set yourself free...

Sunday, March 12, 2006

trial...

grabe! sobrang di ko alam papaano palabasin yung title sa blog... I'm sa pissed off na! wala lang... tinitignan ko lang kung tama na ba yung time...

Saturday, March 11, 2006

the year is about to end



ang taong ito'y nalalapit ng magtapos...
nakakalungkot isipin na ako'y magpapa-alam na sa paaralan humubog sa aking katauhan ng 4 na makabuluhang taon...
nakakainis na ang buhay ay puno ng pagtatapos, pagpapa-alam...
pagpapa-alam sa mga taong nagdala ng ngiti sa aking mga labi at nag-iwan ng marka sa aking puso...

hindi ko alam paano haharapin ang bukas ng wala ang mga taong ito...
parang may kulang lagi sa aking puso...
hindi ko makita ang aking sarili...
nag-iisa sa aking dormitoryo, nangungulila sa aking mga kaibigan at pamilya...

kailangan lahat ng ito'y dapat kong pagdaanan...
kung ang gusto kong makamit ang pangarap ko sa buhay...
maging malungkot man, malumbay o maghirap...
basta ba'y lahat ng ito'y magbunga sa hinaharap...


kaya sa lahat ng taong aking nakasama...
maraming salamat sa inyong pagtityaga...
balang araw ay tayo'y muling magtatagpo...
at sana'y ika'y hindi makakalimot...

LOVE YOU ALL GUYS!!!! I'LL MISS YOU VERY MUCH!!!

announcement please read!!!!!!!!!!!

i decided na ang official language ng blog ko ay TAGLISH para di na ko mahirapan! walang pasaway na magco2mment o magtatag ng pure english dahil madali akong ma-insecure! okei lang ang pure Tagalog... kung gusto nyo pa makikipagtunggali pa ako...

kung inyong mapapansin ay straight English naman ang message sa intro... wag nyo na lang pakialaman un... wag ng magreklamo... blog ko to, okei?! masungit na kung masungit pero wala akong pakealam... wahahahahahahahahaha!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Friday, March 10, 2006

depressing little problem

i've been doing and perfecting the design of my blog for hours now... i've perfercted the deisgn, all right, but the entry part is so depressing... why oh why am i speaking in English? I really don't have an idea... i hate speaking in this language! it's just not me! poor me... i don't even know where to find tag boards! argh...

hehe...

yehey!!!!!!!!!!!!!!!!!!1 I HAVE A BLOG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!