set yourself free...

Saturday, September 29, 2007

mga tanong

marami na namang mga bagay na iniisip. hay... bakit ba kasi kelangan ko pang isipin yun? bakit kasi gusto kong isipin ang bagay na yun?

oo ba o hindi? totoo ba o hindi? tama ba o mali? dapat ko bang paniwalaan o huwag?

dapat ko bang ituloy o hindi? dapat ba akong matuwa? dapat ba akong magpadala sa emosyon? kelan ba magiging malinaw ang mga bagay-bagay? kelan ko ba malalaman ang katotohanan? paano ko malalaman na yun ang katotohanan? ano kayang mangyayari makalipas ang ilang taon? may mababago ba o ganito pa rin ang buhay ko? lagi na lang bang ganito? ano na susunod kong gagawin? hahayaan ko na lang bang ganito? lalabanan ko ba o magpapadala ako? tama ba itong nararamdaman ko o namimisinterpret ko lang ang mga bagay-bagay?

ang daming tanong, pero walang tiyak na sagot... talagang magulo ang buhay. alam kong lahat tayo ay marami ring tanong sa buhay, pero madalas karamihan sa mga tanong na ito ay hindi masasagot.

1 comment:

Anonymous said...

ganyan talaga ang buhay... sa dami-dami ng ating katanungan sa ating buhay.. hindi ito nabibigayan ng linaw... nasa iyo iyon sa kung ano yung opinyon mo.. maraming mga bagay na nakakaapekto ng iyong mga desisyon... :)