set yourself free...

Saturday, August 11, 2007

paano ba?

from now on, magpapakatino na ako. meron kasi akong goal eh at nakakahiya naman kung di ko masunod yun. kelangan kong imonitor ang aking mga ginagawa at baguhin ang mga dapat baguhin. kelangan ay malaman ko na ang aking mga kalakasan at kahinaan para alam ko na kung ano bang aking dapat gawin. kelangan din ay malaman na kung ano ba talaga ang tunay na sanhi ng problema, para masolusyonan na. kelangan ng magbago... kelangan alisin ang katamaran. kelangan ko ng matuto ng time-management....

kaso gusto kong matulog... ayaw ko ng gumawa ng iba kundi matulog at magcomputer. hay... paano na yan? paano na yung pagbabagong gusto kong makamit? paano ko makakamit yun kung ni-umalis nga sa kinauupuan ko kinatatamaran ko pa? paano?!!! paano!!!

1 comment:

Anonymous said...

kailangan mong i-focus ang iyong sarili sa mga importanteng bagay... dahil sa alam mo na ang dapat mong baguhin... isipin mo yung adhikain mo sa iyong isipan at gumawa ka ng plano sa kung paano mo gagawin yung mga plano mo... kaya mo yan!!! walang iwanan!! aja!!!