set yourself free...

Friday, June 01, 2007

ayaw kong magprerog!!!

sa tuesday enrollment na!!! kinakabahan ako... eto ang unang beses kong punta sa school after ng pasukan... alam kong mapapasabak na naman ako sa matinding pilahan at maraming takbuhan para lang makakuha ng subjects. dissolved ang fil40 ko... kainis talaga yun prof nun!!! tapos wala pa akong pe... ano ng gagawin ko? sabi ng mom ko kailangan nakapila na ako 7am pa lang kahit 8:30 talaga yung start... first time pa lang kasing enrollment ito na hindi ako freshie kaya parang nakakatakot. pagfreshie kasi mas madali ang buhay, priority ka eh. madaming slots, at mas konteng kaagaw. pero ngayon na upper class ka na, they expect you to be stronger na kaya mas papahirapan ka nila. survival of the fittest!!! start na ng prerog years, or minsan wala ka ng choice kundi magprerog... sana lang ang napasukan mong prof ay hindi ganun ka-sama na sisigawan ka nyang lumabas sa class nya!!! hehe... nakakaawa ang mga nagpreprerog eh... para silang mga nawawalang bata na palipat-lipat ng rooms nagtatanong kung sino ang pwedeng umampon sa kanila!!! haha!!! sana wag umabot sa situation na magpreprerog ako... kasi sa totoo lang, nakakatakot yun...

1 comment:

Anonymous said...

kaya mo yan!!!! :)