home alone
nakakatamad talaga ang araw na ito... well... mag-isa lang ako sa bahay kaya yun aabusuhin ko na lahat ng resources dito. habang sila ay nagpapakasaya sa galle na nagshoshopping para sa school supplies and uniform at kumakain ng masarap na pagkain, ako naman ay nandidito sa tapat ng computer at di pa naglulunch. magdamag sa computer hanggang sila ay bumalik. kanina nanuod ako ng movie. mamaya siguro manunuod na naman ako ng dvd, ang aking House MD marathon. ako lang naman ang willing manuod ng marathon ng house kahit walang subtitle dito sa bahay eh. sinapsych ko rin kasi ang sarili ko na magtake up ng med kaya yan, pursigidong manuod ng house, grey's anatomy at ER. hehe... hay... nakaktamad talga. di pa ako naglulunch pero tinatamad akong magluto, kasi kelngan pang magsaing at magdefrost ng kakainin sa freezer. pero gutom na talaga ako eh... mukha tuloy akong bum dito sa bahay. wala ng ginawa... ang gulo pa ng bahay sa baba pero tinatamad talaga ako... hay...

2 comments:
hehehe alam ko naman na masaya ka sa bahay mag-isa pero nakakalungkot din... naenjoy mo ba?
enjoy naman...:) pero mas maganda sana kung mas late silang dumating eh
Post a Comment