set yourself free...

Monday, August 13, 2007

DUI resulting to damage to property

I have many things to do pa pero gusto ko lang isulat tong napaka weird (and sort of frightening) experience namin kanina ng mom ko. Nangyari ito kaninang mga 6am habang nanunuod kami ng mom ko ng Unang Hirit at habang ako'y kumakain ng breakfast before going to school. May narinig kaming car na nagsskid, as in alam mo yung car na parang nawawalan ng preno. Tapos napansin namin bakit parang palakas ng palakas at parang palapit ng palapit yung sound. Then after ilang seconds, may narinig na lang kaming bumangga sa front yard namin, actually naramdaman nga namin yung impact eh kasi medyo nagvibrate ung floor namin. so syempre, takbo palabas and dun nga, nakita namin na may bumangga nga sa may flower bed/ pot namin!!! as in sira na talaga yung parang "mini" garden ng mom ko sa harap (outside the gate) buti na lang di tumama sa gate yung car. gusto ko ngang makita ung driver eh, kung buhay pa ba cya o wala ng malay o worst, dead kaso pinagising sa akin ng mom ko yung dad ko, weird nga dad ko eh di man lang nagising dun sa lakas ng tunog. tapos pagbaba namin, nakita na namin yung car, wala ng tao... umalis pala yung tao, tumakbo cya kasi malapit lang pala yung house nila sa amin. pagtingin ko sa car, bloody. maraming blood sa manibela at sa opening and handle nung door. grabe!!! grabe talaga!!! kapag nakikita ko nga ngayon ung flower bed namin, naaawa ako... naaawa ako sa flower bed!!! as in nagkalat na yung lupa at ilang mga bulaklak and dahon and parts nung pot sa streets... hanggang ngayon di pa rin nalilinis. hay... takot talaga kami nung unang rinig pa lang namin sa skids, kala namin papasok sa bahay at aararuhin kami gaya ng napanuod namin sa tv dati. buti nga rin di natamaan yung gate namin eh kundi mas malaking gastos pa yun... hay... wala lang. cge, gotta go!!! exams exams exams hws hws hws...

3 comments:

Anonymous said...

anong dui? grabe... nakakatakot naman yan ah... nasira yung flower bed niyo... nandun pa rin ba yung kotse? buti walang naaksidente sa inyo dun... ingat ka lang ah...

Anonymous said...

Driving under the influence... hehe...:) oo nga eh, nakakaawang flower bed. binayaran na yung damage pero hanggang ngayon di pa rin napapaayos. buti nga wala eh... madalas pa namang nagtritrim ng grass yung mom ko dun at buti na lang, di nataon na paalis na ako at palabas ng bahay kundi "bye bye me!"

Anonymous said...

yup... nakakatakot... di bale mapapaayos din yan... buti na lang wala ka dun... ingat lang ulit...