set yourself free...

Wednesday, October 24, 2007

my 18th birthday/s... wahaha!!

hay... so un... tapos na rin finally ang mga treat ko sa aking bday!:) wahaha!!! finally!!!:D

part1: cyempre nagstart ang aking bday treat nung pasukan pa lang... college friends ko, 2 batches. 1st batch: bowling buddies. 2nd batch: blockmates/friends/karamay sa 110... wahaha!!! chocolate kiss resto sa may Bahay ng alumni!!! first time kong makakain dun... at super busog and sarap!!!

part2: pumunta mga tita at lola ko sa house nung bday ko mismo... medyo short notice (anong medyo?) un... pizza, empanada, pancit malabon, 2 cake (isang dala nila choco marble cake, isang binili namin cappucino cake), lam ko meron pa eh pero di ko na maalala... hehe...:D masaya cya actually pero there are certain issues lang na nangyari...

part3: oct12 un... hehe:) lumabas kami ni marian (my dear bestie)... hehe... eat sa chicken bacolod, nuod ng sine (Retribution), ikot-ikot sa mall at nagcoffee (or in her case, hot choco) sa Starbucks... ang saya-saya talaga sobra!!!:D tapos binigay din nya me ng isang surprising gift!!! super super ganda nung gift!!!:D di bale, babawi ako sa bday nya!!! wahahaa!!!:)

anyways, sinearch ko ung Retribution sa Yahoo! kasi super di ko cya naintindihan nung pinanuod namin... aside from subtitled cya, mahina ulo ko pagdating sa pagaanalyze ng story... Japanese movie cya, at psychological thriller pala cya... story nya, yung lead star kasi detective cya tapos iniinvestigate niya yung death ng isang babae... yun pala, cya yung pumutay sa girl na un, nagkaroon cya ng parang amnesia due to guilt kaya nakalimutan nya ung event na un, nagising cya like nothing happened... pero may babaeng naghuhunt sa kanya at akala nya wala lang un kaso parang "ghost of his conscience" pala daw un... yan yung nakalagay dun sa nabasa kong plot ah... pero di ko lam kung nu ung relevance nung ibang moments and events dun sa movie...

part 4: at alex's place yesterday... wahaha!!! asteeg nun eh. aside from nakita namin ung bagong condo nila alex, nakaupo/higa din ako sa aking dream chair na lazyboy!!!:D kumain kami sa old spag house, tapos tour sa unit nila, watched movie (Gray Matters), eat Pizza Hut, take pictures at eat Dominoes Pizza... puro kain... tapos mukhang kinabagaan ako kagabi dahil tawa me ng tawa... hehe... tapos nung pag-uwi ang lakas ng ulan!!! nahirapan akong sumakay tapos agawan pa sa jeep!!! basang basa pants ko kasi lusong sa gutter deep na baha pero buti na lang at may jacket at payong ako... hehe:D

ung Gray Matters naman isa cyang interesting movie... hehe:D about cya sa homosexuality... kasi si Gray (lesbo cya) at yung brother nya nakatira sa isang house tapos they share everything (as in kung nasan ung si Gray nandun din bro nya, same apartment) eh may nameet si Gray na girl, at nainlove yung brother nya dun sa girl pero nainlove din si Gray dun sa girl na un... the night before her brother's wedding, nagkiss sila nung wife to be ng bro nya!!!! hahaha!!!:D basta about homosexuality cya: denial, coming out, acceptance and moving on... di sila nagkatuluyan ng wife ng brother nya (kasi straight ung wife at lasing naman ung wife nung bro nya nung nagkiss sila) nung una parang denial pa cya na gay cya pero inaccept na rin nya sa huli...:)

hay... at least tapos na rin itong celebration ko!!!:D wahaha!!! next year na lang ulit.... NOT!!!!:D

2 comments:

Anonymous said...

hehehe :) dami namang birthday treats yun ah... masaya ako at nagenjoy ka sa lahat ng yun.. :D next year ulit!!!

Anonymous said...

next year? pagiisipan ko pa!:D wahaha!!! cguro treat ko na lang mga very close friends ko... yung mga true...