set yourself free...

Wednesday, June 13, 2007

ilang mga katanungan

minsan sa buhay, hindi mo talaga maiiwasang magsakripisyo ng ilang mga bagay. minsan din, yung bagay pa na tunay na nagpapasaya sayo ang kailangan mong isuko para lang mas maging maayos at masaya ang ating buhay. minsan nga pakramdam mo ayaw mong isuko yung bagay na yun kahit pa mali yun dahil yung bagay na yun ang nagdudulot ng labis na kasiyahan sa iyong puso. ngunit, gaya nga ng sabi ko kanina, kailangan itong gawin para din sa ikabubuti mo. ngunit eto ang isang mahalagang katanungan dun. makakaya mo bang isakripisyo ang isang bagay na nagdudulot ng labis na kasiyahan sayo upang makamit ang "kaayusan" ng buhay mo? follow up question, paano mo malalaman kung makakamit mo nga ba ang kaayusan ng buhay matapos mong isakripisyo yung bagay na yun o baka mas maging magulo at malungkot lang ang buhay mo kapag wala na yung bagay na yun?

4 comments:

Anonymous said...

malalaman mo iyon kapag nasa maayos na yung buhay mo... ang ibig kong sabihin ay kapag naging maligaya ka pa rin sa kabila ng pagsasakripisyo mo ng mga bagay na nagpapasaya sa iyo, dun mo nakakamit yung kaayusan ng buhay mo... ngayon... depende iyon sa pananaw mo... kasi minsan dapat bukal sa kalooban mo yung pagsasakripisyo mo sa mga bagay na nagpapasaya sa iyong buhay.. halimbawa... kung nawala pa yung bagay na iyon, hindi ka ba magagalit o magsisisi sa ginawa mo? ganun lang naman iyon... nasa iyo kasi iyon... bago mong isakripisyo ang mga bagay na nagpapasaya talaga sa iyo ng husto... kailangan mong alamin kung tama ba yung ginagawa mo o yung pagsasakripisyo mo... kasi kagaya ko.. humiwalay ako sa mga kaibigan ko sa englres... sa totoo lang... hindi aksidente yung pag-click ko ng submit button dati... kasi pinili ko iyon.. hindi ibig sabihin yun ayaw ko silang makasama.. gusto ko lang makita sa aking sarili na kaya kong mag-isa at kung ano man... kaya ko gawin yung dapat kong gawin... dito nagsakripisyo ako ng aking mga kaibigan na kung saan sila yung nagpapasaya sa akin... :) di ba?

Anonymous said...

kung sa bagay... eh ang tanong, after mo bang ginawa yun natuwa ka naman ba sa mga nangyayari/nangyari? kinatatakutan ko lang naman yung kasabihang, nasa huli ang pagsisisi... paano kung di lang kasing simple ng pagkuha ng diff sched sa kanlia ang ginawa mo anpu? paano kong irreversible na o something serious lang totally kalimutan mo na sila? diba mahirap naman yun. kakalimutan mo sila pero wala namang katiyakan kung dahil ba ginawa mo yun ay gaganda na ang buhay mo. what if after what you did bigla kang magsisi and its too late na or the damage has been done ika nga. yun lang naman... paano kung di lang talaga ganun kasimple?

depende iyo nsa sitwasyon kaya nga kailangang pag-isipang mabuti ang mga desisyon na iyong gagawin.. kung sakali lang na nagawa kong kalimutan ko sila... magsisisi nga ako pero gagawa pa rin ako ng paraan para maitama ang aking mali... alam naman natin na kapag may nagawa na tayong kasalanan, hindi natin maibabalik pa iyon.. ngayon kung humingi ka ng patawad sa taong iyon at kung hindi ka na niyang pinatawad... sa tignin mo ba na nagsisisi ka pa rin dahil hindi ka niya pinatawad? sa akin lang kasi dapat irespeto ng tao ang iyong desisyon... yun lang naman :)