the year is about to end

ang taong ito'y nalalapit ng magtapos...
nakakalungkot isipin na ako'y magpapa-alam na sa paaralan humubog sa aking katauhan ng 4 na makabuluhang taon...
nakakainis na ang buhay ay puno ng pagtatapos, pagpapa-alam...
pagpapa-alam sa mga taong nagdala ng ngiti sa aking mga labi at nag-iwan ng marka sa aking puso...
hindi ko alam paano haharapin ang bukas ng wala ang mga taong ito...
parang may kulang lagi sa aking puso...
hindi ko makita ang aking sarili...
nag-iisa sa aking dormitoryo, nangungulila sa aking mga kaibigan at pamilya...
kailangan lahat ng ito'y dapat kong pagdaanan...
kung ang gusto kong makamit ang pangarap ko sa buhay...
maging malungkot man, malumbay o maghirap...
basta ba'y lahat ng ito'y magbunga sa hinaharap...
kaya sa lahat ng taong aking nakasama...
maraming salamat sa inyong pagtityaga...
balang araw ay tayo'y muling magtatagpo...
at sana'y ika'y hindi makakalimot...
LOVE YOU ALL GUYS!!!! I'LL MISS YOU VERY MUCH!!!

No comments:
Post a Comment