set yourself free...

Saturday, August 18, 2007

mga bagay-bagay sa aking buhay (ulan, sweatshirt, make-up class, bday, gifts)

okei okei... walang pasok for 5 days dahil sa suspensions, sa monday may pasok ako kahit holiday, sa tuesday may pasok na talaga, then sa wednesday wala na namang classes kasi wala naman talagang class pagwednesday... tapos wala na namang pasok next monday (27) kasi holiday na naman ata yun... masaya cya kasi at least nakakapagpahinga, tapos yung mga bagyo ay nagdadala ng ulan at tubig sa mga dams... hindi na magkakaroon ng water shortage. nakasuot ako ngayon ng blue sweatshirt. feeling ko nasa america ako ngayon kasi malamig at feel na feel ko ang pagsuot ng blue sweatshirt na ito. (tanong lang: bakit sweatshirt ang tawag dito eh hindi naman cya sinusuot pagmainit? pangginaw nga cya eh at di naman ako pinagpapawisan.) so yun... bday nga pala ng kapatid ko sa wednesday (22). tumatanda na cya... 16 na cya!!! haha!!!:D bukas namin iceceleb bday nya, baka sa megamall lang kasi sabi nya gusto nya sa KFC kumain at mag punta ng powerbooks at comic alley... wala pa rin akong regalo sa kanya though. hehe...:) bigyan ko na lang cya pera... joke!!!:D baka pakiusapan ko na lang yung friend ko sa monday kung pwede ba nya akong samahang bumili ng gift somewhere... hehe..:) or pwede ding pera na lang talaga...

sana naman hindi na umulan sa monday... kasi wala ng suspension na i-aannounce in case eh kasi wala naman talagang pasok, diba? weird lang talaga...

No comments: