ang epekto ng inspirasyon...
ano ba naman ito? di pa man nagsisimula ang pasukan, napakadami ng stressors ang dumarating sa aking buhay. dati ang problema ko lang ay yung tungkol sa aking grades at sa mga ibang tao sa paaralan pero ngayon pati sa bahay meron na ring problema. di naman sila dapat serosohin ng isang batang tulad ko, pero cyempre, di ko naman maiwasang maisama ang mga bagay na ito sa aking pag-iisip. pero marahil napaka-inspired ko lang ngayong mga panahong ito dahil di naman ako gaanong nasstress. kung cguro nung mga panahong di ko pa naliliwanagan ang ilang issues sa aking buhay ko dumating ang mga stressors na ito, baka ngayon pa lang (kahit wala pang pasok) ay lagi na lang akong nakatulala, sumasakit na naman ang ulo at nadedepress. pero dahil medyo inspired nga ako at maraming reserved energy, hindi ako nagiging masyadong down. nakakayanan ko pa ring harapin ang mga unos na ito ng may ngiti sa aking mukha at hindi naiistress. malaki nga talaga ang epekto ng pagiging inspired sa performance ng isang tao. sana hindi ako maubusan ng inspiration sa pasukan. mas kakailanganin ko na ito pagdating ng panahong iyon. at kung anuman yung inspirasyong tinutukoy ko, sa akin na lang yun!:)

1 comment:
siguro nga alam mo na gagawin mo... dahil ayaw mong sabihin kung ano yung inspirasyon mo... walang problema yun sa akin.... kaya naman ang lahat eh basta isipin mo na may dahilan ang lahat at magbabago din ang panahon... hehehe :)
Post a Comment