set yourself free...

Saturday, February 24, 2007

stress... stress...

heto na naman ako...

ano ba nangyayari sa buhay ko? itong past weeks super down ako, as in eto na ata ang pinakadown sa buong buhay ko...

first, out na ang temporary class standing namin sa chem lec at out na rin for public viewing ang lab grades namin for the first 11 experiments... hindi maganda yung lab grades ko... 2 ang grade kong zero sa lab performance, expt 5 (redox) and 8 (calorimetry).. di ko nga alam kung bakit may ganun kaming grade ng partner ko eh... nagattend naman kami, nagpass naman kami ng prelabs at data sheet, nagperform naman kami ng experiment, di naman namin nasunog yung lab, kaya bakit zero kami? nag-aalangan tuloy ako... okey naman yung lec ko eh, no problem... kaso if i fail lab, kahit uno pa ako sa lec, wala din...

second, medyo nadedepress lang ako kasi nadidisappoint ako sa ibang tao... as i said nga, super down ako this past week pero parang yung mga tao na ineexpect kong susuporta at masasandalan ko ay parang wala naman dyan... salamat sa mga kaibigan kong nakatulong ng malaki at nandyan nung ako ay down (thnx barbs at km!:)) tapos yung lab partner ko rin kahit di naman nya mababasa ito, salamat din!:) (kaya natin to hazel!:)) basta... siguro isa na rin itong way ni God para ipakita sa akin kung sino talaga yung mga maaasahan ko pag sobrang extremes na ang situation...

Sunday, February 18, 2007

bad me...

hay heto na naman... bumabalik balik na naman ang bad feeling na ito... ayaw ko na please... sana mawala na ng tuluyan ang feeling kong ito! hindi siya healthy at lalong hindi na nakatutuwa... waah! gusto ko sana maganda ang tingin ko towards other people... ayaw ko ng maging masama. mabait naman sila sa akin eh kaya they don't deserve to be treated or thought of that way... argh! naiinis na ako sa sarili ko...

the day after yesterday

super stress!!! grabe... ang sakit ng ulo ko pero nagcocomputer pa rin ako... ewan ko ba bakit pero ganun kasi yun. naexcite kasi akong tignan ang blog ng isang friend...:) anyways... sana mataas na makuha ko sa 2nd le ng chem. ewan ko na lan kung bagsak pa ako. di ko na alam gagawin ko. bakit ganun noh? may mga subjs o bagay talagang kailangang magexert ng extra extra effort para makamit. gaya ng chem at ibang bagay sa mundo.

Thursday, February 15, 2007

Harry/Draco - Right Kind Of Wrong

haha! something different...

Just So You Know

touchy song...

chem lab sucks!!!

ang araw na ito ay hindi maganda!!! mukhang babagsak talaga ako sa chem lab... and worst, di ko pa lam standing ko... walang binabalik na quizzes, problem set, long exams at lab sheets... paano namin malalaman if we're failing?! waaah!!! naglong exam kami kanina and parng wala akong pinag-aralan pero nag-aral naman ako... kala ko nga alam na alam ko na tapos biglang *boom* "ano tong mga to? makatotohanan ba ito?" waah!!! once lang ako nagexcel sa lab, the rest i suck!

Monday, February 12, 2007

Panic! At the disco - Lying is the most fun a girl..

i love the song... first time ko pa lang titignan yung video...:)

PANIC! AT THE DISCO: But It's Better If You Do

ang cute ng lead singer dito! sexy lips...

They're Taking The Hobbits To Isengard

very funny video...

vday mania

lapit na valentine's day! haha! buti na lang walang pasok kundi nakaka-ilang makakita ng mga lovers na naglalampungan sa clase habang ako naman ay parang ewan na nakatitig sa board, naghihintay matapos ang araw... at least pag nasa bahay, di ko mararamdaman ang loneliness kasi kasama ko naman family ko... magtetext na lang siguro ako sa mga tao at kakamustahin ang kanilang vday... di lang naman siguro ako ang loveless dis vday diba? umm... sino ba gusto ko-valentines ko? si alex nagprisenta pero dineny ko kasi may iba siyang kavalentine eh... haha! (peace alex!) umm...sino kaya?

Thursday, February 08, 2007

CHEMISTRY!!!!

yes!!1 for once masaya ako sa kinalabasan ng chem lab ko ngayon!!! haha! for once, nagawa ko ng tama experiment namin... isa pa ako sa mga nakaperfect!!! haha! parang i want to treat myself because of this achievement! hooray to me!!! haha! vanity... narcissist!!!!:)

Tuesday, February 06, 2007

what a day?

bakit di ko na naman maview blog ko? whats wrong with my bloggie, o computer ko na may sira? aba ewan... weird ng araw na ito. di ako naka-attend ng first class ko (soc sci tues,fri 7 am-8:30am) kasi superlate na ako. imagine, nakarating ako ng school ng 8am na!!! maaga pa namang magpadismiss yung prof namin sa soc sci, ano pa maabutan ko? kaya yun, dumeretso na lang akong bh... hay... what a day? tapos nagdala ako ng jacket, yung makapal pa, kasi dati, di ako nagdadala pero giniginaw ako ng husto... kaso naman, ngayong araw na ito, hindi malamig ang panahon!!! may mga ilang segundong malakas na hangin tapos araw na ulit... in short, di ko nagamit jacket ko!!!:) sa archery ko lang siya nagamit, ginawa kong arm guard. tinamaan pa rin ako sa arms pero at least di na kasing sakit ng dati thanks to my jacket... haha!:) bukas may isang araw na naman akong bakasyon tapos pasok ulit!!! haha!:) sana magweekend na... gusto ko ng magpahinga, matulog at magpahinga ulit... (oh no, may debut nga pala sa saturday!!! waah! no rest again?!)

Saturday, February 03, 2007

deal or no deal

may question lang na nagbobother sa akin. when is the right time to give up? yun ba ay kung nasaktan ka once? twice? thrice? 4x? 5x? o nthx? paano kung everytime na nasasaktan ka, ay labis-labis na pagdurugo ng puso ang nararamdaman mo? hihintayin mo pa bang tumagal pa at kakayanin mo na lang ang sakit dahil mahalaga yung tao na yun sayo? nakakapagod at nakakadrain na rin kasi kung lagi na lang ganito. may mga oras na iniisip kong "tama na, ayaw ko na" pero hindi pa rin naman ako tumitigil. iiyak paggabi, ilalabas lahat ng sakit pero sa umaga, bibigyan na naman ang puso ng pag-asang humilom, tapos masasaktan na naman muli. paulit-ulit parang gulong. may hangganan nga bang masasabi?

Thursday, February 01, 2007

a changing world

naiinis ako sa reality ng mundo... ang reality na nothing really is constant...minsan may mga araw na i wish na sana di na lang magbago yun... kung masaya ka, masaya ka na forever. naiinis din ako sa mga taong nagbabago na lang bigla... as in sobra... di ko naman alam bakit. di na lang nangingibo. kausapin mo, yaw magreact ng matino. tapos parang feeling mo, yaw ka nya talaga kausapin. di ko nga lam kung nararapat ko ba siyang tawaging friend eh. kainis!

tapos eto uli diff person na naman... may mga tao namang nakakapanibago... ewan... parang kung dati feeling mo close kayo, ngayon feeling mo unti-unti ng lumalayo... and to think na siya pa yung least and as in least person na ineexpect mong mag-iiba ng treatment sayo... parang unti-unti ng nababawasan yung closeness ng friendship namin... dnt know why...

pero may mga tao naman na kala mo wala silang pakealam sayo, only to find out na kilala ka pala nila!!! o kilala ka pa nila!!! its amazing isipin...

may mga closeness na unti-unting nababawasan habang may mga bagong pagkakaibigan naman ang nabibigyan ng pag-asang masimulan...