puffy eyes again...
bakit lagi na lang akong ganito? iiyak sa gabi, puffy eyes sa umaga... i cried for almost an hour last night habang ginagawa ang aking stat hw. naiyakan ko pa ata ung yellow pad ko eh. umiiyak ako dahil sa ilang mga bagay na sinabi ko at sinabi ng ibang tao, dahil sa mga bagay na nagawa ko at nagawa ng ibang tao. ewan... sabi nya paulit-ulit ko na lang daw sinasabi un sa kanya mapa-sulat man o personal. nahiya ako sa kanya nung sinabi nya un sa akin, para kasing nakukulitan na cya dahil paulit-ulit na lang ako. kaya pinangako ko sa kanya na hindi ko na sasabihin yung muli... sana maging masaya na cya ngayon sa buhay nya. hindi ko na cya kukulitin pinapangako ko yun. hindi ko na cya pipiliting gawin o maramdaman ang mga bagay-bagay na taliwas naman sa kanyang gusto. cya na ang bahala kung anuman ang gusto nyang gawin o kung anung gusto nyang mangyari o kung ano ang kanyang pipiliin. hindi ko na cya pipilitin. rerespetuhin ko kung anuma ang desisyon nya kahit masaktan ako sa desisyon nyang yun.... basta kahit anuman ang maging pasya nya, nandito lang naman ako lagi eh. di naman ako nawala at lalong hindi hindi ko cya iiwan. sana maramdaman nya na nandito lang ako...

2 comments:
sori... alam ko naman na nasaktan ka sa nagawa ko... paano kaya ako magiging masaya kung yung kaibigan ko... at matalik ko pang kaibigan ay hindi masaya?
sorry din
Post a Comment