usapang puso na naman
paano kung ipagpatuloy ko tong nararamdaman kong ito, kung hayaan ko na lang na maghari tong feelings na to at tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya, hindi kaya sa huli ako din ang magsisi kasi di naman posible na ako'y magustuhan nya? hindi naman nya mapapansin ang pagtingin ko sa kanya eh... iisipin nya na wala lang un, at ayaw ko namang ipakita/ipahalata man lang sa kanya na may feelings nga ako... minsan kasi kapag naiisip ko cya, naaalala ko kung gaano nya ako pinapasaya pagnakikita ko cya, pero un nga bigla na lang susulpot ung side na "forever lang akong aasa na wala naman akong mapapala" na hindi naman nya ako magugustuhan... tapos imbes na happy feeling ang mangibabaw sa akin, sadness and hopelessness na... kaso kasi sa case naman nya, ayaw kong umasa pero ayaw ko rin namang i-end ung feelings ko sa kanya... masaya lang kasi ako pagnakikita ko cya eh, minsan nga iniisip ko pa lang cya masaya na ako, basta different kind of happiness na kahit medyo boring ay ayaw kong matapos ung oras... minsan iniisip ko tuloy "paano kung iba ang naging tadhana namin? paano kung naging mas compatible kaming dalawa? paano kung hindi cya ganun at hindi ako ganito? paano kung naging talo kami? paano kung hindi ko cya ganun at hindi nya ako ganito? paano kung hindi cya ganun at hindi ako ganito? paano kung nagiba ang panahon at lugar at pagkakataon na nagkita at nagsama kami? ano kayang mangyayari?" kung nagiba siguro lahat ng mga sinabi ko, cguro hindi ako magiging ganito ngaun. cguro mas magiging masaya ako at mas makakaramdam ako ng pag-asa. cguro i won't feel bad na nararamdaman ko itong "different feeling" na sa kanya. ewan... ano bang aking gagawin?

2 comments:
nasa iyo yun anpu... baka masaktan ka lang lalo... ano ba kasi sinabi mo sa kanya kaya naging ganyan yung nararamdaman mo? mahirap din yun ah...
di ko alam... bahala na lang. basta kakalimutan ko muna cya ngayon. dami pang mas mahalagang bagay na isipin eh.
Post a Comment