set yourself free...

Sunday, August 26, 2007

usapang puso na naman

paano kung ipagpatuloy ko tong nararamdaman kong ito, kung hayaan ko na lang na maghari tong feelings na to at tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya, hindi kaya sa huli ako din ang magsisi kasi di naman posible na ako'y magustuhan nya? hindi naman nya mapapansin ang pagtingin ko sa kanya eh... iisipin nya na wala lang un, at ayaw ko namang ipakita/ipahalata man lang sa kanya na may feelings nga ako... minsan kasi kapag naiisip ko cya, naaalala ko kung gaano nya ako pinapasaya pagnakikita ko cya, pero un nga bigla na lang susulpot ung side na "forever lang akong aasa na wala naman akong mapapala" na hindi naman nya ako magugustuhan... tapos imbes na happy feeling ang mangibabaw sa akin, sadness and hopelessness na... kaso kasi sa case naman nya, ayaw kong umasa pero ayaw ko rin namang i-end ung feelings ko sa kanya... masaya lang kasi ako pagnakikita ko cya eh, minsan nga iniisip ko pa lang cya masaya na ako, basta different kind of happiness na kahit medyo boring ay ayaw kong matapos ung oras... minsan iniisip ko tuloy "paano kung iba ang naging tadhana namin? paano kung naging mas compatible kaming dalawa? paano kung hindi cya ganun at hindi ako ganito? paano kung naging talo kami? paano kung hindi ko cya ganun at hindi nya ako ganito? paano kung hindi cya ganun at hindi ako ganito? paano kung nagiba ang panahon at lugar at pagkakataon na nagkita at nagsama kami? ano kayang mangyayari?" kung nagiba siguro lahat ng mga sinabi ko, cguro hindi ako magiging ganito ngaun. cguro mas magiging masaya ako at mas makakaramdam ako ng pag-asa. cguro i won't feel bad na nararamdaman ko itong "different feeling" na sa kanya. ewan... ano bang aking gagawin?

Friday, August 24, 2007

mga bagay-bagay agen (stat, sched, bday, uaap, bestie, interview, hassle)

hay... nakita ko ung organizer ko kanina at super punong-puno na sched ko!!! sa monday pupunta ako sa bday ng friend ko, sa wednesday naman the same week baka magmeet kami ng anthro groupmates ko, tapos thursday long exam na sa stat!!!! crucial long exam... sa friday naman start na ng fieldtrip... pero di pa kami nakakabayad at di pa kami nangmemeet sa artstud bout it. ewan ko nga eh... parang tinamad na akong pumunta. then the week after that naman, kelangan makainterview na ako ng 3 people for our report pero di ko pa lam cno ung 2 people na interview ko (any volunteers?:D) hehe... tapos magmeet pa kami ng bestie ko wednesday nung week na un... tapos uaap cheering!!! feeling ko napakapabaya ko na kasi dami ko exams and projects and reports pero may time pa akong maggagala at maguaap!!! waaaah!!! ewan... pero ano naman kasi magagawa ko kung mas magiging masaya naman ako paglumabas at maguaap ako, diba? kelangan nga lang, double the effort na ako sa mga remaining days... hehe...:)

Thursday, August 23, 2007

the korean episode

may natulungan akong korean girl kanina.... di ko lam kung pwede ko bang isama sa learning project ko ung ginawa kong iyon. diba doctors are suppose to help people in need? oh yan nakatulong na ako... nawawala kasi si korean eh kaya to the rescue ako. binigyan pa ng nya ako ng tip na P50 dahil dun eh. immediate reinforcement!!!!:D parang feeling ko tuloy ang bait-bait ko today...

Tuesday, August 21, 2007

deal or no deal: real life edition

sa tingin nyo, dapat ko bang ipagpatuloy yung "dare" o "bet" na ginawa ko with myself?

here's the story:
dati kasi, parang pinangako ko sa sarili ko na if this certain "event" happens, may gagawin ako(o hindi gagawin). yung gagawin kong iyon, aaminin ko ay hindi maganda, hindi cya friendly deed. kaya ko pinangako yun dati kasi parang that time, i was down and parang gusto ko ng sumuko. and now, i can feel na yung "event" na yun ay malapit ng mangyari. natatakot ako ngayon kung gagawin ko ba. these days iniisip ko yun, what if mangyari nga talaga yung "event" na yun, itutuloy ko pa rin ba kahit mukhang hindi maganda? ayaw ko lang naman masaktan eh kaya gagawin ko yun, pero hindi kaya mas masasaktan ako kung ginawa ko nga yun?!

Sunday, August 19, 2007

eto, mahaba-habang survey

GRADESCHOOL
1. SINO ANG VALEDICTORIAN NUNGELEMENTARY KA?>> jen magno...:)
2. SINO ANG KATABE MO SA CLASS PICTURENUN ELEMENTARY?>> anung grade?
3. SINO ANG TINDERA SA CANTEEN NIO?>> si miss na masungit? ewan///
4. SINO ANG PRESIDENT NIO SA CLASSROOMNUNG GRADE 6 KA?>> c kash ata eh... o c jen uli... o c cy... ewan///
5. ANONG NAME NG CLASS ADVISER MO NUNGGRADE 6?>> mrs.... forgot!!!
6. BULLY KA BA NUNG ELEMENTARY?>> nah
7. SINO ANG CLASSMATE MONG IYAKIN?>> -c mikaela???
8. ANONG BAON MO SA SCHOOL? (FOOD)>>tocino, hotdog, ham, bacon... any of the above plus rice
9. MAGKANO ANG BAON MO NUNG GRADE 6?>> 50 ata
10. ANONG GRADUATION GIFT NA NATANGGAPMO NUNG GRADE 6?>> HArry Potter and the Prisoner of Azkaban book

HIGH SCHOOL

1. ANONG SECTION MO NUNG 4TH YEAR KA?>> 4-5
2. UMATTEND KA BA NG WORLD YOUTH DAY?>> nope
3. SINONG KABATCH MO ANG CAPTAIN BALLNG BASKETBALL?>> wala
4. SINO ANG BEST PLAYER NG VOLLEYBALLSA BOYS?>> walang boys eh
5. SINO ANG CRUSH NG BAYAN SA GIRLS?>> ako??? haha!!! yuck tibo!
6. UMATTEND KA NG JS PROM?>> nope
7. SINO ANG PARTNER MO?>> wala nga eh
8. SINONG ADVISER MO NUNG 2ND YEAR?>> ms tumibay
AT SINO NAMAN ANG CRUSH MO NA HIGHERYEAR SA YO?>> p_________ and a_________
10. NAGBEER KA NA BA NUNG HIGHSCHOOLKA?>>hehe...

COLLEGE
1. MAGKANO ANG BAON MO NUNG FRESHMANKA?>> P150
2. NAGBBYAHE KA LANG BA PAPASOK?>> yeah
3. ANONG SUBJECT ANG NAIBAGSAK MO?>>wala... and hopefully, wala ever
4. BEST PROFESSOR?>> sir ton! ma'am ong
5. SINO ANG CHEATMATE MO?>> i'm a good girl...:)
6. ANONG SUBJECT ANG MADALAS MONGABSENTAN?>> nung 1st yr, kasaysayan1
7. SINO'NG NAI-DATE MO NUNG COLLEGE NAPROUD NA PROUD KA?>> wala pa...:)
8. NA-SNATCH-AN KA BA, O NAHOLD-UP NUNGCOLLEGE?>> hindi!!! and sana never
9. PUMASOK KA NA BANG LASING SA KLASE?>> nope...

Saturday, August 18, 2007

4th year hoolahs

THINK BACK TO 4th year hs... Let's seehow much you remember and how much youregret...

What section were you?> 4-5
Who were your seatmates?> 1st quarter si czar, 3rd-4th ata, carmen gueco???
Still remember your english teacher?> yeah,.
What was your first class?> ummm.... ummm.... morning rites???
Who did you like?> ummm.... confidential!
Made friends to the lower years?> yes.
Had a boyfriend/girlfriend?> nope...
How was your class schedule?> better than now
Made any enemies?> ummm... di ko lam kung matatawag kong enemies but i had fights with some people and friends
Who was your favorite teacher?> MS. MARANAN--- MRS. i dunno na ngayon
What sport did you play?> ummm....
Did you buy your lunch?> yup... everyday!
Were you well known in your school?> nope
SKIP SCHOOl?> nope
Did you get suspended/expelled?> nope... kundi edi hindi ako college ngayon diba?
Can you sing the alma mater?> yeah... pero nakakalimutan ko na minsan yung ibang words
What was your favorite subject?> MATH!!! honestly...
What was your school's full name?> st.paul college of pasig.
Did you go to the dances?> nope
If you could go back in time and doit all over, would you?> sure sure!!! why not, diba???:)
What do you remember most about 4thyear?> bonding times with friends and barks... classmates ko yung 2 closest friends ko eh:D
Favorite memory in 4th year?> retreat and fieldtrip and...
Worst memory in 4th year?> cguro yung event sa A&D dati... hehe...:)
Where did you go most often forbreak?> sa canteen... may specific table pa!!!:D
What did you do on the last day ofschool?> wala... talk with friends sa swing tapos sa pagkaka-alala ko noon, nainis ba ako sa bestfriend ko nung time na yun eh... what a last day noh?:D
How was your graduation?> bitin at parang ang bilis... nothing much

mga bagay-bagay sa aking buhay (ulan, sweatshirt, make-up class, bday, gifts)

okei okei... walang pasok for 5 days dahil sa suspensions, sa monday may pasok ako kahit holiday, sa tuesday may pasok na talaga, then sa wednesday wala na namang classes kasi wala naman talagang class pagwednesday... tapos wala na namang pasok next monday (27) kasi holiday na naman ata yun... masaya cya kasi at least nakakapagpahinga, tapos yung mga bagyo ay nagdadala ng ulan at tubig sa mga dams... hindi na magkakaroon ng water shortage. nakasuot ako ngayon ng blue sweatshirt. feeling ko nasa america ako ngayon kasi malamig at feel na feel ko ang pagsuot ng blue sweatshirt na ito. (tanong lang: bakit sweatshirt ang tawag dito eh hindi naman cya sinusuot pagmainit? pangginaw nga cya eh at di naman ako pinagpapawisan.) so yun... bday nga pala ng kapatid ko sa wednesday (22). tumatanda na cya... 16 na cya!!! haha!!!:D bukas namin iceceleb bday nya, baka sa megamall lang kasi sabi nya gusto nya sa KFC kumain at mag punta ng powerbooks at comic alley... wala pa rin akong regalo sa kanya though. hehe...:) bigyan ko na lang cya pera... joke!!!:D baka pakiusapan ko na lang yung friend ko sa monday kung pwede ba nya akong samahang bumili ng gift somewhere... hehe..:) or pwede ding pera na lang talaga...

sana naman hindi na umulan sa monday... kasi wala ng suspension na i-aannounce in case eh kasi wala naman talagang pasok, diba? weird lang talaga...

Monday, August 13, 2007

DUI resulting to damage to property

I have many things to do pa pero gusto ko lang isulat tong napaka weird (and sort of frightening) experience namin kanina ng mom ko. Nangyari ito kaninang mga 6am habang nanunuod kami ng mom ko ng Unang Hirit at habang ako'y kumakain ng breakfast before going to school. May narinig kaming car na nagsskid, as in alam mo yung car na parang nawawalan ng preno. Tapos napansin namin bakit parang palakas ng palakas at parang palapit ng palapit yung sound. Then after ilang seconds, may narinig na lang kaming bumangga sa front yard namin, actually naramdaman nga namin yung impact eh kasi medyo nagvibrate ung floor namin. so syempre, takbo palabas and dun nga, nakita namin na may bumangga nga sa may flower bed/ pot namin!!! as in sira na talaga yung parang "mini" garden ng mom ko sa harap (outside the gate) buti na lang di tumama sa gate yung car. gusto ko ngang makita ung driver eh, kung buhay pa ba cya o wala ng malay o worst, dead kaso pinagising sa akin ng mom ko yung dad ko, weird nga dad ko eh di man lang nagising dun sa lakas ng tunog. tapos pagbaba namin, nakita na namin yung car, wala ng tao... umalis pala yung tao, tumakbo cya kasi malapit lang pala yung house nila sa amin. pagtingin ko sa car, bloody. maraming blood sa manibela at sa opening and handle nung door. grabe!!! grabe talaga!!! kapag nakikita ko nga ngayon ung flower bed namin, naaawa ako... naaawa ako sa flower bed!!! as in nagkalat na yung lupa at ilang mga bulaklak and dahon and parts nung pot sa streets... hanggang ngayon di pa rin nalilinis. hay... takot talaga kami nung unang rinig pa lang namin sa skids, kala namin papasok sa bahay at aararuhin kami gaya ng napanuod namin sa tv dati. buti nga rin di natamaan yung gate namin eh kundi mas malaking gastos pa yun... hay... wala lang. cge, gotta go!!! exams exams exams hws hws hws...

Saturday, August 11, 2007

paano ba?

from now on, magpapakatino na ako. meron kasi akong goal eh at nakakahiya naman kung di ko masunod yun. kelangan kong imonitor ang aking mga ginagawa at baguhin ang mga dapat baguhin. kelangan ay malaman ko na ang aking mga kalakasan at kahinaan para alam ko na kung ano bang aking dapat gawin. kelangan din ay malaman na kung ano ba talaga ang tunay na sanhi ng problema, para masolusyonan na. kelangan ng magbago... kelangan alisin ang katamaran. kelangan ko ng matuto ng time-management....

kaso gusto kong matulog... ayaw ko ng gumawa ng iba kundi matulog at magcomputer. hay... paano na yan? paano na yung pagbabagong gusto kong makamit? paano ko makakamit yun kung ni-umalis nga sa kinauupuan ko kinatatamaran ko pa? paano?!!! paano!!!

Thursday, August 09, 2007

ang aking pambawi...:)

hay... sa wakas at tapos na rin itong unos na dumaan. actually, dapat nung isang araw pa ito natapos eh kung hindi lang dahil sa akin na pinalaki ko na naman yung gulo.:) xenxa na po...

sa bawat away, may lesson na matututunan. pansin ko lang, lagi na lang kaming away ng away ng friend kong ito. bestfriends pa naman kami. weird nga eh! cguro within this semester lang ay meron na kaming 2-3 serious fights. hay... bawat away, nakakapagod, nakakadrain ng happiness. pero sa mga away naming yun, dun ko rin narerealize na strong pa rin talaga friendship namin. cguro dahil hindi namin pinapatagal ito at open naman kami sa isa't isa. kahit sabihin mo pang cya yung friend ko na maraming beses ko ng naka-away, nailang beses na akong pinapaiyak at pinapahirapan (peace!:D), cya pa rin ang pipiliin at gugustuhin kong maging matalik na kaibigan.:D

sorry po!!!!:)

Monday, August 06, 2007

important announcement

due to insistent public demand of my conscience, i deleted my previous entry. masyadong maselan ang mga nilalama nun kaya minabuti ko ng tanggalin sa pagkakapost. tinatanggal ko rin yun sa kadahilanang baka may ibang tao pang makabasa nun at madamay sa gulong aking pinasok, o kung di man madamay ay baka may bagong gulo pa siyang madulot sa aking buhay at sa buhay ng ibang taong nakatala sa entry kong iyon. salamat po!:D

Thursday, August 02, 2007

"ang buhay ay sadyang ganyan" -quoted from a friend of mine

hehe... isa lang class ko kanina (art stud). tinatamad na nga akong pumasok eh kasi parang 1 1/2 oras lang ako sa school pero kelangan. ako kasi magrereport sa group namin!!!:( so yun, pumasok ako, naglakad ng mga ilang daang metro under the noon sun, with my shades and my umbrella and pawis pawis all over. cyempre commute na naman... pagdating sa school, ready na sa mga sasabihin only to find out na naiwan ko yung usb ko sa bahay na naglalaman ng revised and magandang ppt presentation namin!!!:( buti na lang, nasave nung groupmate ko sa laptop nya yung "incomplete" ppt namin. huhu... yan tuloy nagsuffer yung ibang groupmates ko kasi binasa na lang nila yung parts nila from their paper. huhu... irresponsible. tapos yun umuwi na... nagmeet kami ng parents ko sa makro at nakalibre pa ako ng merienda. hay... tapo umulan na naman (bakit dito ulan ng ulan pero sa la union kung saan state-of-calamity na, walang ulan?) tapos eto nagsusulat na naman sa blog ko. lagi na lang ganito... nakakasawa na ang buhay... walang pasok bukas, wala ding pasok sa aug20 at 27, halfday na naman ako sa aug6 at 16... di ko nga lam kung dapat akong matuwa at laging walang klase eh. kasi alam kong bawat araw na nadedelay, mas lalong nagpipile up ang mga gawain at ang mga deadline. gaya ng exam namin sa anthro, dapat bukas na yun pero mamomove sa tuesday kasabay ng submission ng project namin... huhu... ganito lang ang buhay.