set yourself free...

Sunday, June 10, 2007

wala lang sessions

blah blah blah... what a life? may mga bagay na kung titignan mo sa malayo, parang ang babaw lang. pero once pinagtuunan mo na ito ng pansin, dun mo makikita na hindi lang pala yun ganun kadali. ang isang napakagandang bagay ay pwede pa lang magkaroon ng mga maliliit at malalaking tinik sa paligid nito na kapag hindi naagapan ay makakasakit sayo. minsan ang mga tinik na ito ay tinitake for granted lamang natin kasi iniiisip natin na wala lang naman ang mga ito. maaari namang iwasan o maaari namang gumamit ng panakip sa mg tinik na ito, pero paano na kung di mo ito naiwasan o kahit takpan mo man ay nandoon pa rin? matitinik ka at for sure masakit yun... at kung hinayaan mo pang lumago ang mga tinik na ito, baka hindi ka na lang matitinik sa susunod... mas magiging masakit pa ang mga susunod na posibleng mangyari at baka tuluyan mo ng hindi mapasayo yung magandang bagay na yun dahil sobrang lalaki na ang mga tinik na nakapaligid dito.

2 comments:

Anonymous said...

hehehe... ganyan talaga ang buhay... minsan kasi hindi nating pinapansin ang mga simpleng bagay...

Anonymous said...

okei lang naman sanana hindi masyadong bigyang pansin ang mga maliliit na bagay pero paano kung mas lumaki pa ito dahil sa hindi naagapan agad?