"ang buhay ay sadyang ganyan" -quoted from a friend of mine
hehe... isa lang class ko kanina (art stud). tinatamad na nga akong pumasok eh kasi parang 1 1/2 oras lang ako sa school pero kelangan. ako kasi magrereport sa group namin!!!:( so yun, pumasok ako, naglakad ng mga ilang daang metro under the noon sun, with my shades and my umbrella and pawis pawis all over. cyempre commute na naman... pagdating sa school, ready na sa mga sasabihin only to find out na naiwan ko yung usb ko sa bahay na naglalaman ng revised and magandang ppt presentation namin!!!:( buti na lang, nasave nung groupmate ko sa laptop nya yung "incomplete" ppt namin. huhu... yan tuloy nagsuffer yung ibang groupmates ko kasi binasa na lang nila yung parts nila from their paper. huhu... irresponsible. tapos yun umuwi na... nagmeet kami ng parents ko sa makro at nakalibre pa ako ng merienda. hay... tapo umulan na naman (bakit dito ulan ng ulan pero sa la union kung saan state-of-calamity na, walang ulan?) tapos eto nagsusulat na naman sa blog ko. lagi na lang ganito... nakakasawa na ang buhay... walang pasok bukas, wala ding pasok sa aug20 at 27, halfday na naman ako sa aug6 at 16... di ko nga lam kung dapat akong matuwa at laging walang klase eh. kasi alam kong bawat araw na nadedelay, mas lalong nagpipile up ang mga gawain at ang mga deadline. gaya ng exam namin sa anthro, dapat bukas na yun pero mamomove sa tuesday kasabay ng submission ng project namin... huhu... ganito lang ang buhay.

3 comments:
hehehe... okie lang yan!! kaya pa yan!!! parang alam ko yang quote na yan ah? hehehe :d
hehe... well, familiar ka dapat dyan.:)
um... yup... kakabasa ko lang yan eh.. hehehe :D
Post a Comment