mga gumugulo sa utak ko
things are getting clear for me now. alam ko na kung anong mga bagay ba ang gusto kong pagtuunan ng pansin, pag-alayan ng effort. medyo mahirap ngang i-sacrifice ang ibang bagay pero eto naman ang mas makakabuti para sa akin. sa pagsasacrifice ko ng mga bagay na ito, mas maiiwasan ko ng masaktan muli. hindi na muli maghihirap ang aking kalooban at hindi na ako muling aasa pa sa isang bagay na kahit anong gawin ko ay hindi na ata posibleng makamit. mahirap talaga para sa akin ang gawin ito. ewan ko ba. napansin ko kasing marami akong mga bagay na pinagtuunan ng husto ng pansin pero sa huli ay wala namang pinatunguhan. ayaw ko na kasing ma-"divert" muli ang aking isipan. sa mga nakaraang taon, hindi masyadong maganda ang mga nangyayari sa buhay eskwela ko. lagi akong malungkot, lagi akong wala sa mundo. masaya at maganda na ang mga nangyayari sa semester na ito. ayaw ko na sanang sirain ang naumpisahan ko. napapansin ko kasi na bumabalik na naman yung masamang "bagay" na yun sa utak ko. yung "bagay" na yun ang nagdulot ng labis na kalungkutan at distraction sa aking buhay. ilang beses kong kinakausap ang aking sarili sa kung ano ba ang dapat kong gawin. ilang beses akong umiyak bago matulog dahil naiisip ko ang bagay na yun. gusto ko na talagang kalimutan ang bagay na yun sa aking utak, pero kasi... ironically, yun din ang nagdulot at patuloy na nagdudulot sa akin ng labis na kaligayahan. kaso nga lang, sa tuwing naiisip ko yung bagay na yun, naiisip ko rin ang posibilidad na maaaring mawala ito sa aking buhay. maaaring bigla na lang magbago ang mga bagay-bagay. ngayon tuloy, imbes na sumaya ako, lalo lang akong nalulungkot at natatakot. kung lagi na lang ganito ang mangyayari dahil lang sa bagay na yun, hindi ko na alam kung anong aking dapat gawin.

1 comment:
nasa iyo iyon anpu... alam mo naman yung dapat mong gawin... basta kung saan ka masaya at panatag loob mo... okie lang sa akin...
Post a Comment