nalalapit na pagtatapos ng sem and some other thoughts (sakayan ng jeep, discoveries)
so eto... wala lang... kakatapos lang ng aking "hectic" day, pero dami pa rin gagawin!!! creative output bout our ilocos trip...diorama!!!
wala lang... hay... namimiss ko na talaga cyang makita at makasabay... lagi na kasi akong late umaalis ng bagay eh, dati 7am ngayon 7:30 na, and by that time, i guess nakasakay na cya ng cubao na jeep. hay... bakit ba ganito ang aking nararamdaman? weird nga eh... di ko naman cya kilala, di naman kami nag-uusap pero lam kong schoolmates kami, pero pag di ko cya nakakasakay, parang may kulang sa 1 1/2 oras na byahe ko...
hay... other thoughts in my head. wala. masaya naman ako sa pangkalahatang contexto. hehe...:) nabanggit ko naman na diba ung mga reasons kung bakit ako masaya...:)
may napapansin lang ako, parang ngayon ko nakikita ung mga tunay na ugali ng mga tao. for some reason, kung kelan patapos na ang sem dun ko mas nakikilala ang mga tao/ classmates ko. dun ko nakikita o nadidiscover yung mga tunay nilang kulay. and minsan, yung mga tao pang least expected mo, sila yung mabait sayo. tapos yung iba naman na akala mo close na kayo, di pa pala kayo ganun kaclose. weird noh?
parang sa artstud... yung mga tao dun lalo na groupmates ko, close kami, pero yung iba sa kanila ngayon ko lang napansin o nafeel na medyo nakakairita din yung mga ugali nila. yung 2 parang kahit nagdidiscuss harutan ng harutan na parang walang pakialam na nahihirapan ng magsalita yung groupmate naming nagsusuggests. kaya nga nawalan ako ng gana kahapon eh habang nagmeemeeting kami. nung una, okei lang na magharutan sila, nakakatuwa pa ngang tignan eh pero nung sumosobra na, parang ang sarap sabihing "ano ba?! may balak ba kayong makinig o gusto nyong umalis na lang at ipagpatuloy ang harutan nyo?!"
meron din namang nareinforce yung pagtingin ko sa kanila. like dun sa friend ko sa 110, akala ko nung una parang mahihirapang maging close kami kasi well... masyadong maraming difference pero nagulat na lang ako nung bigla na lang cyang nagbibiro at nagiging friendly. tapos dun din sa pe ko naman, si "ate psych" di ko kasi lam name nya. narecongnize ko kasi cya dahil cya yung nagfacilitate ng exp na inattendan ko last year. kala ko nung una snob cya kasi medyo mataray ung itsura nya, pero nung nagkausap kami, okei naman pala cya, mabait naman.
tapos yun pang isa kong classmate sa pe din, sinamahan nya akong magmakeup class kahit kaming 2 na lang yung naiwan. accdg to him, gusto pa daw din kasi nya maglaro, pero pang 4th game na nya kasi yun kaya feeling ko (u know, pagod na cya) naawa na lang cya sa akin dahil wala akong kasama... hehe... pasaway na bata. :)
tapos yung mga groupmates ko sa pe, masya talaga silang kasama and nafeefeel mo yung respect (malamang, 5 kami sa group, 3 dun freshie, isang senior at isang sophie... kung di lang mapuno ng respeto talaga!) tapos dun din sa mga friends ko sa 110 (nakakasawa na nga eh!!! haha!! joke!!!:D ) tapos dun sa mga groupmates ko sa anthro, kahit short lnga yung moment na naging united kami as one group, kahit papaano masaya naman sila kausap eh ngayon ko lang nadiscover. haha!!!:D
basta... madami pa din namang magandang mga friendships ang nabuo dis sem eh. sana nga lang magkita-kita pa kami next sem (kahit malabong mangyari...) haha!!!:D

2 comments:
hehehe madaming mangyari sa iyo ah :) masaya naman ako at masaya ka sa mga mangyayari... di bale... magkikita pa rin kayo yan... malay mo di ba? :D mukhang maganda yung epekto ng pagbabago sa iyong buhay ah.. :) ipagpatuloy mo lang yun hehehe :)
haha!!:) masaya sa mga nangyari? maganda ba talaga ang epekto? cgurado ka ba? haha!:) joke lang!:)
Post a Comment