set yourself free...

Wednesday, May 09, 2007

what a weird dream...


i dreamt about my ex-crush one night... medyo weird nga eh kasi cya yung lumalapit. sabi nya, kung pwede daw bang magbalik sa dati ang mga bagay-bagay, you know, maging close uli kami. nagsorry cya sa mga ginawa nya, pinagsisisihan na daw nya yun. nanghinayang daw siya kung bakit nya ako pinakawalan as a friend at ngayon umaasa cya na bumalik yung closeness namin. at eto pa ang nagpa-creepy sa akin, tinanong nya daw ako kung gusto ko daw ba siyang maging-ANO!!! gets? creepy talaga... kaso sa panaginip ko, meron nang ibang nilalaman ang aking puso... pero cya medyo insistent, sinabi nya sa akin na kung pwede daw layuan ko yung special na taong yun at siya ang piliin ko... sa dream medyo nahirapan daw akong pumili kasi kahit papaano meron pa rin daw akong feelings sa kanya at matagal ko ng hinihintay-hintay na sabihin nya sa akin ang mga bagay na yun. di ko daw talaga alam ang gagawin ko. naka-upo pa cya sa tabi ko namukhang sising-sisi sa kanyang ginawa tapos hinahawakan nya yung kamay ko.... well... sa pagkaka-alala ko ang sinabi ko ata sa kanya dun ay "sorry pero meron na akong ibang gusto pero pwede naman tayong maging close friends eh". yung feeling ko all throughout the dream? parang happy na confused na sad na happy ulit... mixed emotions. happy kasi at least i heard the words na matagal ko ng gustong marinig, sad kasi its kinda too late and the damage was done, and confused whether i would give up my current "love" or not... grabe!!! weird talaga ng panaginip kong iyon. kung mangyari siguro yun sa totoong buhay, yun din siguro ang sasabihin ko at baka yun din ang maramdaman ko... pero baka in real life, hindi ko talaga igigive up ang present ko para lang sa past...:)

1 comment:

Anonymous said...

romantic naman yung dream mo anpu... very sweet... kaso syempre parang ayaw mo na ring balikan pa yung nakaraan... pero di ba hindi mo naman loss yun... loss naman niya... pero kasi anpu... in real life... nasa iyo iyon kung gusto mo pa rin yugn taong iyon o you have to move on na... pero yung dream mo anpu... related yan sa life mo ngayon...