5 bagay na nagpapasaya sa akin:)
hay... i'm happy ngayon. wala lang... kahit pagod masaya pa rin, marami namang bagay kasi akong dapat ikasaya eh.
1st: UAAP cheering competition!!! yeah i know, di na naman ako UP side pero okei lang un, yaw ko na ng gulo and i know naman na un ang gusto ng nakakarami eh (sana lang talaga manalo ang UP para di naman sayang ang pagsasakripisyo ko!!!:D hahaha!!!!)
2nd: busy na kasi ako!!! woohoo!!! parang ramdam na ramdam ko ang college spirit ngayon kung saan buong linggo kang walang pahinga...:D wala lang... mas gusto ko kasi ang ganito at least alam kong may pumapasok sa utak ko at may nagagawa akong productive sa aking oras. sabihin nyo ng weird ako pero ganun talaga. para kasing ang sarap-sarap ng maraming ginagawa (lam ko may friend din akong ganito ang thinking eh, parang ayaw naming mabakante ang oras).
3rd: inspired din ako para gawin ang mga bagay-bagay...:D nararamdaman ko kasi ung sense of security from the people around me eh.:D wala lang... parang i feel loved and cared for... hehe... lam nyo ung ganung feeling? diba masaya un at nakakamotivate? wala lang...:D sana lang talaga di magend ung "inspiration" kong iyon... (family, friends, profs)
4th: basta kasi we're in constant communication ng aking matalik na kaibigan (kahit malayo kami at kahit madaming ginagawa) wala lang... ang sarap ng feeling na alam mong nandyan lang cya na pwede mong sabihan at takbuhan (not literally) if ever may problems ka... parang ganun...:D kasi diba minsan kung di constant ung communication nyo, parang nawawala ung "momentum". di ka na magiging ganun kacomfortable magshare sa kanya the next time mag-usap kayo... pero dahil constant na, naprepreserve ung comfort at ung "momentum" nga... haha!!!:D in depth analysis na naman!!!
5th: new source of inspiration... basta applicable sa akin ngayon ung song ni Nikki Gil na "Sakayan ng Jeep"... hehe...:D
"May kung anong kilig na nadarama sa tuwing nakikitang nag-aabang"
pero ung last part ng song di applicable sa akin un!!! haha!!!:D
so un... 5 things na nagpapasaya sa akin ngayon!:D hehe... sana hindi mawala ang kahit isa sa 5 un kasi kelangan ko sila lahat para mabuo ang aking kasiyahan...:D salamat sa mga people na nabanggit ko (direct or implied man)!:D mahal ko kayong lahat!!!:D

3 comments:
masaya naman ako at masaya ka ngayon :) keep it up!!!
para sa 1st reason... yup excited na rin ako eh... malay mo, manalo ang UP di ba?
para sa 2nd reason... college spirit? gusto mo palang maging busy?? kung sa bagay masaya yun para may magawa kang matino... di yun weird kasi yung natutuwa ka sa ginagawa mo... walang problema dun... ganyan din pala kaibigan mo eh... ayaw ng walang ginagawa...
para sa 3rd reason... mganyan talaga yun... sense of security yun... at least panatag na loob mo na may mga taong laging nandyan sa iyo sa lahat ng oras... di ba? :)
para sa 4th reason... salamat lang talaga!! :) natouch ako ng husto kasi di ko alam na kasali ako sa mga dahilan kung bakit ka masaya... hehehe di ko hahayaang mawala ulit ang ating komunikasyon :) malalim nga yun ah? :)
para sa 5th reason... sino kaya yun?? yan ka nanaman... madaling makahanap ng inspirasyon!!! :) kinikilig na yan!! pero ang maganda sa mga inspirasyon na yan... nagiging motivated ka sa paggawa ng mga dapat mong gawin.. hehehe :)
ipagpatuloy mo lang yang mga inspirasyon mo... huwag mo lang hayaang mawala yan ah... mahirap yang makuha... mahirap ding ibalik kapag nawala na sila... :D
ingat ka lagi ah!!! :)
hehe... salamat!:)
1st reason... lalo pang nadagdagan ang pagkatuwa ko sa cheering competition na yan dahil UP pep squad won!!!:D
2nd reason... masya kasi maging busy eh.:) minsan way din ito para hindi ko masyadong mamiss ang mga tao-tao.:) hehe...
3rd... yeah sense of security nga:) wala lang... sarap ng ganung feeling eh:)i trust them naman eh!:D
4th... cyempre kasali ka sa reasons kung bakit ako masaya:) bestfriend kita tapos di ka kasama? impossible!!! haha!!:D salamat sa assurance anpu!!! malalim ba un?
5th... well... basta sa sakayan ng jeep!:) minsan lang kami magkita pero masaya naman pagnakikita ko cya. UP din cya eh, nakita ko na cya once sa canteen namin.:)
yup... salamat anpu!!!:D ingats din!:)
hehehe... para di mamiss ang mga tao ah... hmm... mahirap yun ah... pero nasa iyo yun hehehe :) masaya naman ako at masaya ka :)
Post a Comment