set yourself free...

Friday, April 13, 2007

nothing is constant except change...

Life is about change. at isa kang loser kung hindi mo matanggap ito. sa dami ng pagbabago na kelangan tanggapin sa ating buhay, kelangan matuto kang mag-adapt sa sitwasyon. hindi yung ipagpipilitan mo ang gusto mo kahit hindi naman pwede... hindi na dapat magfocus sa nakaraan dahil tapos na ito at hindi mo na ito maibabalik pa. kelangan magfocus sa present para makamit ang future na iyong ninanais.. dapat tanggalin lahat ang mga gumugulo sa iyong utak para mas lalo mong makita ang priorities. kaya nga nagbabago ang buhay eh para mafilter ang mga bagay sa buhay mo. sa pagbabago, may mga bagay na dapat mo ng kalimutan at may mga bagay naman na nananatili. yung mga bagay na nananatili sayo, yun ang kelangan mo para sa future gaya ng mga aral, kagandahang asal at karanasan. yun ang mga mahahalgang bagay na hinding-hindi mo dapat kalimutan. lahat ng tao ay nagbabago (mga kaibigan, mga guro, mga ka-eskwela) pero ang mga aral na natutunan mo ay mananatiling sayo.

5 comments:

Anonymous said...

ito yung katotohanan na sigurong hinahanap ko sa aking buhay... ang pagbabago lamang ang siyang permanente sa mundo... naiintindihan man kita anpu kung magbago ka bigla lalo na na hindi na tayo masyadong mag-uusap... nasa iyo na rin iyon... baka siguro magbabago din ako... hindi natin hawak ang oras... ano ba sa iyo ang mga bagay na hindi mo makakalimutan? ano ba yung dapat tanggalin sa iyong isipan? siguro nga yung mga mananatili sa iyo ay yung mga kailangan mo sa kinabukasan pero...

Anonymous said...

umm... mahirap na mga tanong yan. cguro ang mga dapat kong kalimutan ay yung mga bagay na nakakahadlang sa aking mga pangarap sa buhay gaya ng kalungkutan at ilang mga alaala... yung mga dapat maalala naman ay yung mga bagay na makakatulong sa aking pag-unlad... kaw ba? ano ba ang mga mananatili at tatanggalin mo?

Anonymous said...

heto muna... ano ba yung mga bagay na nakatulong sa iyong pag-unlad? pero paalala ko lang sa iyo anpu... ang mga alaala.. kahit mabuti man iyon o masama... di na sila mawawala sa ating isipan... kaya mo silang tanggalin pero nandyan na sila... at hindi mo siguro iyon maiiwasan... babalik ako sa tanong mo anpu... mga mananatili sa akin? siguro yung mga bagay na nakatulong din sa akin... kahit mabuti o masama man yung karanasan na iyon... may natutunan naman ako... yung mga tatanggalin ko? mahirap iyon kasi kahit anong gawin ko para matanggal sila, lagi silang bumabalik sa akin... wala akong tatanggalin kasi lahat ng aking karanasan ay naging parte na ng aking buhay.. siguro kung hindi dahil sa mga masasamang karanasan na ito ay isang kung baga "stepping stones" patungo sa aking tagumpay... nakakahadlang... tama ka dun pero kaya may mga hadlang di ba kasi para makita kung gaano na talaga tayo katatag sa buhay... anong mga alaala yung tatanggalin mo sa iyong buhay?

Anonymous said...

mukhang seryosong usapan na eto ah... yun nga ang problema eh, hindi matanggal sa isipan ko yung mga bagy-bagay. paano ka uusad kung yung mga bagay na humihila sayo pababa ay hindi mo matanggal? tama nga ang sinabi mo, di mo nga lubusang makakalimutan ang mga bagy-bagay pero paano kung sinisira na ng mga alaalang ito ang pananawa mo sa buhay? magaganda at masasayang alaala pero nagdudulot ng sobrang kalungkutan sa akin kaya ang paraan na naisip ko para hindi na ako malungkot ay ang subuking kalimutan ang mga ito... hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong iyon, pero yun lang ang naiisip kong paraan para maka-usad na ako sa buhay... aalalahanin ko na lang ang mga bagay na iyon kapag dumating ang tamang panahon pero sa ngayon, parang gusto ko munang lumimot sa aking nakaraan... sa tingin mo tama ba ang gagawin ko, anpu?

Anonymous said...

siguro may punto ka rin anpu... minsan kailangan na nating magpatuloy sa buhay... tama naman iyon...