lang kasi di mo na talaga alam kung anong gagawin. ayaw mong mag-isip kasi ang sakit na ng ulo mo pero di mo naman maiwasang mag-isip. di rin naman ako makaconcentrate sa pag-aaral kasi walang ibang pumapasok sa isip ko. kung makitawanan ako sa mga friends ko, mawawala din agad yung saya. basta sobrang bigat talaga ng damdamin ko that time. parang gusto ko na lang laging matulog para di ko na nararamdaman yung kalungkutan at pagtatampo. ngayon naman... okei na ang mga bagay-bagay. nakakaya ko ng ngumiti at tumawa at magpakasaya. nabunot na ang tinik sa aking damdamin. marami pang darating na mga problema sa buhay ko alam ko, pero dahil dito sa naranasan kong ito, alam kong makakaya kong lampasan lahat ng ito dahil may mga taong handang tumulong sa akin.:) hehe... at sana ma-evict na si wendy... at go gee-ann-bodie love team!!!:)

1 comment:
hehehe... pareho lang tayo ngayon anpu!!! mabigat ang kalooban ko nung nakaraang araw... hehehe :) mabuti naman at alam mong may mga taong tutulong talaga sa iyo... evict na si wendy!!! :) i'm happy na masaya ka anpu :)
Post a Comment