set yourself free...

Sunday, May 27, 2007

a girl can dream

naramdaman nyo na ba yung feeling na gusto mong makilala pa ng lubusan ang isang tao? na parang hindi enough talaga yung kilala nyo lang by name ang isa't isa? nararamdaman ko kasi yun ngayon eh at hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot o matuwa. meron kasi akong isang taong nasaisip. para bang gustong-gusto ko cyang maging friend at maging kaclose. ewan ko nga bakit eh. di ko alam kung anung itatawag ko sa ganitong klaseng feeling. parang gusto mo lang kayong maging close friends pero di mo naman pinagpapantasyahang maging kayo. parang gusto mo lang talagang makilala ang tunay na katauhan nya. parang naghahanap ka lang ng mapagsasabihan ng mga bagay-bagay. sana lang talaga bigyan ako ng pagkakataon para makilala ko siya, hindi lang pangalan pero pati katauhan nya. gusto kong malaman kung gaano ba talaga cya kabait, mayabang ba cya, friendly ba cya, thoughtful ba cya, yung mga ganung bagay. gusto ko ring malaman kung totoo ba yung mga naririnig kong bali-balita tungkol sa kanya at gusto kong malaman kung ganun ba talaga cya. may mga personal observations din naman ako sa kanya kasi kahit papaano naman ay naging classmate ko na cya pero yun nga lang, kailangan ko pa cyang mas makilala para malaman ko kung ganun pa talaga cya lagi pati sa mga kaibigan nya. at cyempre, gusto ko rin namang makilala nya ako. gusto kong makilala nya kung ano ba talaga ang tunay kong pagkatao hindi lang yung nerd at shy girl na nakikita nya sa room.

3 comments:

Anonymous said...

hehehe... okie lang yun anpu... minsan kasi it takes courage para makilala mo yung isang tao... alam ko naman na gusto mo lang maging kaibigan siya... okie lang yun... tawag dun? gusto mo lang siya maging kaibigan... minsan kasi gusto mo ring patunayan na hindi ka shy at nerd na tao... seryoso ka ba? shy and nerd ka? parang hindi eh... hindi ako makapaniwala... pero siguro... mabibigayan ka yan ng pagkakataon... sino kaya yun anpu? wala lang... curious lang.. pero may hula na ako kasi... hehehe ;)

Anonymous said...

haha! cguro nga tama ang hula mo anpu (kung sinoman yun):) well... gusto ko lang naman cya makilala ng lubusan eh. gusto ko lang din namang maging friend cya at si God na ang bahala kung anuman ang mga mangyayari after ko na cyang maging friend (alam mo na yun...) basta i really need that opportunity!!! yup, shy and nerd nga ako... for some reason, yun yung naging impression ko sa mga tao eh... feeling ko nga iniisip nila na mayabang ako pero well, ibang story na yun.:)

Anonymous said...

ganun ba anpu? siguro nga magiging kaibigan mo siya... walang imposible sa mundong ito... hehehe... mayabang ka? hindi kaya... tahimik ka nga eh :) pero hindi shy... :) tama na hayaan na si God sa iyong plano... malay mo... maganda pala yung kinalabasan... :)