uhmm...
may friend na nagtanong sa akin... paano mo daw ba malalaman kung yung dream mo na yun ay para talaga sayo? at pagnafail mo na itong dream na ito twice or thrice, paano mo malalaman na its time to give up on that dream na ba? actually, mahirap na tanong yan kasi wala talagang definite answer sa mga tanong na yun. cguro malalaman mo na lang na di talaga para sayo yung dream na yun kapag nawalan ka na ng ganang ipursue yun, kapag nakakita ka na ng isang bagay na mas gusto mo ng gawin. meron din akong dream na hindi ma-achieve achieve. ever since preschool, gusto ko ng magkaroon ng award pag grad. nung gradeschool di ako nagkaroon ng award kasi kinapos ng konte yung grade ko, nasa top11 ako... tapos nung hs naman, may below 85 ako. minsan iniisip ko, makakaya ko bang magka-award naman sa college grad? pero paano kung it is something na mahihirapan ka ng ulitin pa? like kunwari med school... if you failed it once, mahirap ng ulitin pa yun... eh paano kung you failed it for the 2nd time? mas mahirap pa yun! at those times, paano mo pa malalaman kung para sayo nga yun? what if you're meant to be a lawyer pala at hindi doctor? hay... mahirap na desisyon yun, diba?




