set yourself free...

Wednesday, July 04, 2007

heartbreak hotel...

i'm doing my brother's hw... nakakatamad na... oh well... lagi naman akong tinatamad eh. napag-isip-isip ko lang: bakit ba may mga bagay sa mundo na nangyayari kahit di naman pwede? gaya ng love... bakit ba nafafall ang isang tao for the wrong person? bakit di ba kasi pwedeng dun ka lang sa right person for you mafall in love? bakit may mga pampagulo pa? dahil nga posibleng mafall ka pa rin sa isang tao na di naman talaga para sayo, nasasaktan ka tuloy ng husto. heartbreak lang abot mo. kasi ur hoping na yung tao na yun yung right person pero yun naman pala, wala lang cya. hanggang friends o hanggang tingin ka na lang pala sa kanya. wala ding kwenta... wala lang din yung effort mo. you wasted your time and emotions on the wrong person. tapos nasayang na nga ang panahon mo, nasaktan ka pa. ano ba naman yun? minsan pinagdadasal mo na lang na sana mawala na yung feelings mo sa taong iyon kasi sure ka naman ng wala ding patutunguhan yun kasi may gusto na cyang iba. ayaw mo namang ipaalam sa kanya kasi natatakot ka na baka mag-iba yung pagtingin nya sayo. gusto mo ng kalimutan yung nararamdaman mo pero parang may humahadlang. hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa kasing hadlangan eh hindi naman yun yung tama. dapat nga nabubura kaagad ang maling feelings eh kasi in the first place, di naman na dapat nangyari yun. it's a mistake! but no, kung alin yung mali, kung alin yung hindi dapat, yun pa yung nagsstay. yun pa yung nagflouflourish. kainis talaga ang love noh?!

3 comments:

Anonymous said...

bakit ikaw ang gumagawa ng hw ng kapatid mo? mukhang paboritong paksa ang love ah anpu... hehehe :) siguro dahil mas natuutwa tayo kapag may nararamdaman tayong mali... alam mo yun.. mahirap ding ipaliwanag ang mga bagay-bagay... at syempre di ganun kadaling kalimutan ang tao na gusto mong mahalin pero yun nga.. sinasaktan ka na... siguro dahil nararamdaman mo yun.. di mo pwedeng i-deny yung pakiramdam mo... alam mo naman ang sinasabi ko... alam ko na di ko pa nararamdaman yun pero uyn lang talaga yung sinasabi ko based sa aking observations... yun lang.. sana maliwanagan ka sa mga sinasabi ko :)

Anonymous said...

wala lang...:) gusto ko lang gawin... di ko naman fave ang love, nagkataon lang na yun ang madalas kong maramdaman... eh what if sabihin ko sayong di naman ako natutuwa sa wrong feeling na yun? ewan ko ba... ever since talaga at sa kahit anung bagay, mahirap akong makamove on... dont know why...

Anonymous said...

mahirap din yun... siguro dahil sa nahihirapan kang mag-isip sa kung ano ang dapat mong gawin...