mga bagay-bagay (SONA, uselessness, hibernation, UPCAT)
hay... wala kaming pasok today. feeling ko, kami lang ata yung school na walang pasok ngayon SONA day eh. sa forever SONA na lang... wala din naman akong magawa. triny ko ult magresearch for our reporting sa art stud, pero wala talaga. kakatapos lang ng exams ko sa stat at natsci (physics part) kaya medyo light load ako ngayon. exam ko sa learning 140 next week pero medyo alam ko naman na lessons namin dun... hay... bum na lang talaga ako sa bahay!!!
ayaw ko nga ng walang ginagawa... gaya nga ng sabi ko sa aking friend na kachat ko ngayon " I feel useless kasi halos lahat ng tao busy... ako naman eto nagmumultiply lang" halos lahat nga ng tao busy eh!!! pansin ko lang... mapa-UP o DLSU o UST o ADMU, busy ngayon... pero bakit ako? why am i the missing link?
actually, last week naman yung busy week ko. kaya magrerecover muna ako dis week. next week naman kasi busy week ko uli (2papers and 3 exams and out ng exam results) kaya parang rest week ko ngayong week.:) magiipon muna ako ng energy and inspiration and knowledge para next week, ready na ako!!! haha...
next week... i'll hibernate na naman from the real world!!! di ko alam kung makakausap pa ako ng mga tao... cguro naman makakausap pa ako, pero medyo malabo na nga lang akong kausap sa dami ng bagay sa aking utak. sa dami ng papers and exams. lapit na kasi midterm namin eh... aug8 kaya dumarami na rin yung exams and requirements. pero kaya to!!!:)
nga pala, maguUPCAT na sister ko!!!! Aug 5 (sunday) 12:30pm... Palma Hall... di ko maimagine kung saan sa Palma Hall cla mageexam. ang liliit ng rooms dun tapos majority pa ng rooms walang aircon. wawang kapatid!!! buti pa ako noon sa Econ audi, malamig at bagong-bago. eh ang AS o PH, mainit at lumang-luma na!!!

2 comments:
hehehe ang saya naman ninyo... hehehe :) sori kung busy ako... ganyan talaga.. pero basta if you need anything, nandito lang ako :)
oo nga eh pero okei lang yun... focus on ur studies lang..
Post a Comment