On the difficulties of schoolworks
heto na naman... kakatapos lang din ng exam ko sa learning 140. medyo mahirap cya kasi kelangan mo talagang i-analyze bawat tanong. medyo trick kasi at may pagkavague yung questions eh, kaya kung di masyadong pinag-aralan yung details nung lesson, baka di masagutan yung exam. pero okei naman... yung learning proj ko due on friday na and may exam pa me sa anthro. kung titignan mo, parang ang dami kong dapat gawin, noh? pero di naman ako ganun kapressured... i know i can do it and i will definitely do it. siguro isa sa mga bagay na tumutulong sa aking makasurvive sa ganito ka hirap na buhay ay yung believe ko sa sarili ko na kaya kong malampasan ang mga pagsubok na ito. may mga times na nahihirapan talaga ako (kahapon nga lang dumadaing ako ng sobrang sakit ng ulo at kinailangan kong uminom ng 2 gamot para lang makapag-aral pa ako for my exam!!!) pero kinakaya naman. katulad ng learning proj ko, wala pa talaga akong hard copy outcome dun pero during breaks (or minsan during class time mismo) nag-iisip na ako ng mga ideas kung anung ilalagay at kung anong magiging concept nung proj kong iyon. tapos pag nasa com na ako, itytype ko na lang lahat ng ideas ko tapos edit-edit. yung ibang tao kasi, sa harap na ng com dun pa lang sila nag-iisip. dun naman sa mga exams, sila talaga yung major problems ko.... recently, napapansin ko sarili ko na medyo unfocused (meron bang ganung word?) parang kahit nagbabasa ako, walang pumapasok sa utak ko. parang maraming unnecessary things ang nagooccupy ng mind ko. di ko alam... sana maget over ko na yung mga "hadlang" sa aking utak. hay... ano ba to?!
