argh!
na-experience nyo na ba yung iba yung dinidikta ng puso mo sa dinidikta ng utak mo? akala ko dati imposibleng mangyari yun eh kasi wala namang "will" ang puso, utak lang ang meron, pero well naexperience ko na cya nung isang araw lang. yung utak ko gusto si 1 pero pagnaaalala ko si 2, parang iba din yung nararamdaman ko. masaya din naman ako kapag naiisip ko si 1 pero masaya din naman ako kapag naiisip ko si 2. si 1 marami akong mga plano, marami akong gustong mangyar kasama cya parang lahat ng dream ng isang babae nararamdaman ko sa kanya. pero si 2 naman, parang napapasaya nya ako ng husto. hindi man nya masatisfy yung dreams ko (2), masaya naman ako. si 1 dictated ni mind, si 2 naman parang ni heart. ewan ko ba. si 1 gustong-gusto ng mind at medyo gusto ni heart. si 2 naman gustong-gusto ni heart pero pilit kinakalimutan ni mind. yung feelings ko kasi kay 1, yun yung mas tama kaysa yung feelings ko kay 2. may nabasa akong quote- sabi daw ni heart kay mind: ano ba, burahin mo na kasi cya sa isip mo. sabi naman daw ni mind kay heart: eh papaano ko gagawin yun kung sa tuwing ginagawa ko iyon ay nakikita kitang nagdurugo!!! well... parang ganun nga yung nararamdaman ko. kung ang buhay at katawan natin ay kontrolado lang ni mind, siguro di ako magkakadilemma dito pero hindi ganun ang sitwasyon. dapat nagkakaisa sina puso at isipan para maging mas kumpleto ka. hay buhay... parang life talaga!:)


3 comments:
um... sino si 1 at si 2? nakakatakot naman yan anpu... pero nasa iyo kasi iyon... ang tanong ko lang: ano ba yung mas pinapairal mo kapag pag-ibig ang pinag-uusapan: ang utak ba o ang puso? mahirap kasi kung iba ang dinidikta ng iyong puso kaysa sa utak... kadalasan, yung puso yung sinusundan kasi mas nakakagaan ito ng pakiramdam... pero yung utak kasi may mga plano din para hindi mo sundan yung puso... nasa iyo iyon... (ang gulo noh?) si 1 ba yung high school crush at si 2 ba yung college crush mo? hula ko lang... hehehe :)
yup tama nga hula mo anpu... kaya nga eh... kahit saan mong aspeto tignan, mas maganda kung utak ang susundin pero as you said, mas magaan kapag yung puso ang sinunod...
hehehe... nakakatakot nga anpu... kung sa tignin mo mas mapapayapa yung sarili mo... yun na lang sundin mo... :)
Post a Comment